Paano mo malalaman kung totoo na ba ang nararamdaman mong pagmamahal sa asawa o partner mo? Na wala ka nang alinlangan sa kanya, na sya na talaga ang para saiyo? Kahit kailan ba ay dika nagduda sa kanya?
Ngayon ilalahad ko ang mga naging karanasan ko bilang may kinakasama. Marahil ay may magtataas sainyo ng kilay kung bakit ako pumayag na makisama na wala munang kasal. Sa totoo lang wala naman talaga sa hinagap ko na ganito ang mangyayari, nangarap din ako na makasal muna bago makisama pero ang pagkakataon ay tunay ngang di hawak nino man. Nagsimula ang lahat pag uwi ko galing ibang bansa, pero bago pa ako nangibang bansa noon ay kami na. So, yun nga sa kanya na ako dumiretso noong umuwi ako. Pero wag kayong mag alala lahat naman ng mga baggage ko ay sa pamilya ko napunta baka isipin nyo inuna ko pa sya kesa pamilya ko(smile).
Noong una oo masaya talaga kami, kadalasan naman talaga ganun diba? Ang unang mga araw hanggang sa maging buwan okay parin naman. Laging sya ang unang nanunuyo kapag may tampuhan kami. Alam naman siguro nyo na kaming mga babae kapag nagtampo at sinuyo na ay nawawala na yong inis namin. So, lumipas pa ang ilang buwan. Nagplano kami na magpapatayo ng bahay sa binili naming lupa, maliit lang iyon pero pwede nang panimula. Pangarap naming magpatayo ng kahit maliit na tindahan kapag natapos ang maliit naming bahay para may inaasikaso ako sa tuwing siya'y papasok sa trabaho nya. Marami kaming mga plano noon.
Hanggang sa umalis sya sa trabaho nya. Dito na magsisimula ang pagsubok namin, pero bago pa sya umalis sa pinapasukan nya naranasan ko na ang kumain ng tinapay sa buong maghapon ngunit natiyaga ko yun dahil nga sabi ko makakaraos din kami. Dumating ang panahon na kailangan kong mamasukan bilang katulong/yaya para makasurvive kami dahil wala na talagang pag asa na makapasok sya agad, lahat na ng mga gamit namin nabenta na para may magamit sa araw araw. Yong kunting ipon naubos din.
Noong namasukan na ako kasama ko yong asawa ng may ari ng inuupahan naming bahay, na tawagin na lang natin na si Dabar at lingid sa kaalaman ko iba na pala ang binabalak nila sa lupa namin, itong si Dabar ay kasamahan din ni jowa (yan ang tawag ko kasi di pa kami kasal) sa dati nilang trabaho, at itong tao na ito rin ang nag alok sa kanya sa lupa na binili ni jowa noong nasa ibang bansa pa ako. Nga pala rights lang ang basehan sa lupa may mga papel na pinirmahan noong nag abutan sila ng bayad. So ayun nga, gusto daw ni Dabar na bigyan sya ng share sa lupa na tinanggihan naman ni jowa, kasi yong bahay nila Dabar kung saan dati kami umupa sinanla na kaya ang nangyari nagtayo sila ni jowa sa lupa namin ng pansamantalang titirhan nilang dalawa. Noong una okay pa naman daw batay sa mga kwento ni jowa sa akin, hanggang sa dumating sa punto na kinailangan nang umalis ni jowa doon dahil pinagbabantaan na sya, iba na ang pakikitungo sa kanya ni Dabar, pati ang mga kaibigan daw ay nakikisawsaw na, at dahil bago pa kami doon wala pang masyadong kakilala si jowa na pwede naman sanang hingan ng tulong.( Diko na lang isa isahin ang mga pangyayari) Kaya ang nangyari nakitira sya sa pinsan nya at sa kabutihang palad nakapasok namn sya ng trabaho noon. Kaya pinagresign na nya ako sa pinapasokan ko, umuwi ako sa kaniya, at nagsimula kami ulit. Ngunit dito pala magsisimula ulit ang isang pagsubok sa akin ng sobra.
