Di man lang ako nakapag-post kanina sa sobrang busy since paggising ko. Nagpapaayoskasi kami ng bahay, ako ang kusinera breakfast and lunch and after ko kumain ng lunch atound 11am deretso naman ako sa tindahan ng ate ko. Sabay-sabay dumating today ang mga products. Yung mga terno pajamas eh binalot ko pa isa-isa after ko kuhanan ng picture para may maipost online. May mga bagong dating na cutie socks! Makaka-discount ako neto ng malaki-laki. Hindi ko pa nga yun na-picturan. Yan yung kabilang street galing sa tindahan ng ate ko. Ang laki talaga ng improvement sa bayan namin simula nung napalitan yung mayor na kurakot. Di pa tapos yung bagong public market then malapit na din matapos yung airport. Yung airport tatawaging Central Mindanao airport. Kay Manny Piñol pa yun na project, sya talaga yung nangarap na magkaroon ng airport dito sa Central Mindanao para yung products makakarating sa Luzon na fresh from the farm eh kaso may loka-lokang governor na ayaw ipatuloy yung project kaya na tengga ng isang dekada. Ngayon lang ulet umarangkada yan dahil napalitan na siya. Napansin ko din na sobrang laki ng changes sa Poblacion area. Kung dati 7:00pm eh sarado na lahat ng places sa palengke, ngayon eh madami pa din tao. Iba talaga kapag walang korap na namumuno and yung welfare ng mga tao muna ang iniisip. Kaya kung may mga taga -North Cotabato dito, piliin ang karapat-dapat. Papa-uto pa ba kayo kay lalalalalalalalalala? Hahaha! Tulog na ako. Bukas na ako mag-rereply ah. Be safe po!
3 comments
Sana nga magkaroon din tayo ng maasahang leader, kaya sa susunod na election char haha be wise voter.
madami talagang nag bago di lang sa ating bayan. pati mga tao. isipin mo simpleng simple lang noon pero di naman salat sa kasiyahan kahit simple lang ang buhay dati kung tutuusin nga mas masaya pa ang buhay noon kisa ngayon .
I am very scared of such hostile weather. I don't know why an unknown fear works in my mind