Isang maulang umaga sa inyong lahwt aking kababayan, lately napag isip isip ko na napaka swerte natin sa lahat. Sa mga katulad nitong panahon may nasisilungan tayo, ang ibang kababayan natin nababasa sila at nagsusumiksik upang labanan ang lamig. Tayong my nasisilungan at my kumot upang maibsan ang nararamdamang lamig ay hindi makuntento sa kung anong meron tayo bagkus pilit nating kinukuha ang higit pa sa ating kailangan. Ipanalangin natin ang ibang tao na sa mga oras na ito na walang silang masilungan at namamaluktot sila dahil sa lamig. Panginoon naming Dios Salamat sa mga binigay ninyo sa aming mga bagay na wala ang iba nming kapwa, Sana po sa mga oras na ito yakapin nyo po sila upang maibsan ang kanilang lamig, bigyan mo po cla ng pananggalang upang hindi magkasakit. Ang maitutulong lamang po namin sa kanila ay isang panalangin sa inyo. Sa Ngalan ng iyong bugtong na Anak.AMEN. MAULANG UMAGA SA INYONG LAHAT.☺️☺️☺️
2 comments
Good Morning...😃 Salamat sa diyos...😃 Amen...
Tama ka po, dapat maging masinop tayo at huwag waldas ng waldas ng pera at pagkain