Ang parola sa ilocos norte

0 14
Avatar for Mitch-0019
3 years ago

Ang Parola sa Ilocos Norte

Hi Guys, Avis here (Isla sa Quezon, Solo Backpacking sa Batangas and Beach Resort sa Marinduque).

Salamat sa pagtangkilik sa mga karanasan ko. Tulad ng sabi ko nung nakaraan, marami rami na kong napuntahang mga probinsya at hindi maiwasan talagang may mga naranasan akong kakaiba... at nakakapanindig balahibo.

I'll share you my experience nung pumunta ako sa isang probinsya sa dulong Hilaga ng Main Island ng Luzon, ang Probinsya ng Ilocos.

Nakailang balik na ko dito sa probinsya ng Ilocos Sur at Ilocos Norte. Ikukwento ko ung unang karanasan ko na nangyari sa isang sikat na parola doon.

Unang beses akong nakapunta sa Ilocos taong 2015, around January. Kakaresign ko lang sa trabaho noon at gusto kong magliwaliw at magpunta sa iaang lugar na hindi ko pa napupuntahan. Nakakita ako ng isang Tour Agency sa Facebook na nagooffer ng Joiner tours. So kinontak ko na sila para masecure ko na ung slot.

Chineck ko na rin ung mga lugar na mapupuntahan doon. Ang daming magaganda! Madami rin akong nalaman regarding sa Ilocos Sur at Ilocos Norte. Nalaman ko na dun pala nagshooting sa may Ilocos sur ung maladisyertong lugar doon ung Panday ni da King, at Himala ni Nora. Nakita ko rin sa pictures ung isang kakaibang Rock Formation na parang barko kung titignan mo. Meron ring mapupuntahan na falls na lalakarin mo lang ng ilang minuto, at kung ano ano pa. Ung Calle Crisologo lang kasi ung alam ko na puntahan doon. Mali pala ako.

So dumating na ang petsa ng pagpunta namin sa Ilocos Region. Alas 10 pa lang ng gabi ay umalis na kami ng Maynila para makarating agad sa unang bayan sa ilocos na pupuntahan namin.

So ikwento ko lang, una naming pinuntahan ay ung simbahang malaki sa Bayan ng Paoay sa Ilocos Norte, ang Simbahan ng San Agustin. Sadyang napaka elegante nitong pagmasdan kapag nasa labas ka dahil talaga namang napakalaki nito. At mas lalo kang malulula kapag pumasok ka sa loob, nanliit ung simbahan sa amin sa laki nito sa loob at sa dami ng mga upuang nakahilera doon. Kumuha ako ng ilang mga litrato at umalis.

Tumuloy na kami sa ilang mga lugar na pupuntahan namin sa unang araw ng tour. Bumisita kami sa MalacaƱang of the North, pati ung Kapurpurawan Rock formation binisita rin namin at dun ung unang pagkakataon ko na makakain ng Authentic na Ilocos Empanada.

Kumain na muna kami ng tanghalian pagkaalis namin ng Kapurpurawan. Pagkatapos kumain, tuloy ang lakwatsa. Sunod na pinuntahan namin ay ung Parola. Pagparada ng Van namin, bumaba na kami at bumugad sa amin ang parolang nakatindig sa taas ng bundok. Onting akyat na lang ng hagdan at makakapasok ka na sa compound ng parola. Nagpapicture ako na nasa background ang parola for remembrance. Chineck ko ung picture and ang ganda! Ng tignan ko muli ang parola ay may nakita akong ilang mga tao sa itaas kaya naisip ko: ano kaya ang itsura ng view pag nasa tuktok na ng parola?

Naengganyo na akong pumasok sa loob ng paunang pasilyo. May mga kwarto doon sa loob, ung iba may pintong nakasara, ung iba open naman. Parang mini Museum ang datingan. Wala naman gaanong tao ng pumunta kami, actually ako pa lang yata ang tao doon dahil ung mga kasama namin sa tour ay busy magpicture sa labas at ung iba ay tumagos na papunta sa may parte ng parola. Doon sa loob ng isang kwarto ay may nakira akong matandang lalaki. Base sa kanyang pananamit, naisip ko na sya siguro ang katiwala dito kaya nagtanong ako.

