Akala ko kanina nasira. Andami pa naman ng labahin. Yun pala hindi lang siya na plug ng maayos. Sinamantala ko na ang magandang panahon. Mainit at maalinsangan today! Yayyyy! Kalahati pa lang yung na applyan ng herbicide sa area na gagawin namin na maisan. Di ako pinasama kasi walang tao dito kaya nahlaba na lang ako at nagluto ng lunch. Halang-halang na native na manok at kilawin na isda yung niluto ko. Yung lagpang na manok ay leftover na inihaw na manok, tapos nilagay na lang namin sa freezer. Konti lang niluto ko kasi kaming dalawa lang naman. Tapos may dumaan na fish car kaya nakabili ako ng preskong isda. Ang mamahal ng isda! Syempre yung tamban lang ang binili ko worth ₱35. Hehehe! Tapos na din ako maglaba at magsampay. Nakakain na din ng lunch, yun nga lang wala pang ligo.
No comments yet