Walang iwanan

1 19
Avatar for Mike305
4 years ago

Sa isang pinakamalayong sitio Ng San Guillermo Isabela,kailangan pang bumiyahe Ng malayo para Lang makapagturo at kailangan mo pang tumawid sa mapanganib na ilog para Lang matuto.

Hindi Ito tagpo sa isang bagyo o kalamidad papasok Lang sa eskwelahan,araw araw sinusunog nila Ang ilog Ng mga estudyante Ng burgos east elementarya school para maitawid Ang pangarap Ng edukasyon.

Pero Hindi pa tapos Ang kalbaryo Ng mga bata,isang oras pang lakaran sa bundok para marating Ang kanilang tatahakin.Kung sa ilog ay tulong tulong sa pag akay sa mga maliit sa bundok ay sabay sabay Kung lumakad kapit kamay walang pwedeng maiwan.

Gaano man kalayo o kaputik Ang daan walang puwang Ang pagod sa batang sabik sa eskwelahan.

Bago mag umpisa Ang klase nililinisan muna Ng teacher Ang kanyang mga estudyante ginagamot Ang mga sugat.Araw araw ginagawa ni teacher Mike Ang mga bagay na Yun na dapat sariling magulang Ang mag aasikaso nito pero dahil naturingan silang pangalawang magulang kaya ginagawa nya Ito.

Mataas Ang mga drop out rate sa burgos east elementarya school,Yan Ang pangunahing suliranin Ng eskwelahan.

Si sir Jun Naman Ang head Ng eskwelahan na sya Rin Ang nagtuturo sa mga matalinong estudyante at naghihikayat na ipagpatuloy Ang pag aaral sa mga Bata.

Kapag nakita nya sa eskwela na mayron Hindi pumasok na estudyante ay hinahanap nya Ito at kinakausap Ang mga magulang. At Ang sinasabi nito ay Ang mga Bata Ang may gusto na Hindi sila pumasok pero Ng kausapin na Ang Bata ay iba sa sinasabi Ng magulang. Pero kahit gusto Ng Bata na mag aral Wala parin Ito magawa pag magulang na Ang may ayaw nito.embes na mag aral magtrabaho nalang dahil sa hirap Ng buhay.

Si sir Jun Ang nag pupursige sa mga Bata na pumasok sa eskwela kahit Hindi Naman sya Ang magulang nito bilang isang guro o sinumpaan nila ay dapat walang maiwan na Bata sa larangan Ng edukasyon kaya ganun Ang interes nya sa mga estudyante na Hindi pumapasok.

Taon taon mahigit isang milyon Ang tumitigil sa pag aaral dahil sa kahirapan pero salamat dahil sa pag pupursige Ng mga guro tulad ni sir Jun kahit papano nababawasan Ang bilang na Ito.

Madaling mawalan Ng pag asa sa mahaba at maputik na daan,madaling mawalan Ng loob sa mahirap at Marahas na mundo pero hanggat may mga batang handang tawirin Ang agos at Uno's hanggat may gurong handang mag sakripisyo sa ngalan Ng serbisyo may pag asa sa gitna Ng kawalan at buhay Ang pangakong walang batang maiiwan.

2
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Avatar for Mike305
4 years ago

Comments

sana po magawan ng lokal na pamahalaan nila dyan na matulungan ang mga estudyante na mapadali ang pag lalakbay patungo sa eskwelahan o di kaya ay makapag patayo man lang ng kahit maliit na paaralan na malapit sa kanilang nayon ng hindi na tumaas ang mga bilang ng drop out na estudyante...

$ 0.00
4 years ago