Paraiso sa Ilo-Ilo

0 17
Avatar for Mike305
4 years ago

Puting buhangin ba Ang hanap mo katulad Ng Boracay?Marami Yan dito sa northern Ilo Ilo.

Tara bago pa Ito madiskubre Ng San damakmak na turista!!

Noong dekada 70 isang isla sa munusipyo Ng estancia sa Ilo Ilo Ang similar at dinumog Ng mga turista katunayan mas sikat pa raw Ang beach na Ito noon kaysa Boracay.Sa sobrang ganda Ng Isla nagiƱg lokasyon pa Ito Ng pelikulang"Ang pinakamahabang hayop sa balat Ng Lupa" na pinag bidahan no Gloria Diaz taong 1974. May mga resort din na paboritong pag bakasyunan Ng mga artists at international vip's noon.

Makalipas Ang tatlong(3)dekada Mula sa estancia Ilo Ilo kinakailangan mag Renta Ng bangka sa halagang P3,500-P6,000. Makalipas Ang isang oras at 45 minutos na biyahe mala crystal na tubig Ang tatambad sayo puti at pinung pink Ang buhangin.kung tingnan Ang napakapayapang Alon Hindi mo aakalain na ilang bagyo na Ang bumayo sa Isla na sya Rin Ang dahilan Kung bakit umikli Ang shore line Ng puting buhangin nito.

Gayun pa man tila Hindi Ito kayang sirain Ng maski ilan pang bagyo Ang dumating.Natural Ang ganda Ng Isla Ang "Sicogon island".Sicogon dahil mayaman Ang Isla Ng mga cogon na syang ginagamit na bubungan Ng mga bahay.may lawak na 11,200 hectare Ang buong Isla.

Ang Sicogon island ay isang napakagandang resort noon at Hindi nababakante Ng mga turista na galing pa Japan at Europe pero naglaho Ang resort dahil sa mga nagdaang mga kalamidad at Hindi na Ito nakabangon pang muli.sinusubukan na Rin itong buhayin para bumalik sa dati Ang sigla nito.

Kapag gusto Naman mag overlooking view Ng buong Isla mag tricking Ng 2 oras hanggang sa bundok Ng "Mt.Opao" na Ang ibig sabihin ay kalbo na tutok Ng bundok.

Isang oras Mula Sicogon island bago marating Ang dinarayong tangke (saltwater lagoon) na matatagpuan sa gigabytes sur sa bayan Ng parles tinawag itong tangke dahil naipon Ang tubig sa loob na napalibutan Ito Ng mga matatik na limestone rock formation na maihahalintulad sa mga nasa palawan,may mga maliit na lagusan sa pagitan Ng mga bato Kung saan pumapasok Ang tubig alat Mula sa dagat maganda pumunta daw tuwing tataas Ang tubig Mula 4 hanggang 7feet.

ang mala paraisong lagoon ay nababalot din daw ng mga kwento sa tuwing sasapit daw Ang fiesta ni st.john the babtist tuwing June 24 misteryoso g tumatakas daw ang tubig sa loob Ng tangke.gayun paman Ang mga kwento ng mga alamat at kababalaghan tila mas nakakaingganyo pang dayuhin Ng mga turista madalas limitado lang Ang pag bisita dito hanggang 15 minutos lang Ang bawat grupo na bibisita rito....

2
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Avatar for Mike305
4 years ago

Comments