"Magandang Hapon po, kayo po siguro ang caretaker nitong light house ano?" Magalang na taning ko kay lolo.

"Oo amang" banayad na sagot nya.

"Napakaganda po ng lokasyon nitong light house nasa taas pa ng bundok!" Sabi ko kay lolo "May nakita akong mga kwarto sa labas pero nakakandado po. Ano po ba laman ng mga yon?" Tanong ko sa kanya.

"Mga importanteng bagay ko yon. Hindi nyo maaaring galawin!" sabi nya.

"Ah ganoon po ba. Sige po Lolo, mauna na muna ako" tugon ko sa kanya. Naisip ko na mejo masungit si lolo kaya lumabas na lang ako.

Yung set up pala nitong light house is nakahiwalay tong pasilyo or kwartong malaki, ung parang maliit na museo, sa parola. So tumuloy na ko patungo sa parola, pero nagulat ako ng nakita kong nakakandado ang pinto papasok sa loob.

Iniisip ko kung paano nakapunta ung mga taong nakita ko sa taas kanina? Kaibigan o kamag anak ba sila nung matandang caretaker kanina kaya sila nakaakyat? Aba, hindi pwedeng hindi ko maranasan kung ano ang pakiramdam pag nasa taas na ng parola kaya bumalik ako sa loob ng kwarto para hanapin ung matandang care taker para makapag paalam at kulitin para makaakyat sa taas ng parola.

Pag punta ko sa kwarto kung saan ko unang nakita si Lolo ay wala sya doon, kundi ung ilang mga nakasama ko sa tour. Tinanong ko sila kung nakita nila ung caretaker, at sabi nila kasama daw ng Tour Coordinator namin sa baba.

Dali dali akong lumabas at pinuntahan ung tour coor namin. Nakita ko sa sa may tarangkahan na may kasamang lalake, mga nasa 50s na yata edad nya. So tinanong ko si coor.

"Boss, kasama mo raw ung care taker nitong parola?" Tanong ko kay coor.

Tugon ni Coor "Oo sir, eto nga pala ung tagapangalaga ng parola, si Manong. Halos mag 10 taon na syang nangangalaga nito."

"Ha? Eh si Lolo na caretaker nasaan" tanong ko sa kanila.

"Sinong lolo na caretaker? Bata pa tong si Manong, di pa sya Lolo no, hehehe" sagot ni Tour Coor, akala yata nagbibiro ako.

"Totoo nga, nakausap ko pa sya kanina sa may loob ng kwarto eh!" Sambit ko sa kanya.

"Nako Boss, baka ung nakausap mo ay yung dating caretaker nitong light house. Ano ba sinabi sa yo?" Tanong ni Manong sa akin.

"Baka nga po. Natanong ko kasi sa kanya kung bakit sarado ung ibang kwarto, at sabi nya sa akin wag ko daw galawin dahil importante sa kanya un." Sabi ko sa kanya.

Napatulala si Manong caretaker. "Kaya kasi nakasarado ung ilang kwarto sir kasi nirerepair ung mga sahig at ung ilang bagay doon kaya di pwede puntahan ng ibang tao."

"Kaya ko lang naman sya hinahanap eh magpapaalam ako dahil gusto ko umakyat sa taas ng parola eh" sabi ko kay manong.

"Baka hindi mo na sya makita sir. Matagal ng patay si Mang Jun. May mga nakapagsabi sa akin na nagpapakita sya sa mga dayo dahil ayaw nya ng mga may magugulo dito." Sabay bumunot si Manong ng picture sa wallet nya at pinakita sa akin ang isang larawan "Sya ba yang nakita mo?"

"Oo, sya nga! Pero paanong patay na eh nakausap ko na sya kanina? Magpapaalan nga lang dapat ako na aakyat ako sa taas ng lighthouse kasi may mga tao dun sa taas kanina pero nakasarado naman, at.. at." Naluutal kong sagot kay Manong.

