Sino ang mga unang Tao na nanirahan sa Pilipinas? Saan sila nanggaling? Ano ang nangyari sa kanila? Ang mga katanungang ito ay mahirap masagot ng tama, kahit ng mga magagaling na siyentipikong nag-aral tungkol sa ating mga ninuno. Ang pinakamagling na paliwanag tungkol sa ating nakaraan ay maaaring nagsimula sa mga sumusunod: (1) Ang kwento ng paglikha ng Diyos sa Bibliya; (2) Ang kwento tungkol sa ebolusyon ng tao na gawa ng mga siyentipiko; (3) Ang mga alamat at kwentong bayan na likha sa guniguni ng tao.
Pag-aaralan natin ang pagpapaliwanag tungkol sa pinagmulan ng ating mga ninuno. Ngunit, bilang mga Kristiyano, tayo’y naniniwala sa paglikha ng Diyos sa tao; na ipinaliwanag ng Bibliya at tunay na katotohanan. Nangangahulugang ano mang paliwanag tungkol sa kung paano nalikha ang tao ay mula lamang sa mga teorya o pag-iisip ng tao, at ito’y hindi maaaring maging totoo. Sapagkat nilikha ng Diyos ang tao sa Kanyang kaanyuhan at wangis. Kailangang ibigin natin ang kapwa tao na nilikha ng Diyos kahit na ito’y may sinauna at paurong na mga pamumuhay. Matapos ang lahat, noong unang panahon, tayo ay galing din sa mga makaluma at simpleng pamumuhay na tulad sa ating mga ninuno.
Ang mga Negrito. Sa “migration theory”, ang unang dumating na mga tao sa Pilipinas ay ang mga Negrito. Tinatawag din silang Atis o Actas. Naglakbay sila sa mga lupaing tulay mula sa kalupaang Asya nang may 25,000 taon na ang nakalilipas. Noong panahog iyon, ang ating bansa ay nakakabit sa Asya sa pamamagitan ng mga tulay na lupain na sa kalaunan ay lumubog sa ilalim ng karagatan.
Ang mga Negrito ay maliliit na mga tao. Kulang ang taas nila sa limang talampakan. Tinagurian silang "negritos" dahil sa kanilang maiitim na balat, maikli at kulot na kulot na mga buhok, makapal na mga labi at pangong ilong. Halos wala silang damit. Wala silang pamahalaan, walang kasulatan, at walang permanenteng tahanan. Naglilibot sila sa kagubatan at nabubuhay sa pamamagitan ng pangangaso gamit ang pana, pangingisda, at pagkuha ng mga ligaw na mga halaman at mga prutas.
Ngayon, mayroon pang mga Negrito sa mga burol ng Zambales. Sila ay napinsala sa pagputok ng Bulkang Pinatubo noong 1991.
Ang mga Indonesian. Sa “migration theory”, ang mga Indonesian ay ang mga unang dayuhang dumating sa Pilipinas sa pamamagitan ng dagat. Dumating sila ng may mga 5,000 taon na ang nakalipas. Sila’y naglayag sa mga bangka mula sa Timog Asya. Napaalis ang mga Negrito tungo sa mga bundok at ang mga Indonesian ang nanirahan sa kapatagan.
May dalawang uri ng mga Indonesian. Ang unang uri ay matataas, maputi ang balat, malapad ang noo, matatangos ang ilong at manipis ang labi. Bandang huli na ng dumating ang pangalawang uri. Higit na pandak at maiitim sila, malalaki ang ilong, makapal ang labi at malaki ang panga.
Higit na maunlad ang mga Indonesians kaysa sa mga Negrito. Mayroon silang mga permanenteng tahanan. Gumagamit sila ng apoy sa pagluluto ng kanilang mga pagkain. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng pangangaso, pangingisda, at maliit na sakahan. Pinipinturahan nila ang kanilang katawan ng mga makukulay na larawan.
Ngayon, ang minoryong tribong Indonesian ay matatagpuan sa liblib na bahagi n gating bansa. Ang mga ito ay ang mga Apayao, mga Gaddang, mga Ibang, at mga Kalinga ng Hilagang Luzon; mga Tagbanuas ng Palawan; at Bagobo, mga Manobo, mga Mandaya, mga Bukidnon, mga Tiruray, at mga Subanon ng Mindanao.
Ang mga Malay. Sa “migration theory”, ang mga Malay ay dumating pagkatapos ng mga Indonesian, mga 2,000 taon na ang nakalipas. Dumating din sila sa pamamagitan ng mga bangka mula sa Timog Silangang Asya. Katamtaman ang kanilang taas, kayumanggi ang balat, maitim ang mata, pango ang ilong at may tuwid at maitim na buhok. Napaalis nila ang mga Indonesian tungo sa kagubatan at nanirahan sila sa kapatagan.
May mga alamat na naglalarawan sa pagdating ng mga Malay. Ang salaysay na ito sa Panay ay tinaguriang “Maragtas.” Isinasalaysay dito kung paano ang unang sampung datung Malay na umalis sa Borneo ay dumating sa Panay. Binili nila ang mga lupain ng mga Negrito at nanirahan sa ibang mga pulo. Si Datu Puti ang namumuno sa mga datung Malay at si Marikudo naman ang namuno sa mga Atis. Ang alamat na ito ay ipinagdiriwang sa tanyag na pista at sayaw na “Ati-Atihan.”
Ang mga Pilipino ngayon ay galing sa Malay o lahing kayumanggi. Kaya, mayroong mga Malay na Muslim sa Mindanao, Jolo, at Palawan. Mayroon ding mga Kristiyanong Malay sa buong bansa. Mayroon ding mga tribung Malay gaya ng mga Igorot, mga Ifugao, mga Bontok, at mga Tinggian sa Luzon.
Ang migrasyon ng tao galing ibang bansa ay naging tulay upang sila'y tawagin nating mga unang Pilipino na ating mga ninuno.
pa subscribe naman ohhhhhhhhhh