Natatawa na lang ako. Hahaha! Ulan-inot na panahon nanaman. Ayoko na talaga magsampay. Yang dalawa na lang ang iniwan ko kasi paborito ko yan at dapat matuyo na yan sa ilalim ng araw. Konting init na lang ang kailangan para tuluyan na matuyo. Kakatapos ko lang din maglinis at maglaba. Handa na ang bahay para sa mga darating mamaya(pamilya lang namin). Riot nanaman mamaya sa loob ng bahay dahil kumpleto ang apat na tiyanak ko na mga pamangkin. Hahaha! Buti at nagkakaintindihan sila kasi Ilonggo ang dalawa tapos bisaya naman ang dalawa. Gutom na din ako, pinauna ko lang kumain yung jowabels ko kasi galing pa yun sa paglilinis ng taniman ng mais. Sana next week maaraw at mainit na.
No comments yet