"Saka sa aming lahat na naging tagapangalaga dito, sya talaga ung napamahal dito sa parola. Ayaw nya ng may maiingay at nagtatakbuhan dyan dahil baka masira ang sahig." Kwento ni Manong. "Sabi sa akin nung ibang mga nagpunta rito, nakikita pa rin nila ang multo si Mang Jun na tumitingin sa kanila ng masama kapag maingay sila."

"Sir, wag kayo magbibiro ng ganyan, natatakot kami!" Sambit ng coordinator namin kay Manong ng may halong pag-aalala.

"Di ko kayo tinatakot. Saka imposibleng may tao sa tuktok ng Parola dahil mag iisang linggo nang sarado yan dahil ginagawa ung hagdanan at ung ilaw at araw ng pahinga ng mga mangagawa jan ngayon amang. Baka... ung mga dating manggagawa ang nakita mo.." Sabi ni Manong.

"Dating manggagawa? Anong dating manggagawa?" Pagtatakang tanong ko sa kanya.

"Alam mo sir mga 1900s itinayo tong parola di ba? Eh wala pang mga bakal noon kaya kahoy at kawayan ung ginamit pangpatayo jan. Maraming mga mangagawa ang namatay sa paggawa nitong parola. At karamihan sa kanila, di na nakuha ung mga bangkay nila dahil sa tarik. Kaya minsan may mga makikita kang tao sa taas, pero hindi talaga mga tao un." Paliwanag ni Manong Caretaker.

Natulala na lang akong nakatingin kay Manong at napatanda ako ng krus. Gumaya rin si Coordinator sa akin. Hindi ako makapaniwala na sa unang araw pa lang ng bakasyon na to, ay may ganito nang mangyayari.

"Boss, babalik na ko sa Van.." wala sa loob kong sambit kay coordinator. Napaasige na lang sya at nagsabing aantayin na lang nya ung ibang mga guests.

Ilang minuto pag pasok ko sa Van, lumapit si Coordinator sa akin. "O sir, bakit?" Tanong ko kay Coor.

"Sir, di ko alam kung dapat kong sabihin to sa yo o hindi pero sabi ni Manong, kapag nagpakita raw sa yo ung dating katiwala, sumasama daw un sa pinagkakakitaan nito hangang kinabukasan." Sambit ni Coor.

Napatulala na naman ako.

Ang gusto ko lang naman ay magenjoy at relax nung mga panahon na yon pero eto na nga ang nangyari.

Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyari. "May sinabi ba si Manong kung pano makokontra ung dating tagapangalaga para di na sumama?" Sabi ko kay Coor.

"Dadaan muna tayo ng simbahan bago tayo tumuloy sa Pagudpud boss para magdasal. Un daw dapat gawin sabi ni Manong." Sabi ni Coor.

So ayun na nga ang ginawa namin. Pag alis namin ng Parola, kinakabahan ako. Nadagdagan pa tuloy ung mga lugar n pinuntahan namin which is ung malapit na simbahan doon as per manong caretaker. Nung marating namin ung simbahan, pasok agad ako sa loob at nagdasal, habang ung ibang mga guests akala part pa rin un nung tour.

After magdasal sa simbahan, pakiramdam ko gumaan ang loob ko. After noon, pumunta na kami sa tutuluyan namin sa Pagudpud. Natatandaan ko pa na napaginipan ko nung gabi yang si Mang Jun at masaya na ang expression na nakita ko sa mukha nya.

Grabeng experience yan talaga. Kapag bumabalik ako jan sa Parola na yan, hindi na ko lumalabas ng Van dahil sa naranasan ko dati. At di ko na rin magawang tingnan ung taas ng Parola dahil baka makita ko na naman ung mga dating manggagawa nito o baka may kung ano na namang sumama sa akin ulit.

-1
$ 0.00
Avatar for Mitch-0019
3 years ago

Comments