In the Past

1 15
Avatar for MjAcato
3 years ago

Tomorrow will be another day. Another part of my story is about to be published and I really feel excited about what will happen tomorrow.

Ewan ko pero parang may isang part sa past ang nais kung balikan. Hindi rin ako makatulog. Mag-aalas dose na rin pero napansin kong hindi pa rin natutulog si Jace. I am about to talk to him nang maunahan niya ako.

"Hindi ka rin makatulog?" tanong niya. Sinabihan ko siya na hindi nga ako makatulog dahil tila may bumabagabag sa akin. Ewan ko kung kailan ito nagsimula, basta ba may nais akong matuklasan at hindi ako makakatulog ng maayos kapag hindi ko ito nalalaman.

Out of the blue, bigla na lang may naitapon ang bibig ko. "Jace, sino ka ba talaga?"

Nag-isip muna siya ng malalim bago niya ako sinagot. "I am Jace Jacinto, but it is not supposed to be my last name."

Dahil naguguluhan ako sa sinabi niya ay agad ko ding sinabi ito sa kaniya.

"Ganito yun, hindi talaga ako isang Jacinto. Napangasawa ng nanay ko ang isa sa mga Apo sa tuhod ni Don Pancho Jacinto na si Michael Jacinto, ang taong itinuring kong ama. Alam niya na hindi niya talaga ako anak pero tinanggap pa rin niya ako dahil labis ang pagmamahal niya sa aking ina.

Ganito kasi yun, may nagsamantala kasi sa aking ina habang wala si tatay noon at ang taong iyon ay ang pinakamatalik na kaibigan ni itay. Kung hindi ako nagkakamali ay sa Ilocos siya nakatira. Pagkatapos ng tagpong iyon ay inilihim na lang ni itay sa kaniyang mga magulang ang nangyari sa aking ina dahil tiyak niyang paghihiwalayin sila kapag nalaman nila ito.

Galit na galit si tatay sa kumpadre niya dahil sa ginawa nito pero sa huli ay napatawad niya din siya dahil hindi naman daw ginusto ng taong iyon ang kaniyang ginawa at talagang pinagsisihan niya ang kaniyang ginawa.

Bago pumanaw si itay ay pinamana niya sa amin ng aking ina itong dormitoryo, kasama ng titulo ng lupa ang isang lumang papel na naglalaman ng isang mapa na magtuturo sa amin sa nawawalang kayamanan ng angkan nila pero nang malaman ito ng ibang kapatid ni itay ay agad nila itong inagaw mula sa amin.

Dahil sa pag-aagawang naganap ay nahati sa dalawa ang mapa. Sinisi nila ang nanay ko kaya para tumigil na sila ay iniabot din ni inay ang piraso ng mapa pero bago pa man nila mapasakamay ito ay bigla na lamang humangin ng napakalakas at tinangay nito ang dalawang pirasong papel kaya mas lalo pang uminit ang ulo nila sa aking ina.

Hanggang ngayon nagiging pala-isipan pa rin sa kanilang lahat kung saan nakabaon ang itinagong kayamanan ni Don Pancho bago siya bitayin ng mga kastila noon." Paliwanag niya. 

Sa sinabing ito ni Jace ay tila nasagot ang ilang katanungan at nabigyang linaw ang ilan sa mga napapanaginipan ko sa mga nakaraang araw.

So it means na yung isa sa mga taong nakita ko noon sa isang selda na binitay ay ang tinatawag niyang Don Pancho.

Ngayon malinaw na sa akin ito.

Pero ewan ko pagkatapos kasi niyang sabihin na taga-ilocos ang nagsamantala sa nanay niya ay bigla akong kinabahan.

Hindi ko ito maipaliwanag nais ko sanang tanungin pa ang pangalan ng taong iyon na sinasabi niya pero sinabi niyang hanggang doon na lang ang masasabi niya dahil ayaw na daw niyang mahalungkat pa ang mapait na sinapit ng kanyang ina.

Pagkatapos ng tagpong iyon ay nabalot ng katahimikan ang buong paligid. Humiga na ako ng mapansing humiga na siya. Sinubukan kong pumikit pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Sinubukan ko siyang kausapin, akala ko magagalit siya dahil iniistorbo ko pa rin siya kahit anong oras pero base sa tono ng boses niya nang sinagot niya ako ay tila hindi pakakakitaan ito ng galit.

Humingi ako ng pasensya dahil sa paghalungkat sa kaniyang nakaraan at agad naman niya akong napatawad. Pagkatapos ay natulog na ako.

Bandang alas-otso na ng magising ako. Ayaw ko pa sanang bumangon pero nasusunog na ang dagat kaya tumayo na rin ako upang mailigpit ang aking pinagtulugan.

Naalala kong Sabado pala ngayon at mamayang tanghali ang pagrereview namin.

Bumaba na ako para kumain. Sa baba naabutan ko sina Jace at Anne kasama ang iba pang boarders na akmang pupunta na sa kani-kanilang business dahil tapos na rin silang kumain.

"Good Morning guys!" bati ko sa kanila at binati rin nila ako sabay ngiti.

"Hay salamat gising ka na rin, alam mo bang kanina ka pa namin hinihintay na bumaba dito?" sabi ni Anne.

Sinagot ko siya na malamang hindi dahil hindi ko alam na talagang hinihintay nila ako kanina pa.

"Since narito ka na rin lang sasabihin ko na ang dahilan ko kung bakit ko kayo hinihintay dito" sabi ni Jace.

"Ganito kasi iyon, magpapatulong sana ako sa inyo na hanapin yung totoo kong tatay pero ilihim muna natin ito sa aking ina dahil sigurado akong tututulan lang niya tayo."

"So kailan mo naman balak na hanapin natin ang totoong tatay mo?" tanong ko sa kaniya.

"In the soonest time sana pero since kakasimula pa lang ng klase ay baka sa summer na lang."

"Matagal pa pala" sabi naman ni Anne. "Oo, pero for the mean time hanapin muna natin yung lumang papel na naglalaman ng mapa na magtutungo sa itinagong kayamanan ng mga Jacinto."

Agad-agad umagree si Anne sa sinabi ni Jace dahil sino ba naman ang may ayaw sa kayamanan?

Ngunit sa sinabi ni Jace ay bigla akong kinabahan. Ewan ko pero parang natagpuan ko na ang hinahanap niya.

3
$ 0.00
Avatar for MjAcato
3 years ago

Comments

Thanks

$ 0.00
3 years ago