Panginoon kami po ay gabayan
Pagsapit ng dilim iyong ingatan
Pag liwanagin mo aming kaisipan
Sa kadiliman kami'y tanglawan.
Buhay probinsya iyong mararanasan
Maliwag pa kumkaen na ng hapunan
Panu maagang nagsisi-tulugan
Bihira na makita sa lansangan.
Pag kuryente nawala ng biglaan
Kakapa-kapa mandin sa kadiliman
Sisindihan burkil na ilawan
Para mag liwanag buong kabahayan.
Dal-ha dine at ako'y may atan-lawan
Ahiramin muna ideng ilawan
Gasarado laang ng tarangkahan
Akabat maige pati pintuan.
Magi-gitla baya pag sa bubong nag kalampog
Maririnig sa lababo'y naga-kalantog
Pakikinggan maige kung saan naga-kaluskos
Pusa laang pala yaong naga-kalabog.
Sa pgkakatulog biglang maalimpungatan
Mga aso kan-yanang batu-kan
Mga naga-daanan talagang tatahulan
Susundan pa mandin at di lulubayan.
Sa kadiliman ng gabi ating madidinig
Huni ng insekto at mga kuliglig
Gabing payapa sa karamiha'y hatid
Oras baya ay lalamuning kay bilis.