Kontrobersyal ang isang painting na pinaniniwalaang kay juan luna,ito nga raw ang ginamit nyang sketch bago nya ipenta ang kanyang obra maestra ang spoliarium.
Pero kay juan luna nga ba talaga ito, noong ipina subasta,ang halaga umabot sa milyong milyong peso.
Pinag agawan ng isang auction sa makati ang isang painting na bagamat maliit nakalulula naman ang presyo ang starting bet lang naman nito 25 milyon pesos may sukat itong 74 cm by 144.5 cm at ang pinta pamilyar ang obra,bilang maliit na version bilang obra maestra ng sikat na pilipinong pintor na si juan luna na mayabang na nakatindig sa pambansang sining ng national museum of the Philippines ang spoliarium.
Ang pinag uusapang painting sa auction na tinatawag ngayong spoliarium boceto.Ang "BOCETO"ang hango sa salitang italyano na "BOZZETO" na maliit na painting o drawing na ginagawa para paghandaan ang malaking obra na ipipinta,sinasabing ipininta ito taong 1883 isang taon bago iguhit ni juan luna taong 1884 ang pamuso nyang spoliarium,ang tampok sa auction Na spoliarium boceto gawa rin kaya juan luna mismo?
Ang spoliarium na itinuturing na isa sa pinakadakilang obra na gawa ng isang pilipinong pintor dito makikita ang hila hilang patay sa isang human circus ang mga mandirigmang ito sumisimbolo ng pilipinas ng panahon ng kastila.
Pero hindi lamang sa national museum spoliarium,dahil dito sa luna museum sa badok ilocos norte naka display ang replika nito,sa bayang ito kasi ipinanganak si luna at ang kapatid nyang bayani si general luna,mula sa mayamang pamilya nag aral si juan luna ng pag pipinta sa espanya na nag angat ng estado ng mga pilipino sa europa,hanggang itong mga nakaraang linggo nayanig ang mundo ng sining na napabalitang natagpuan daw ang boceto o sketch na spoliarium,Ang boceto pinaniniwalaang ini regalo ni juan luna sa kaibigang nyang si pedro paterno nakalaunan na punta sa kasteniyera hanggang sa mailipat sa kasalukuyang may ari nito,isang pribadong kolektor mula europa na gustong ibalik ang painting sa pilipinas.
Isa raw sa mga pruweba na si juan luna daw ang gumawa ng mga ito ang umanoy pirma at sinasabing sulat kamay ni luna na makikita sa ibabang bahagi ng spoliarium boceto pati na ang pagkakapareha na titik (R) sa spoliarium boceto sa titik (R) na sulat ni luna sa spoliarium ang asul na tinta rin daw na ginamit sa pag pinta sa spoliarium boceto kapareha daw ng blue ink na ginamit naman ni luna sa kanyang obra "a do va la nave".
Ang ganito kalaking pagkakatuklas ay kailangang dumaan sa masusing pag aaral bago mapatunayan gawa nga ni juan luna at ngayon pa lamang ang artist historian na si santiago pilar ay di kumbensidong gawa ni juan luna ang spoliarium boceto base sa kanyang pag aaral walang castañera na sinasabing nag may ari nh spoliarium boceto ang naging malapit daw kay juan luna ng manirahan ito sa espanya taong 1880s.
Maging ang ilang mga descendant o kamag anak na magkapatid juan at antonio luna hindi rin daw pamilyar sa spoliarium boceto,hindi pa rin daw sila nakakita kahit noon pa man ng obra ni juan luna na may dagdag o sulat na nasa baybayin.
At hindi pa man napapatunayan na gawa ni luna ang sinasabing boceto may sumulpot na isa uli umanong spoliarium bago ang auction na narito rin sa pilipinas,ang art kolektor kasi na si pacifico gonzales may itinagong rin umanong canvas ng bantog na spoliarium ni juan luna at mas maliit ito sa boceto.
Samantala sa kabila ng mga agam agam nito lamang sabado tuloy ang biding sa spoliarium boceto mahigpit ang seguridad sa hotel kung saan nagaganap ang auction.Ang biding sinimulan agad sa halagang 25 milyong peso,makalipas lamang ang 5 minuto agad itong nadoble sa halagang 50 milyong pesos,hanggang nag bids sa telepono sa spoliarium boceto na tumangging ibigay ang pangalan sa halagang 63 milyong pesos.
Kay juan luna man o hindi ang spoliarium boceto hindi mapapasubaliang muli itong ipininta ang interest ng marami sa ating kasysayan at kakilanlan bilang pilipino, pero sa isang bansang marami ang naghihirap kahit pa sa ordinaryong pilipino paano nga ba maipapaliwanag na may mga likhang sining na umaabot ng milyon milyong peso dahil Kung hindi tayo matutoto sa mga aral ng nakaraan,pare pareho tayong hindi magigising sa mga ipinipinta.