Gameplay

0 13
Avatar for MjAcato
3 years ago
Topics: Series, Story

Anne's POV:

It is still 5:30 in the morning when I woke up. I can even now observe the main appearance of light in the sky before dawn. It's another day, more clues to be revealed, and more people to meet.

Mahimbing pa rin na natutulog ang iba. Nakakatawa silang tignan. May humihilik pa ng malakas, mayroon ding tumutulo ang laway, at may nakaharap na sa mga paa ng iba dahil sa kakulitan sa pagtulog.

I was about to go out when Mendy called my name.

"Ang aga mo namang gumising" sabi niya

"Ganitong oras talaga ako gumugising at isa pa ayokong makipag-unahan sa pagligo kapag malapit ng magsimula ang pagpapatuloy ng Amazing Race na ito." Letanya ko sa umaga

"Para kang manang kapag nagsasalita" sabi pa niya

"Wala akong narinig" tanging sagot ko na lang sabay alis na.

Pagkalabas ko mula sa tent, dali-dali akong pumunta sa banyo dahil tinatawag na akong ng kalikasan at kailangan ko na ding makaligo para hindi na ako makipag-unahan pa mamaya sa mga kasama ko.

After taking a bath I went back to our tent to wake them up. I only met them here that's why I only know a little bit of information about them such as their name and nothing else. We are only 10 but the room seems so small for us.

Paano kasi eh pawang mga dambuhala ang mga kasama ko tapos ang lalaki pa ng mga bagahe na dinala nila. Mahimbing pa rin silang natutulog, gustohin ko mang gisingin sila tiyak kong hindi pa rin magigising ang mga ito kapag kikilitihin ko kay naman nagpasya na lamang akong pumunta sa main ground at para makapag-almusal na rin.

Pagkarating ko doon may mangilan-ilan na ding kumakain. Nang makakuha na ako ng pagkain agad na akong humanap ng bakanteng upuan at lamesa para makapagsimula ng kumain. Sakto may nakita na akong mauupuhan at saktong iisa pa lamang ang naroroon. Maybe it's about time na rin to meet new friends aside from Mendy na kakakilala ko lamang kahapon.

Speaking of Mendy, siya pala yung nag-iisang kumakain dito sa nakita kong mau-upuan. Pagtingin ko sa kanya, bigla na lamang lumaki ang kaniyang mga mata tapos nabilaukan pa yata siya. She's so funny, indeed.

"Ikaw naman pala?" sabi niya

"Oo, bakit may problema ba?" sabi ko sabay ngisi

"Wala, naman" sabi niya.

"Bakit kahapon napansin kong palagi kayong sumusunod sa amin?" hala bakit ko yon sinabi?

"Well if that is what you think I can't do anything else. If you saw us yesterday just behind you every stage, it is because we are in the same race. Yes, the clues were so difficult but we have our brain to analyze and answer the questions. In conclusion, maybe it's just a coincidence" mahabang sabi niya na tila nagpadugo sa ilong ko.

"I...I am sorry if I judge you with..out considering your si....side" nauutal na sabi ko na may halong hiya.

"Mukha namang sincere yung pagkasabi mo dahil nakikita ko ito sa iyong mga mata kahit pa ganon ang pagkakasabi mo. Ewan ko pero bigla mo na lamang akong napatawa." sabi naman niya.

"Ba't ka tumatawa?" tanong ko

"Wala, haha pinapatawad na kita, but just be careful to your words, dear" sagot niya habang natatawa pa rin pero ilang sandali lang ay umalis na rin siya.

Hahabulin ko pa sana siya para makahingi ulit ng pasensya in a more sincere way pero ang bilis niyang maglakad. Tinapos ko na lamang ang aking kinakain sabay balik sa aming room.

Pagkarating ko doon saktong kagigisng lang ng iba pa. Nagalit sila sa ami dahil hindi raw namin sila ginising. Ipinaliwanag ko naman lahat sa kanila pero hindi pa rin sila naniwala. Pero dahil ilang sandali na lang at magpapatuloy na ang race wala na silang ibang choice kundi tapusin na lamang ang kanilang agahan at mabilisang maliligo.

----


At nagpatuloy na nga ang Amazing Race na ito. Kahapon pa namin hinahanap yung itlog na clue pero hindi pa rin namin mahanap. Nakailang balik na ako sa mga napuntahan ko pero wala, ang weird talaga nito wala man lang clue kung nasaan yung mga itlog.

