Quarenta dias na ng Uncle namin today. Brain tumor and kidney failure yung ikinamatay niya at sa bahay lang din binawian ng buhay. The day before kami pupunta sana sa kanila to see him for the last time, eh nasa NorthCot kami. Balak sana ng nanay namin na mag stay ng ilang days lang man sa kanila para masamahan niya yung family ng kapatid niya. Everything was ready, malaki din yung bag niya. We prepared mga pasalubong sa kanila. That day na-swab yung uncle namin. We waited for the result until kinagabihan wala pa din. So we slept na lang kasi madilim pa kami bibiyahe. We woke up at 2:30am, and nag open ng messenger yung nanay ko to ask for updates from my cousins. So yun nga, naiyak na lang si nanay kasi nag positive yung uncle namin sa covid-19. That means, wAlang lamay and hindi na namin siya makikita. Nadatnan ko pa yung nanay na inaalis niya yung ibang gamit sa bag niya at sabi pa niya while umiiyak, “ibilin ko na lang ning iban ko nga mga bayo kay indi man gale ko ka tinir sa Tibal-og” (iiwan na lang daw niya yung ibang mga damit kasi di rin naman siya magstay sa Tibal-og). Naiyak na lang din ako. Ang sakit nun! Yung makita siya na umiiyak habang kinukiha yung mga damit niya sa bag at pinupunasan ang luha niya. Although may mga differences and tampuhan silang magkakapatid mahal na mahal pa din ni nanay yung mga kapatid niya. We still went sa Tibal-og that day, dumaan kami doon while pauwi dito sa Davao de Oro. Di kami nakapunta sa bahay nila and dun na lang kami sa isa pa naming uncle nagpunta. Iniwan namin yung mga dala namin na mga pasalubong sana and pera na lang din para makatulong sa expenses. Pupunta sila ngayon sa Tibal-og (Sto. Tomas, DavNor). Ako lang ang hindi kasi maglilinis ako ng bahay. Hahaha! Dito dederetso yung mga yun mamaya after nila magvisit sa Tibal-og at dito na lang din matutulog. Nagpaiwan na lang ako at wala din magluluto para kay jowa na naglilinis sa area para makatanim na kami ng mais. Oh siya! Kakain na muna ako.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet