So yun nga although walang tihil ang ulan eh naghatid pa din ng food yung mabait and generous namin na kapitbahay. May Christmas party sa kanila. Sila-sila lang man din ng mga anak nila. Last night akala namin walang tao sa kanila so hindi namin sila na invite dito sa bahay. Gabi na din daw sila nakauwi. Yung yuna belly, ako nagluto niyan pang ulam namin tonight. Tapos yung pansit, bola-bola, fried chicken and chicken cordon bleu eh galing sa party nila. Inimbita naman kami kaso nakakahiya kasi pamilya yun nila eh. Hahaha! Minsan lang naman sila magsama-sama tapos sasali pa kami. Hahaha! Kaming dalawa lang ng pamangkin ko ang kakain ata nito. Yung ate and bayaw ko kasama yung pamangkin ko na babae eh pumunta sa kabilang bahay na medyo malayo at medyo malapit lang. tapos si boyfie ayun, dahil nalasing kagabi at di nakapunta sa friends niya kagabi eh inutusan ko na puntahan sila. Syempre may kundisyon yun, bawal ang sobrang inom. Jusme! Minsan nga lang nalalasing eh napaka-hassle. Maaga nagising kanina at naglinis ng kalat niya kagabi. Hindi nga niya alam paano siya napunta sa loob ng bahay, yung naalala lang niya eh nasa may kubo siya. Tapos nagtaka pa bakit itim na ang suot niya na shirt, green daw kasi suot niya. Ang sarap nga loko-lokohin sana, eh kasi walang maalala. Hahaha
No comments yet