Si crush ko naging asawa ko

0 1
Avatar for Mimay
Written by
3 years ago

So ito na nga, kwento ko lang love story namin ng asawa ko. Sobrang magkalayo kami ng lugar, buti nalang dumayo ako para magtrabaho. Hihi! Ikakasal na kaibigan ko at ginawa akong abay di ko akalain dun ko sya makikita kasu iba kapartner nya. Syempre wala ng paligoy ligoy pa sinabi ko sa kaibigan ko na crush ko kasu kumontra kasi batang bata pa daw ee ika nga age doesn't matter.Haha!

Nung gabi bago ikasal may sayawan tagal kong nag antay na isayaw nya ako kasu puro pinsan nya lang ang sumayaw sakin hanggang yun nga ang nanligaw sakin syempre kasama sya. Nalungkot ako kasi syempre sya yung gusto ko hanggang sa binusted ko pinsan nya.

To make the long story short, makalipas ang dalawang taon nagulat ako panay chat sya sakin gusto bumiseta sakin (naku marunong na ata manligaw) hahaha! Ayun nga tama hinala ko syempre kahit dalawang taon na ang lumipas crush ko padin siya kaya wala ng pakipot kipot pa kami na agad. Haha!

Tumagal relasyon namin yun na nga pinaka aantay ko inalok na ako ng kasal na dati crush na crush ko lang magiging asawa ko na.

Kaya laking pasalamat ko sa kaibigan kong ginawa akong abay. At ngayon meron na kaming dalawang anak.

1
$ 0.00

Comments