Best Teams Among The Rest

0 23
Avatar for MjAcato
3 years ago
Topics: Writing, 2020, Story, Tale

Juan's POV:

Last day na ng contest at mamayang hapon na ang awarding. It's now the time to know the players who will proceed to the most awaited part of the race-The Final Round. It is the round for the best players among the rest. For sure it is the most exciting part and also the hardest one.

Everyone seemed to be excited as of the moment. We are eager to find out those brave souls who succeeded from past challenges. There were only 5 groups who will be chosen to proceed from this round and I can't help but to feel excited about it.

Players are funneled through the main ground. Everyone is shouting and can't wait for the announcement.

Puno na ang main ground, hinihintay na lang ang paglabas ng mga facilitators and of course the coordinator and President of the school.

Bumalik lang ako sa katinuan ng marinig ko ang isang boses mula sa malaking speaker sa aking likuran. Mas pinili kong manatili sa likod dahil parang hindi naman yata kami papasok sa top 5 dahil maraming nakahabol sa amin sa mga nakaraang challenges.

Marami pang sinabi ang announcer pero hindi ko na iyon pinatuunan pa ng pansin. Ganon din yung dalawa.

"And now, I have the results in my hand. I will call one by one the name of the groups who will proceed to the next round.."

Mukhang mas lalo pa yatang bumilis ang pintig ng aking puso.

"As I call on the name of your group, please come forward and accompany us here in the stage."

At sa wakas magsisimula na ang pagtawag sa mga maswerteng nakapasok sa top 5.

"Please forward Team..."

At talagang binibitin pa niya.

"...Team Detectives, Juan dela Cruz, Mendy Mendoza, and Manny Steves. Let's give them a round of applause!"

Wow, ang galing naman nila, pero teka kabilang si Johnny Bravo este Manny sa grupo nila? Wala na, wala na akong pag-asa na makakapasok kami, isa kasi sila sa mga grupo na nanguna sa amin sa pagkakaalam ko kahapon. Mukhang hindi na talaga kami makakapasok pa sa Top 5.

"The next one is none other than Team Doraemon, Vince Nobi, Dane Pardo, and Ramon Nomar"

Tignan mo nga naman oh makakapasok pa pala sila.

"Please join us here too Team Gamers, Mickey Anyog, Cordapia Sanchez, and Pancho Domingo."

Nakakainggit naman sila. Buti pa sila nakapasok na. Mukhang wala na talaga. Nawawalan na nga ng pag-asa sina Anne at Jace dahil panay simangot na lang ang dalawa.

Sabay-sabay silang tumungo sa harap at sinamahan ang mga kapwa nila nakapasok. Mas nadagdagan pa ang kaba na aking nadarama. Only two slots left and still our group name remains uncalled.

Mukhang talo na kami. Mukhang hanggang dito na lang nagtatapos ang journey namin sa Amazing Race na ito. Okay na din at least there were lot of lessons that we've learned from this race and hindi rin naman ito ang huli eh. There are many more adventures that are waiting for us.

"Now, there were two slots left. Let us witness who are the people behind these slots."

Mas naging intense pa lalo ang tagpo. Kasi naman binibitin pa kaming lahat ng announcer.

"Please come forward Team Malupet"

Pagkasabi na pagkasabi ng announcer sa pangalang iyon ay bigla na lang akong napatawa. Umingay ang buong paligid. Lahat sila tumatawa na rin. At ang mas nakapagtataka ay talon ng talon si Anne tapos napakalaki naman ng ngiti ni Jace na tila kami ang nanalo.

Ilang sandali lang ay bigla na silang kumaripas ng takbo. Bakit kami ba ang nanalo?

Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Bigla rin akong nagka-adrenaline rush at bigla ko na lang tinungo ang stage. Sumagi kasi sa aking isipan 'yung sinulat ni ma'am Maricar na pangalan ng group namin.

Mula sa stage sinalubong kami ng ibang grupo na nakapasok sa final round.

"Tignan mo nga naman oh! Sabi ko na nga ba makakapasok din kayo!" si Mickey na abot tainga ang tuwa.

Andon na rin sa taas si ma'am na halos hindi maipinta sa kaniyang mukha ang sobrang tuwa.

"And now, the last one of the impressive groups who will complete our top 5 is none other than, Team Mixers, Ian Perez, Lovely Xander, and Trez Trois."

Biglang nahati sa dalawa ang kumpulan ng mga tao. Mula sa likod ay kitang-kita ang paglalakad ng nasabing grupo. Tila ba mga talang nangniningning ang naglalakad ngayon. Ang lahat ay nakatutok lang sa kanila hanggang marating ang stage.

"Are you a boy or a girl?" tanong agad ng announcer kay Trez. Maging ako ay naguguluhan kung babae nga ba talaga siya o lalaki.

"Neither of the two!"

Nakangiting sabi nitong si Trez. But what does he/she mean? is he/she an alien?

"Because I'm gay, and that's it!" sabi niya.

Kung bakla siya, he's so handsome and at the same time a pretty gay. In other words, he is androgynous.

"And don't call me Mr. or Ms. Just call me Mx." sabi niya sa announcer

"You mean Em-exx? sabi naman ng announcer na tila niliteral yung mx.

"No, it is the abbreviation of the word mix for me" sagot naman ni Trez. Mukhang sosyal ito haha. May pa-mix mix pa siyang nalalaman. Well, I am nobody to judge what he likes.

"Finally, they are the Brave Souls who passed the challenges in the fastest time. Actually, there are some groups who have finished the past challenges but upon verifying their auckers, we found out that they really don't passed some challenges. So, we decided to disqualify them. Anyway, let's give the following groups a round of applause"

Pagkatapos sabihin ito ng announcer ay masigabong palakpakan at hiyawan ang natunghayan mula sa mga iba pang mga grupo na hindi pinalad makapasok sa top 5.

Speaking of the other players. Maraming umasa na mapabilang sa top 5, maraming umiyak dahil hindi sila napabilang, pero marami pa rin ang nakangiti, and they accepted the fact. Well that's life. In a competition, it's either you win or lose.

3
$ 2.08
$ 2.08 from @TheRandomRewarder
Avatar for MjAcato
3 years ago
Topics: Writing, 2020, Story, Tale

Comments