Sa mundong ibabaw o sa daigdig na kanilang ginagalawan, maniniwala kaya sila na ang nagpapaikot na dito ay salapi? Siguradong Oo lahat ang kanilang maiisagot dahil ito naman ay may katotohanan. Yung tipong lahat nalang ng bagay ay mabibili gamit ito. Ayon nga sa isang dalubhasang guro na nagngangalang Hannah Cruz kulang nalang pati ang hangin ay bibilhin nila gamit ang salapi balang araw. Pag-ibig nga ngayon ay nabibili na gamit ang salapi, yung mga taong tinatawag na kapit patalim, sila yung nag-aasawa ng mga mayayaman para lang sa pera kahit di naman nila mahal ito. May mga iba naman na nag-aasawa ng 4M o mas kilala sa Matandang Mayamang Madaling Mamatay para lang yumaman. Dahil din sa pera maraming tao ang gumagawa ng masama para lang magkaroon sila ng ganito. Yan lang naman ang mga iilan sa kayang gawin ng pera o salapi sa kanilang mundo. Kaya tama lang na oo ang kanilang sagot sa unang katanungan, na umiikot ang kanilang mundo sa salapi.
Gamit sila ng gamit ng salapi. Inaasam-asam nila ang magkaroon ng maraming ganito, ngunit alam ba kaya nila kung saan gawa ang mga ito? Ayon sa Wikipedia ang baryang kanilang ginagamit ay gawa sa pilak, ginto o kaya sa tanso at ang mga pera o salaping kanilang ginagamit ay nililimbag at ginagawa sa Bangko Sentral ng Pilipinas sa Lungsod ng Quezon. Alam din kaya nila ang halaga ng pisong barya? Siguradong alam nila ito, dahil hindi naman mabubuo ang mga malalaking halaga ng pera kung wala ito, kaya wag dapat nila sasabihin na âHay piso lang itoâ, âOh sayo na piso lang namanâ, o hindi kaya âPabayaan kuna nga piso lang naman hindi kuna kukuninâ. Dapat huwag na huwag nila itong gawin dahil lahat ng salapi ay may halaga kahit maliit lang ito.
Noong unang panahon o panahon na kanilang mga lolo at lola ang halaga ng salapi ay napaka iba sa halaga ng salapi ngayon. Kung dati ang limang piso ay marami na silang mabibili, ngayon ang limang piso ay pambili nalang ng kendy. Dati rati may isang daang piso lang sila ay makakabili na sila ng lupa o bahay, ngayon may isang daang libo na sila ay wala pa rin silang mabibili, kung may mabibila man sila ay napakaliit pa nito. Napaka bilis ng panahon lahat nga ay nagbabago parang ang salapi lang noon iba ang itsura at halaga nito kumpara ngayon, parang mga tao lang yan, dati mabait sakanila at mahal sila ng mga ito pero sa isang iglap ay magbabago ito sakanila. Ganyang talaga ang buhay.
Ayon muli sa Wikipedia, ang piso ng Pilipinas ay ang opisyal na pananalapi ng Pilipinas. Nagmula sa salitang kastila na peso ang piso na nangangahulugang âtimbangâ. Ang piso ay kadalasang sinusulat sa simbolong âPâ. Ang ibang paraan ay âPHPâat âPhPâ . Ang piso ng Pilipinas, tulad ng dolyar ng Estados Unidos ay nanggaling sa 8 piraso ng dolyar ng Espanya. Nahahati ito sa 100 sentimo. Noong dekada 60s ang pangalan ng salapi ay pinalitan ng piso at sentimo.
Sa buhay ngayon aminin man nila o hindi isa sa mga pinaka mahalaga dito sa mundo ay ang salapi at hindi sila mabubuhay kung wala ito dahil halos lahat ng bagay ay nabibili gamit ito, ngunit wag sana nilang makalimutan na mas mahalaga pa rin ang pagmamahal ng Diyos, pamilya, kaibigan at kapwa nila at hindi ang salapi.