Dati akala ko sa pelikula nangyayari yung mga napapanuod natin na mga kaluluwang nagpaparamdam. Ako din kasi yung tipo ng tao na maniniwala lang kapag ako na mismo naka experience.
So, yun na nga di 6 years na ng mamatay aking ama. Di man ako naniniwala pero parang unti unti na akong naniniwala at natatakot. Burol kasi ng papa ko nun mag isa lang ako sa bahay umuwi muna para magpalit ng damit at kumain. Habang kumakain ako binuksan ko yung tv para medyo may ingay din naman akong naririnig, dulo kasi bahay namin kaya napaka tahimik, nanuod ako ng balita ng bigla nalang nililipat sa cinemaone, binalik ko ulit pero nilipat nya ulit sa barilan, sa sobrang takot ko di na ako nagbihis. Haha! Meron pa ngang kumakain kami ng mga kapatid ko habang umiiyak yung bunso napatayo ako nung makita ko gumagalaw galaw yung tinidor. Imbes na matakot, napaiyak nalang ulit ako at least pinaramdam nya na kahit di namin sya nakikita, nasa tabi lang namin sya nakasubaybay.
I have experienced it too. Someone fixes my long hair and behind is the car. Fear is the first reaction and then replace with a feeling of emptiness and cried for you are cared.