Nakapasok si jowa noon bilang taxi driver, maganda naman ang takbo ng pamumuhay namin noong una, medyo nakakaipon ako ng kunti. Hanggang sa isang araw di sya umuwi. Ang byahe nya kasi magsisimula sa umaga hanggang umaga din kinabukasan. At dahil wala pa sya kinahapunan nag alala na ako, panay tawag ko sa cellphone nya pero walang sumasagot hanggang sa diko na sya matawagan, tinawagan ko na rin yong opisina nila pero ang sabi naka out na raw sya kaya sa takot ko na baka kung ano na ang nangyari sa kanya nagpasama ako sa pinsan nyang magreport sa brgy. So nagpablotter kami na missing sya. Alam nyo ba na sa loob ng ilang araw nyang wala ay yun din ang bilang ng gabi na di ako makatulog dahil sa sobrang pag aalala. Tuwing madaling araw lumalabas ako at nag aabang sa kanto sa pag uwi nya, pumupunta ako sa simbahan para ipanalangin ang kaligtasan nya. Walang minuto na diko sya naiisip, walang ganang kumain kahit masarap ang ulam. Ipinaalam ko na rin sa pamilya nya na ilang araw na siyang hindi umuuwi. To cut the story short, pinuntahan nya yong anak nya sa ibang babae na nasa ospital daw(alam ko na may anak sya sa dati nyang kinakasama). In 3 days wala siyang paramdam ni text wala, natakot daw siya na diko sya maintindihan kung magsasabi sya. Pano ko kaya siya di maintindihan eh tinanggap ko na siya simula pa lang ng malaman kong may anak siya sa iba (may asawa na yong babae sabi ni jowa). Yong galit ko noon ay talagang diko mawari, nasaktan ko sya nung umagang nakabalik na siya, galing ako nun sa simbahan para ipanalangin ang kaligtasan nya pero diko talaga napigilan yong sarili ko nang makita ko siya. Naiintindihan ko yong concern nya sa bata pero yong pagmukhain nya akong tanga kakaantay sa pag uwi nya na diman lang sya makapagsabi na di muna makauwi naku!iba talaga ang dating. Pero sa awa ng Panginoon nalampasan namin ang mga pagsubok na iyon. Kahit na minsan ay nagsisisi ako kung bakit siya ang naging kapalaran ko. Umaasa na lang ako na sana pagpalain ang pagsasama namin ng may kapal. Nagbabalak na rin kaming ikasal kaya sana maging maayos na ang lahat.
Sa mga nagbabalak nang lumagay sa tahimik na ang totoo ay puno ito ng pagsubok ngunit kung matatag naman kayo ay paniguradong malalampasan din. Asahan ninyo na di lahat ng pagkakataon ay masaya ang pagsasama, dahil diyan nyo na makikilala kung ano ang totoong ugali ng isa't isa. Ngunit kung tunay kayong nagmamahalan maliit na bagay lang yan. Let Love prevail in all your life,let's hope to give light in times of your darkest hour. Let the two of you will be the strenght of each other.
3 months na yata ang article ko na ito. Matagal bago ko nasundan sa kadahilanang wala akong sipag at masyadong kaalaman sa pagsusulat. Pero dahil sa mga inspirasyong nakikita ko sa mga writers dito na nagsimula din nman sila sa ganung sitwasyon ipinasya kong dugtungan ang aking paglalakbay sa platform na ito.
Malugod ko pong tatanggapin ang mga komento at suhestiyon niyo mga kaibigan at mentor dito sa read.cash upang lalong mapalawig pa ang kunti kong kaalaman at mapagbuti ang aking paglalakbay dito kasama niyo. Maraming pong salamat☺️.
Love,
Kendy🧡