"Simcard"

0 7
Avatar for Mimay
Written by
3 years ago
Sponsors of Mimay
empty
empty
empty

Isa akong college student. One time pauwi na ko at nag aantay ng tren pa Taft. Saktong nakakita ako ng simcard sa sahig ng station habang nagaantay ng tren. Medyo bago pa naman kaya pinulot ko. Pag uwi kong boarding house nilagay ko kagad sa cp ko yung sim na napulot ko, sakto kasing isa lang yung sim ko dahil nawala na yung isa. Pagtingin ko sa contact ng sim, isang lang yung nandun, "Tita Sheina" yung nag iisang pangalan sa contact. Hinayaan ko nalang yun nandun, tutal data lang naman kasi yung habol ko nun sa sim na yun. Nung tumagal tagal na sakin yung sim minsan nakikita ko yung cp ko na may miss call galing kay tita sheina. Medyo nabahala ako nun dahil baka emergency yun. Sakto habang nagdadata ako ng isang beses, tumawag ule yung tita sheina sa sim na napulot ko. Pero nung sinagot ko wala naman sumasagot sa kabilang linya, pero kung papakinggan ng maigi may maririnig kang humihingal na babae na parang pagod. Hello ako ng hello pero wala talaga, walang nagsasalita sa kabilang linya kaya binaba ko nalang, sa isip ko baka nantitrip lang yun. Maya maya tumawag ule yung "tita sheina". Pagsagot na pagsagot ko sa tawag nagsalita kagad yung nasa kabilang linya, boses ng isang babae na umiiyak na takot at humihingi ng tulong. "Mark tulungan mo ko, papatayin niya ko. May dala siyang kutsilyo. Nagtatago ako ngayon dito sa cabinet. Tumawag ka ng pulis, plss mark....." Pero pagkatapos niyang sabihin yun namatay na yung tawag, di man ako yung mark na sinasabi niya nakaramdam parin ako ng kaba dahil parang nasa masamang kalagayan yung babaeng nasa kabilang linya. Gusto ko sana siyang tulungan pero di ko alam kung pano, kaya inantay ko nalang uli na tumawag siya para tanungin kung asan siya. Maya maya tumawag na uli siya pero lalaki na yung nasa kabilang linya. "Huli ka na, wala na siya, ginilitan ko na siya hahaha" di pa ko nakakasalita natapos na kagad yung tawag. Kinalibutan talaga ako sa narinig ko na yun. Parang tawa kasi ng lalaking baliw. Inantay ko ule na tumawag siya pero wala nang sumunod. Pinaloadan ko yung sim na napulot ko para ako naman yung tumawag. Nagulat ako dahil wala sa call history yung tawag sakin kanina. Dinial ko na lang sa contact yung tita sheina pero un attended. Maya maya nagulat ako dahil nagtext siya sakin ng "Wag kana sabing tumawag e, wala na nga siya" nabitawan ko bigla yung CP ko dahil sa sobrang gulat at takot. Simula nun tinapon ko na yung sim na yun, feeling ko talaga may sumpa yung sim na yun. Baka kaluluwa nalang yung tumawag sakin na yun. Simula din nun kahit nakakakita pa uli ako ng sim di ko na pinapansin, dahil natakot nako na baka may sumpa din.

1
$ 0.00
Avatar for Mimay
Written by
3 years ago

Comments