read.cash Log in
@MissPeppermint more from that month

Napagod din sila. Sumama yang mga yan kanina sa maisan. Kung saan kami doon din sila. Habang kinukuha namin yung mga mais naglalaro naman sila. Umuwi kami at around 7:30 para mag breakfast pero sumama pa din sila noong bumalik na kami para magbalat ng mga mais. Naupo at natilog lang sila pero kapag hinahakot nakin yung nabalatan na mais na nakasilid sa sako sumasama din sila. Si Lala nagrereklamo, mukhang gustong umuwi. Binibigyan na lang namin ng mais para laruin niya. Haha! Habang si Chippy naman tilog na tulog sa ilalim ng puno ng saging. Kaya hayan, tulog nanaman sila. Sasama nanaman ang mga yan mamaya pag bumalik na kami. Pahinga muna kami.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.