Mga Ugaling Pinoy

1 16
Avatar for Mimay
Written by
4 years ago
Sponsors of Mimay
empty
empty
empty

May mga ugali ang mga Pinoy na wagi at talaga namang ipagmamalaki sa ibang mga lahi.

Siyempre pa, hindi rin naman natin maitatanggi na may mga ugali tayong mga Pinoy na hindi kaaya-aya na kung pupuwede lang ay maitago natin nang tuluyan pero sadyang umaalingasaw.

BAYANIHAN. Ang bayanihan ay hango sa salitang bayan o komunidad kung saan ang mga indibiduwal ay nagtutulungan. Nag-ugat ang pag-uugaling ito noong unang panahon kung saan napakapangkariwan ang mga kubo na tirahan ng mga Filipino na maaaring maingat mula sa lupat at mailipat sa anomang lugar. At dahil mabigat ang bahay ay boluntaryong nagtutulung-tulong ang mga tao sa isang komunidad na buhatin ito at mailipat sa ibang lugar.

Ang pag-uugaling bayanihang ito ay ang pagtutulungan natin sa isa’t isa lalo na sa panahon ng pangangailangan – ito man ay tungkol sa trahedya, sakuna at iba pa sa layuning maialis sa problema ang taong nangangailangan ng tulong. At kahit pa hindi sa uri ng trahedya basta kailangan ng pagkakaisa ay natural sa mga Pinoy ang maging matulungin.

PAGIGING MALAPIT SA PAMILYA. Ito ang isang ugaling Pinoy na tunay na hinahangaan ng ibang lahi sa atin. Ang pagsasama-sama ng pamilya sa anumang okasyon o sitwasyon nila sa buhay ay may tunay na halaga, bigat sa isa’t isa. Na kahit masyado nang abala ang mga tao sa panahon ngayon ay naroong makikitang nagkakaroon ng oras para sa pamilya, nagtitipun-tipon at madalas ay may handaan pa bilang selebrasyon – na kung tutuusin ay puwede namang walang nang handaang mangyari.

Masyadong madikit ang pagsasama-sama ng mga pamilyang Pinoy sa isa’t isa kaya kahit nagsisintandaan na ang mga anak o miyembro ng pamilya ay naroong hindi sila mapaghiwalay dahil na rin ito ay kulturang ating nakagisnan.

Sa kabilang banda, ang pag-uugali ring ito ay marka na natin na nakasisira rin naman sa dapat sana ay ikagaganda ng ating pamumuhay. Isipin na lamang natin na sa sobrang pagiging malapit natin sa isa’t isa ay nawawalan tayo ng “drive” na magtiyaga o kumilos, maging masipag at huwag nang umasa sa ibang miyembro ng pamilya. Mayroon kasing iba sa atin na ganoon na lamang na nakasandal tayo sa “mayroon” sa buhay.

2
$ 0.00
Avatar for Mimay
Written by
4 years ago

Comments

Too yan, Para sa kanila pag meron ka dapat meron din sila kasi pamilya kayo, kahit distant relative na. Hindi na initindi ang hirap mo, na meron ka rin sarili mong pamilya, sila paasa na lang, wala ginagawa, maghintay lang, pa easy easy lang.

$ 0.00
4 years ago