Barang Vs Kulam

0 31
Avatar for Mimay
Written by
4 years ago
Sponsors of Mimay
empty
empty
empty

Kung minsan, ang barang ay naipapa­lagay natin na kapareho lamang ng kulam. O isang uri ng kulam. Pero ano nga ba ang kaibahan nito?

Ang kulam ay isang mahika na ginagamitan ng aklat ng oras­yon, manika o voodoo doll, kandila, karayom at tali.

Nakakasakit at nakakamatay depende sa intensyon ng mangkukulam. Ang barang naman, ito ay mas mataas na uri kaysa kulam. Walang mangkukulam ang nakakatalo sa isang mambabarang. Mas makapangyarihan ang barang kaysa kulam.

Intensyon talaga nito ang pagpantayin ang paa ng taong bina­barang. Gayunpaman, hindi lang puro kasamaan ang nagagawa ng isang mambabarang. May kakayahan din silang manggamot, magpalayas ng masasamang espiritu o maski pa demonyo, at kaya nilang kontrahin ang kulam.

Ang karaniwang ginagamit ng mambabarang sa kanyang ritwal ay mga insekto. Subalit hindi lamang ito basta-­basta insekto. May uri ng barang na tinatawag na pamaham. Sa loob ng isang garapon ay ikukulong ang nahu­ling espiritu na nasa anyong gagamba o centipede. Matapos itong pakai­nin ay saka ipapasok ang rag doll at saka doon naman papasok ang insekto. Kasabay ng pagpasok ng insekto sa katawan ng rag doll ay pagpasok rin ng insekto sa katawan ng taong binabarang.

Isa pang paraan ng pambabarang ay ang paglalagay ng puting tali sa isang paa ng insekto. Matapos itong bulungan ay saka ito pakakawalan ng mambabarang upang papuntahin sa kanyang biktima. Sa oras na ito ay bumalik at ang tali ay nagkulay pula, na­ngangahulugan ito na nagtagumpay ang isinagawang pambabarang. Subalit kung ang tali ay nagkulay itim, ibig sabihin lang na ito ay hindi nagtagumpay.

Mag-ingat ka sa mga mambabarang dahil hindi tulad ng mga mangkukulam na kailangan pang kumuha ng mga gamit mo, larawan o hibla ng buhok bago ka makulam, ang mambabarang ay may mada­ling paraan. Mahawakan ka lang nito ay magagawa ka na nitong ibarang. Magagawa rin nitong maglagay ng insekto sa iyong katawan o kahit pa anong bagay hanggang sa ikamatay mo ito. Kapag namatay na ang taong binarang ay kusang maglalabasan ang mga insekto sa katawan nito na kalimitan ay gagamba.

Sa dami ng nakaranas ng barang kaya marami rin ang naniniwala rito. Sinasabing ang pinaka­mabisang pangontra dito ay taimtim na pagdarasal at paghingi ng tawad sa ­Diyos upang luminis ang puso at hindi tablan ng barang. May mga naniniwala rin na mainam ding pangontra sa barang ang kapwa mambabarang.

Kung ang kamag-anak o kaibigan mo ay pinagsususpetsahan mo na nababarang, maaari ka daw lumapit sa isa pang mambabarang upang humingi ng tulong. Subalit ito ay isang delikadong pagdedesisyon dahil dalawang mahika ang magbabanggaan at isa sa kanila ang nakatakdang mamaalam mabigo man o magtagumpay ang misyon.

Ang mga nabibiktima ng barang ay sinasabing iyong may mga atraso o mga nagawang masama sa tao na nagpapagawa nito. Pero hindi lang sila ang puwedeng mabiktima. Maging ang mga wala namang nagawang kasalanan na kinainggitan lamang.

Walang mabuti kundi lagi tayong pumanig sa kabutihan upang hindi mag­sisi sa bandang huli, dahil ang pangkaraniwang tao o mambabarang man ay kinakarma rin...

1
$ 0.00
Avatar for Mimay
Written by
4 years ago

Comments