Don't Let What If's Swallow You

0 22
Avatar for MjAcato
3 years ago

Jace's POV:

Maraming araw na rin ang dumaan, sa katunayan nga ay malapit na ang sem break. Ilang beses din akong nagising dahil sa panaginip na iyon. I don't kn, gustuhin ko mang sabihin na ito sa kanila pero tadhana ang siyang pumipigil dahil sa tuwing kumukuha ako ng tiyempo para sabihin ito sa kanila ay saka namang busy sila dahil sa school kung sabagay mas importante naman ang pag-aaral kaysa dito.

Habang naglalakad kami sa hallway ay tila ba may binubulong ang hangin sa akin. Pinakinggan ko ito ng mabuti at parang binubulong nito ang:

"The place where you can find yourself into an escapade"

Tapos may nadinig akong huni ng ibon, agad ko itong sinundan.

"Hoy Jace! saan ka pupunta?!" tanong ni Anne pero hindi ko siya sinagot.

Mukhang sinundan naman ako ng dalawa. Ipinadpad kami ng huni ng ibon dito sa library, pumasok agad ako at ganon din sina Juan at Anne, pagkapasok namin doon ay napansin namin ang ilang estudyante na ngayon ay nakatingin sa amin. Muli kong napakinggan ang huni ng ibon at huminto ito sa paghuni pagdating namin sa harap ng isang lumang libro. 

Kapansin pansin ang kalumaan nito at puno pa ng alikabok, agad kong tinanggal ang mga alikabok nito at nagulat ako sa aking nabasa.

The title of the book was Jacinto Treasure Book.

Juan and Anne was shocked, too.

"Iyan ba yang libro na sinasabi ng nanay mo na susi para masimulan ang paghahanap sa kayamanan?" diretsong tanong ni Juan sa akin.

"Kung hindi ako nagkakamali ay ito nga pero para makasiguro tayo ay tignan natin kung sino ang sumulat nito." 

Agad kong tinignan kung sino ang sumulat nito at nakalagay don ang initials na C.J. Agad kong inalala kung ano ang pangalan ng lolo ng lolo ng lolo ko. Clavio Jacinto ang pangalang naalala ko. Kung hindi ako nagkakamali ay Siya at yung C.J. na initials dito na pangalan ng sumulat ng aklat na ito ay iisa. 

Binuklat ni Anne ang libro at agad bumungad ang isang litrato, litrato ito ng isang pamilya.

"Jace parang nakita ko na iyan dati, parang nasa lumang kahon ang orihinal na kopya niyan." sabi ni Juan.

Sa likod ng libro ay may isang maliit na kahon at doon ay may dalawang lumang papel. Isa para sa pagsusulatan ng mga humiram at ang isa pa ay mukhang liham. Una kong binasa kung sino na ang mga taong humiram ng libro at apat palang na tao ang nakasulat dito.

1. Calixto Jacinto - Nobyembre 10, 1859

2. Celestino Jacinto - Nobyembre 11, 1899

3. Claudio Jacinto - Nobyembre 12, 1939

4. Clemente Jacinto - Nobyembre 13, 1979.

Agad akong nagulat sa pangalan ng huling tao na humiram ng libro, siya ang aking ama. Sa pagkagulat ay muntik ko ng mabitawan ang aklat. Isang lumang papel pa ang nahulog pero napagdesisyonan kong basahin muna ang mas naunang papel na nakuha ko.

Enero 5, 2001

Sobrang saya ko sa araw na ito dahil ngayon ipinanganak ang pinakamamahal kong anak, pinangalanan ko siyang Jace para maiba naman. Puro C na lang kasi palagi ang initials ng aming pangalan at isa pa ay  wala pang C.J. na nakakakuha sa kayamanan kaya papalitan ko na yung initials ng anak ko kahit kapalit pa nito ang kalayaan para makasama sila. Kung bakit pa kasi may mga kasunduan na kailangang sundin at 'di dapat labagin. Sinunod ko naman silang ipagpatuloy na hanapin ang kayamanan ng aming angkan ngunit kahit ginawa ko na ang lahat ay nauwi lang sa wala ang paghihirap ko, bakit kailangan pa kasing sagutin ang bugtong na iyon para makapunta sa....

Akala ko ay kasama ng liham na ito ang huling papel na nahulog kaya binuklat ko ito at nagulat ako sa nakasaad dito. Isa itong letter of agreement. Agad ko ng isinulat ang pangalan ko at signature kahit hindi ko pa ito nababasa. Huli na nga ng malaman kong para sa kayamanan pala ito na kailangang mapasakamay ang kayamanan dahil kung hindi ay...

Akmang babasahin ko na ang kasunod nito ng biglang tumunog yung bell kaya itinupi ko na ang lumang papel at isinulat ang pangalan sa unang lumang papel at ng sabihin ko na sa librarian na hihiramin ko yung libro ay agad siyang tumawa sinabi pa niya na hindi na kailangan iyon dahil pinahihintulutan na niya akong hiramin ang libro at ang mas lalong nakapagtataka ay sinabi niya na kahit hindi ko na isuli.

Bakit ang baba ng tingin niya sa librong ito? para malaman ang sagot ay tinanong ko siya.

"Bakit naman po okay lang sa inyo na sa akin na itong aklat na ito? Dahil po ba luma na?"

"Gusto mong malaman? hindi dahil luma na iyan kundi dahil hindi naman totoo ang mga nilalaman niyan, sa katunayan nga ay kasama ang librong iyan sa mga ipapabigay na lang sa susunod na araw pero dahil kinuha mo na ay sa iyo na lang."

With her answer, even if she tried to say it in a nicer way, I know that the book doesn't matter at all for her.

Ngumisi na lang ako ng palihim dahil sa aking narinig.

Matapos kaming makalabas ay hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon na sabihin sa kanila na kailangan na naming simulan ang paghahanap lalo pa't pumirma na ako sa kasunduan dahil kung hindi namin ito sisimulan pa ay tiyak kong matutulad kami sa mga mas nauna pa sa amin na mauuwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan.

Pero dahil may tiwala ako sa kanila alam kong sasang-ayon din sila at mapapasakamay din namin ang pinaka-aasam na kayamanan.

The treasure seemed to be one step away from us and I really feel excited about it. Maging ang aking mga kamay ay kating-kati na rin na mapasakamay ang kayamanan ng aming angkan na siyang aming pinakaaasam-asam.

I thought that they would agree immediately. But, I'm wrong. They're having second thoughts. They have so many what if's. This time, I really don't know what to do. It's like I am going to convince them first.

1
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Avatar for MjAcato
3 years ago

Comments