Barya at Papel

0 10
Avatar for Mimay
Written by
4 years ago
Sponsors of Mimay
empty
empty
empty

Minsan sa kanilang buhay , hindi ba nila naitatanong kung saan ba talaga galing ang mga pera simula sentimo hanggang isang libo ? o baka naman ay hindi na nila napapansin ito dahil mas importante ang halaga nito . Marahil ay Oo diba. Barya at papel na galing sa wallet ni Tatay ,ni Nanay , sa bulsa ni ate at kuya , at sa alkansya ni bunso . May mga ibang tao nga na sobrang naaappreciate ang pera lalo na ang disensyo nito kaya nagkokolekta sila ng mga ito (Coing collector). Sa panahon ngayon pinagkakakitaan na ang iba ditto .Lalo na kung mas luma mas mahal mo itong maipagbibili sa mga ‘’money collector’.

Alamin kung saan nga ba gawa ang mga ito . Ngunit hindi na ito uumpisahan sa pinakaumpisang kasaysayan nito. Dahil sa paglipas ng panahon, sa pagiging modernisado ng ating bansa nagpapalitpalit ang itchura nito ngunit hindi nagbabago kung saan gawa ito .Ang mga perang papel at barya ng Pilipinas ay nililimbag at ginagawa sa Bangko Sentral ng Pilipinas sa Lungsod ng Quezon. Ang pera ng Pilipinas ay kadalasang sinusulat sa simbolong “₱”. Ang ibang paraan ay: “PHP”, “PhP”, “Php” o kaya’y simpling “P”. Ang ₱ ay naidagdag sa pamantayang Unicode sa bersiyong 3.2 at itinala sa U+20B1.

Ang barya ay gawa sa Tanso ,Nickel at ang limang piso at mga sentimo ay may halo namang Sink kaya may ibang kulay ito. Ang tanso, kobre, o tumbaga ay karaniwang ginagamit bilang konduktor ng kuryente, isang materyal sa paggawa ng mga gusali, at bilang isang bahagi ng maraming mga haluang metal o aloy; ang sink naman ay isang mabughaw-bughaw na puti at makisap na metalikong elementong malutong kung nasa pangkaraniwang temperature nagiging madali ang pukpok dito kapag nag-iinit, kaya’t ginagamit bilang sangkap sa mga aloy o balahak na katulad ng bronse at bras o tansong dilaw ; at nickel ay isang kemikal na element na silvery white lustrous metal ,ginagamit din itong sangkap sa paghihinang at maging bilang pantubog sa yero ng bubungan . At ang papel na pera ay nagawa mula sa maraming proseso. Ang mga ito ay ang mga sumusunod .Litho Printing, kung saan inililimbag ang ibat ibang kulay ng background sa papel na gagamitin ; Intaglio Printing ,dito naman ay inililimbig ang mga nakamarka o nakaumbok na detalye ng perang papel; Sheet Inspection , dito tinitignan ang mga natapos ng nalimbag kung ito ba ay may mali o defect ; Numbering , inilalagay na ang serial number ng bawat pera na natapos na sa prosesa na nabanggit; Tenning , ito ay pagtingin muli sa mga nailimbag kung wala ba itong nalaktawan na ibang may defect parang doublechecking ; at sa huli ang Finishing na kung saan ay gugupitin na ang mga ito ayon sa hugis at pagkatapos ay bibilangin at ibabalot na.

Sa disenyo naman ay may dalawang hugis lamang , pabilog at parihaba . May katanungan parin ang iilan na hindi parin nasasagot ng maayos .’’Bakit ngaba bilog ang barya ?’’ ang iba ay isasagot na dahil hindi ito parisukat o kaya tatsulok. Naman . Syempre! Halata naman. Mapa barya man ito o papel may disenyo ito ng mga ulo ng ating mga bayani at mga dating presidente .Sa ngayon naman ay meron din itong larawan ng mga magagandang lugar sa Pilipinas at mga hayop na makikita lamang sa Pilipinas. Mga lugar na talagang ating ipagmamalaki at masasabing It’s More Fun in the Philippines. May ibat iba rin itong kulay , ang barya ay tatlo lamang at ang papel na pera sa kasalukuyan ay may anim na ibat ibang kulay sa bawat ibat ibang halaga. Ginawa ito upang hindi tayo magkalituhan. Madalas tinitignan nalang ang kulay nito keysa sa nakalagay na numero na sumisimbilo kung magkano ang halaga nito dahil sa pagmamadali at kasiguraduhan na tama ang naibigay dahil sa kulay. Ngunit sa kasalukuyan mas lalong nagkakalituhang ang mga Pilipino sa bente at limampung piso dahil halos magkakulay na ito, pati narin ang isaangdaan at isanglibong piso. Sa panahon ngayon ay marami ng namemeke ng mga ito .Kaya ‘’detailed’’ ang pagkagawa ng mga ito .Kaya sobrang dami nitong prosesa bago ito mapasaating kamay.

Tunay na mahalaga ang pera sa panahon ngayon. Kaya marami narin dito ang pinepeke. Dahil ngayon , wala ng libre. Madalas ay ineechepwera na ang piso ,mas lalo narin ang sentimo .Dahil ang alam nila ay wala nang mabibili sa bentesingko sentimos kaya kung saaan saan nalang ito inilalagay. Pero dapat tatandaaan na kung walang sentimos walang piso. Tuwing sila ay namamasahe doon lang nila natatanto ang kahalagahan ng piso. Bakit ? Dahil lagi silang nagkukulangan ng piso tuwing namamasahe. Kaya naghihingi sila sa kaibigan nila na kasabay nila. Aminin, may pera pa naman sila ngunit ayaw nilang mabarya ito . Ito ang mga linya na pasok na pasok sa deskripsyon ng mga ito. Barya , maliit man sa inyong paningin , may halaga rin. Papel na pera , papel na lukot at madumi kailangan paring pagyamanin.

2
$ 0.00
Avatar for Mimay
Written by
4 years ago

Comments