Kulam

0 12
Avatar for Mimay
Written by
3 years ago
Sponsors of Mimay
empty
empty
empty

This was a true story in our family ..until now di pa namin siya nasosolve.

We noticed na sunod sunod na yung namamatay na member ng family namin sa side nila papa .

Sa isang taon dalawa,puro mga kapatid niya. Until last yung lola ko na.

Yung unang Tito ko biglaan yung pagkamatay niya. Di namin alam yung reason but isang araw nakita siya sa higaan niya lasing at patay na.Biglaan y un at bata pa ung mga anak niya.

Next Kong tito naoperahan sa colon nun . Nagpumilit siya umuwi na ng province nun kase gusto nya makita ang buong family niya. Lagi na niya nakikita yung unang tito ko na namatay na sinasabing "Ano? Upuan na natin yang sugat mo? Para Hindi ka na maghirap"

Yun pala sinusundo na siya. Lagi siyang sumisigaw. "Umalis ka dyan demonyo ka ! "

Hanggang namatay din nung araw na yun ung tito ko dahil biglang dumugo ng dumugo yung sugat niya sa operasyon.

Namatay sila on the same year which is sukob daw

Sabi nila para daw ma cut ung kade-kadena need putulin ung puno pagka labas ng kabaong sa gate. Sumunod nalang kami . Pinutol nga ung puno .

But a month after, yung nagputol naman yung namatay.

Matagal na bago nasundan.

Hanggang sa kapatid naman ng papa ko ulit. Tito ko. Bigla siyang nagkabukol sa tagiliran niya . Namatay din siya. After ilang months Lola ko naman .

Lumapit na kami sa manggagamot,

Sabi niya ..

"Natirikan ang bahay niyo ng kandila. Di siya titigil hanggat di kayo nauubos.. Gusto niyang maghari kaya lahat ng puno tatanggalin niya."

Natakot kaming lahat. Nalaman namin kung sino umuubos sa angkan namin. Yng tita kong galit na galit at masama ang loob sa pamilya namin.

Isusunod niya ung dalawa kong Tito. Kase sabi ng mangagamot may tanim daw dalawa kong Tito. Yung Tito ko na isa lagi siyang nagigising in the middle of his sleep. Tapos sisigaw siya ng napakalakas. Sabi ng mangagamot sinasakal daw siya pag natutulog. Nagpa gamot siya kinontra niya yung kulam. Okay okay na siya ngayon tapos ung isa ko pang Tito na may tanim, may sakit na ngayon . Yung papa ko naman wala siyang tanim.

Pati yung kapatid niya na nasa Palawan walang tanim.

Sabi ng mangagamot may binaon daw sa likod bahay sa probinsya yung nagkulam. Kailangan daw hukayin namin yun at hanapin. Sa lawak nun di namin alam san magsisimula .

Ang mangkukulam daw mas lumalakas pag nakakapatay.

Yung mga Tito ko napapanaginipan ko, sinasabi nila na di pa dapat sila patay. Hukayin daw sila ulit sa libingan ..Hindi daw sila patay.

2
$ 0.00
Avatar for Mimay
Written by
3 years ago

Comments