Kapag tinanong ka ng mga linyahang “Kapag ba pwede na, pwede pa ba?” Ano ang mga linyang iyong mabibitawan?
Maaring...
“Sige, subukan muli natin.”
“Pasensiya, patawad. Ako’y okay na.”
“Hindi ko pa alam, malay natin.”
At halos ang sagot ng iba’y...
DEPENDE — depende kung paano nagtapos ang wasak na nakaraan, at depende kung mabibigyan pa ito ng magandang pag-asa upang ito’y masimulan.
Ano nga ba ang kasigaruduhan sa tanong na kahit sarili at puso nati’y pinagdududahan? May tamang sagot ba? Kung meron, Ano? at Paano?
Para sa akin, marahil ang mga sagot natin ay hindi pa wasto ngunit may isang alam ako. Bago natin tanungin ang bawat isa kung “Kapag ba pwede na, pwede pa?”, tanuning muna natin ang sarili natin, “Pwede na ba ako?”
Pwede na ba akong muling magmahal
at piliin sya araw-araw?
Pwede na ba ang puso ko na magpatawad
sa bawat pagkakamali’t pagkukulang?
Pwede na ba ang isipan ko mag-isip
na hindi lahat ng gusto ko magkakatotoo?
Pwede na ba ang puso ko magmahal muli?
Ito pa...Pwede ka na ba sa panahon na hindi mo lang pipiliin ang ‘yong sariling pangkagustuhan bagkus mamahalin ang pagkakaiba at hindi pagkakasunduan?
Dahil kahit payagan natin ang “kung pwede na, pwede pa” kung hanggang ngayon, hindi mo pa rin kayang piliin sya araw-araw — piliin siyang mahalin at patawarin, wag nalang muna.
Dahil hindi ibig sabihin ng naghilom kana, magaling kana. Dahil tandaan, gustuhin mo man o hindi, makaka-alala ka pa rin ng nakaraan kaya muli, dapat kung pwede kana, pwede at handa na rin ang puso mo na magmahal, magpatawad at piliin siya sa araw-araw.
At, kung hindi naman na pwede, wag kang magalala kapag pwede na ang puso mo’t magmahal at magpatawad may taong ibibigay sa ‘yo ang Diyos na pwede ka ring piliin sa araw-araw.
Ito ang kapangyarihan ng pag-ibig:
kayang magbukas ng bagong simula —
bagong simula muli sa nakaraan,
o bagong simula sa bagong pahina.
Ikaw, kapag ba pwede na? Pwede pa?
Drop your answers below. 🤍 #AskYourHeart
PAHULING SALITA: Sabe nga sa kanta, only heaven knows. Si Lord na bahala ang importante diligan ang sarili ng pagpapatawad at pagmamahal. ✨