Challenges aren't always meant to make us suffer
Since we have been solving problems for a while, it has become easier to answer the questions.
"Since we are here in the Arts Park, the answer must be related to arts." I said
Janine answered me. "I think the answer is crayons." Jace agreed, and so did I. So we looked for crayons.
In our search, a crayon box was found.
Sa paghahanap namin, isang box ng krayola ang natagpuan namin. Binuksan namin ito at nakita namin ang isang susi. Malamang ito na yung hinahanap namin. Agad namin binuksan yung box gamit yung susi, at nagulat kami sa aming nakita.
Tatlong Shake na Mango ang flavor ang natagpuan namin, mukhang kakalagay lang ito ni ma'am dahil malamig pa ito. Ng tikman namin ito ay tila lumipad kami sa himpapawid dahil sa sarap. Nakakarefresh din ito.
Ilang saglit lang ay dumating na din Si ma'am bitbit ang isang box ng pizza. Wow, ang bait talaga ni ma'am.
"Dahil natapos niyo ang race, congratulations! at dahil diyan here's a treat for all of you."
Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa. Wala na kaming sinayang na oras. Agad na kaming nagmeryenda.
Nasa bandang alas singko na rin ng hapon ng matapos kaming magmeryenda at dahil tila uulan na kaya niligpit na namin lahat ng mga ginamit namin at lahat ng pinagkainan namin. After that, nagpaalam na kami kay Ma'am Maricar na uuwi na kami.
Habang nasa daan, bigla na lang umulan ng malakas. Ewan ko pero tila gusto ko yung feeling na bumabagsak yung mga maliliit na butil ng tubig sa aking katawan.
Napansin kong tila nasisiyahan din ang dalawa sa pagligo sa ulan. Matagal ko na ding hindi nagagawa ito kaya hindi na ako nagdalawang-isip na maligo sa ulan.
Pagdating namin sa harap ng bahay nina Janine ay nagpaalam na ito, so dalawa na lang kami ni Jace na naglalakad sa daan habang palakas pa rin ng palakas ang ulan.
Ilang saglit lang ay nakaramdam ako ng isang hampas ng tubig sa aking likod. Si Jace ang may gawa non. Agad ko ding ginawa ang ginawa niya. Nakakamiss din yung feeling ng ganito. Yung naglalaro ka kasama ang iyong kaibigan sa ulan.
Ng makarating kami sa harap ng gate ng dorm ay tumila na rin ang ulan. Nauna na akong naligo kaysa sa kaniya dahil baka magkasakit pa ako. Binilisan ko na lang ang pagligo para sumunod din siya agad at para hindi siya magkasakit lalo pa't bukas na yung contest.
Nang makabihis ako ay humiga muna ako at sinubukang matulog dahil nakakapagod din ang araw na ito.
Mga 6:30 na ng gabi ng ginising ako ni Jace. Kakain na daw kami so bumangon na ako at tumungo na kami sa baba para samahan si Anne at ang iba pang boarders sa hapag-kainan.
Habang kumakain ay hindi maiwasan ni Anne na magtanong sa amin kung anong nangyari sa araw na ito pero wala ako sa mood na sagutin ang mga tanong niya dahil busy akong kumakain haha. Buti na lamang at nandiyan si Jace para sagutin lahat ng katanungan niya.
Pagkatapos kong kumain ay tumungo na ako sa taas para matulog.