Ala-ala ng Nakaraan.

2 11
Avatar for Mitch31
3 years ago

Kumusta na? Isa ka rin ba sa batang 90's na noo'y masayang naglalaro at walang iniisip na problema? Kung ganun ay pareho tayo. Oo, ako rin ay isang batang 90's na talagang ikinagagalak ko. Sapagkat naranasan ko noon ang mga hindi na maranasan ng mga kabataan ngayon.

Ang sarap lang talagang balikan nang mga ala-ala ng nakaraan, na tayo'y mumunti pang mga bata na naglalaro ng kung ano anong mapagtripan, kung saan di alintana ang mainit na sikat na araw.

Sino nga ba ang makakalimot sa mga larong kalye? Gaya na lamang ng tagu-taguan, patintero, tumbang preso, luksong-baka, at marami pang iba. Alam mo yan dahil batang 90's ka!.

Ang saya no? Lahat yan nalaro ko, pati na yung mga teks at lastiko na pinangtatakot sakin dati ng Mama ko na ilalaga niya daw at yun ang kakainin ko. ( Haha) Paano ba naman kasi, maghapong nasa labas tapos uuwi ng sobrang dumi at amoy araw pa. Naalala ko din noon kapag umuulan lalo na yung sobrang lakas, sama sama kami ng mga kalaro ko na naliligo.

Natatawa na lamang ako kapag naaalala ko ang mga pinaggagawa ko dati. Kung sana pwede lang ibalik ang dati, yun tuwa at saya na sa pamamagitan lang ng paglalaro at pagbubulakbol ay madarama na. Ngunit nakakalungkot dahil di ko na yun nakikita ngayon sa mga batang kaedad ko noon. Nakakalungkot lang na panay Gadgets na ang makikita mong hawak ng mga kabataan ngayon, na sa murang edad nila ay natututo na sila gumamit nito.

Pero ganun nga talaga siguro ang reyalidad ng buhay. Lahat nagbabago at nagiging alaala na lang ang lahat.

Maraming salamat po sa lahat ng makakabasa nito. Ito po ang una kong sinulat. Sana magustuhan niyo. :)

1
$ 0.00

Comments

Salamat po

$ 0.00
3 years ago

very nice info

$ 0.00
3 years ago