Gaano mo katagal kayang pigilin ang iyong hininga?Gaano mo kalalim ang kaya mong abutin?
Ang lalaking ito mahigit dalawang minuto ang lalim ng kanyang sinisisid na aabot sa 260 feet katumbas ng higit dalawampung palapag na gusali.
Ang free diving ay isang paraan ng pag sisid na di gumagamit ng aparato di tulad ng scuba diving kung saan nakakahinga ang diver sa pamamagitan NG Oxygen tank sa free diving lalim ng hininga at lakas ng baga Ang iyong aasahan.
Ang susi sa pag sisid maging panatag sa tubig kalmado ang puso,isip,kalmado ang bawat galaw sa ganitong paraan mas matagal ang oxygen sa inyong katawan.
Masaya at madali sa unang tingin pero hindi biro ang free diving kung hindi ka maingat at di kabisado ang lalim ng tubig maaari nitong basagin ang iyong airdrums maubusan ka ng hininga o tuluyang ikamatay.
Si carlo navarro ay isang lesinsyadong free diving instruktor,mahigit isang taon na nyang pinag aaralan ang siyensya sa likod nito.
Pero hindi si carlo ang may hawak ng pinaka malalim na free diving sa buong pilipinas ang record holding nito ay grade 1 lang ang tinapos at hindi nag aral ng anumang siyensya.
Si juli miswari ay isang badjao na nakakabit sa dagat ang kultura ng mga badjao kung karamihan sa ating kumukuha sa bukid ng pagkain ang mga badjao sa ilalim ng tubig.
Noong 2013 isinali si joli sa free diving competation sa kadayawan festival nagulat ang lahat ng basagin nya ang record ng free diving sa buong pilipinas umabot sa 260 feet ang lalim ng kanyang naabot nanalo si joli ng P7,000 para sa competation.Makalipas ang apat na taon balik si joli sa dati nyang trabaho balik sa dating buhay,isang kahig isang tuka.Araw araw anim na oras sa laot si joli para mamana ng isda sa kagustuhang kumita ng malaki halos hindi na sya nagpapahinga kaya pagkatapos ng ilang minuto sisid na naman ang badjao dahil wala naman silang kakayahang bumili ng malaking bangka at lambat ang spare fishing o pamamana ng isda ang nakagisnan ng mga badjao para mang huli dati rati nakakahuli sila ng isda sa mga mababaw lamang,pero ngayon kailangan munang lumalim para makahuli,ng malalaking isda,at habang palalim ng palalim palapit ng palapit sa pelegro ang buhay ni juli.
Si delmar ang nagturo kay juli na sumisid maagang naulila sa kanyang mga magulang si juli kaya hindi ito nakapag aral ang dagat ang nagsisilbi nyang eskwelahan.
Ayon kay delmar syam na gulang palang si juli nabasag na ang airdrums nito sumubra daw kasi sa lalim ang kanyang pagsisid at hindi nakayanan ng kanyang tainga,pero hindi lang airdrums ang naka amba sa mga free divers kapag sumubra sa lalim ang inyong nilangoy at hindi mo na tan tsa ang iyong hininga maaaring ikamatay tulad ng nangyari sa dayuhang free diver sa dagat.batid ni juli na delikado ang kanyang trabaho pero ito lang daw ang alam nyang kabuhayan kaya handa syang makipag sapalaran. Alas tres ng hapon natapos sa laot si juli sa pangingisda dinala ni juli sa pampang ang huling isda umaasa na suklian ng biyaya ang kanyang pag pipigil hininga
Kung dati dagat ang kanilang tahanan ngayon dagat na ang kahirapan.ito ang imahe na itinuro nya kay juli oara maibalik ang dignidad ng kanilang lahi maibalik sa dagat ang kultura ng mga badjao.
Kaakibat na ngayon ang salitang badjao ang pagiging pulubi ng lansangan pero hindi ito ang imahe ng kanilang pagkatao.
Noong 2013 sandaling nabago ang imahe ng badjao at muli silang nakilala sa kanilang angking galing sa tubig.
Kung nais mo raw takasan ang gulo ng mundo sumisid ka sa kai laliman nito
Gaano man kadelikado sa dagat lang raw tunay na nakakaramdam ng kalayaan ng mga badjao at kung ito ang tanging paraan para maibalik ang payapang kinagisnan handa silang sisirin ang kahit na ano maahon lang ang nasirang dignidad ng kanilang tribu.