Napansin kong kanina pang ikot ng ikot si Mickey. Siguro kahapon pa siyang ganyan.

Ilang sandali pa ang lumipas at ayon sa wakas nakahanap rin ako ng itlog. Naalala ko kasi ang Easter Sunday. Gaya ng nasa mga napanood ko sa TV, Easter bunnies are bringing eggs with different colors and styles in our place then placing it here especially on the plants.

Agad naming binasa ang nasa loob nito at yung clue which is riddle again, this time hindi na kami magtataka kung bakit bugtong na naman kasi dalawa lang naman ang type ng clues, it's either a riddle or a mathematical problem.

"What room do ghosts avoid?"

Anong klaseng tanong to, it is pertaining to a place where ghosts avoid. Sumasakit na naman ang ulo ko, it looks like I am going to give up if puro ganito ang mga questions. But I can't, I can't give up on this because of that reason only. I never gave up before that's why I need to finish it together with my teammates no matter what happens.

Wala kaming sinayang na oras patuloy pa rin kami sa pag-iisip kung ano ba ang sagot dito. Sa salas kaya? o sa banyo? teka paulit-ulit lang ako baka hindi tagalog ang sagot.

Until I came up with a smart answer. If it isn't a Filipino word then it means that the answer is in the English language, and since it was pertaining to ghosts then it means that the place they are avoiding is only the living room, isn't it?

Umagree naman ang dalawa.

Dali-dali na kaming kumilos para puntahan ang living room pero bago pa kami makapasok ng tuluyan ay may napansin na naman kami. Ewan ko pero parang kahapon ko pa ito nadadama. Mabuti pa magpanggap muna ako na sa iba kami pupunta for me to resolve this mystery. Aside kasi kina Mickey ay may isa pang grupo ang sumusunod sa amin.

"Doon sila pumunta" sabay turo ng isa sa akin. Ang hindi nila alam pinagmamasdan ko na sila. Mukhang tama nga ako ng hinala.

Malapit na sila sa kinaroroonan ko ng bigla napatid ang isang lata. Wala na nakita na nila ako, napansin na rin nina Jace at Juan ang pagtatago ko dito sa halaman. But since it wasn't me who started cheating of course I will not show any guilt.

"Bakit kayo sunod ng sunod?"

Mainit na talaga ang dugo ko sa mga mukong na ito. They have dirty gameplay. I warned them not to do what they did and it looks like they are going to follow my order now except for the fat one who has a lookalike from a cartoon show but I just can't remember the title.

Aalis na sana ako ng biglang nagsalita yung mataba.

"Bakit nasa guidelines ba na nagsasabing hindi pwede sundan ang kahit sino na grupo" biglang lumaki ang mga tenga ko pati na rin ang mga mata ko.

"Yes, you are right but don't you now that based on the guidelines it is clearly showed there that anyone who doesn't complete any challenge will not be given a chance to be included in the top 5 groups who will then proceed to the final round?" Tanong ko sa kanya na tila nagpadugo sa ilong niya kasama ang mga kasamahan niya.

Kanina pa ako tinatawag ng mga kasama ko pero I need to settle this first.

Narinig kong tinanong niya ang isang kasama niya na may kamukha rin sa cartoon show kung ano bang ibig sabihin ng sinabi ko. Bigla ding nagulat si taba kasi sinabi ng pinagtanungan niya na every player ay nabigyan ng isang device na nakakabit sa aming katawan. It is called Aucker short word for auto checker. Hindi basta-basta natatanggal ito, it has remote control, it is the one which automatically checked any group who completed a challenge.

Pagkatapos doon ay mukhang nag start over sila, malamang hindi sila sumusunod sa rules kaya naman karma na lang iyon sa kanila.

Pagdating naman namin sa loob nakita ulit namin sina Mickey na tila nauna na dahil sa ginawa ko pa kanina, they are really determined. No doubt kung makasama sila sa top 5 groups who will proceed to the final round.

Nabigla at namangha sila ng makita kami and I think mas binilisan pa nila ang pagsolve sa clue for them to proceed on the next challenge.

Hindi na rin kami nagpatumpik-tumpik pa at agad na din kaming kumuha ng card sa area then we started to solve another math problem. Another exhausting challenge.

4
$ 2.77
$ 2.77 from @TheRandomRewarder
Avatar for MjAcato
3 years ago
Topics: Series, Story

Comments