Pangarap na walang kasiguraduhan makamtan,pangarap na gustong makamit ngunit may pader na nakaharang!Sabi nila libre Ang nangarap.
Bago pa man ako mag simula sa aking mga pangarap ngunit akoy bigo,nagpapasalamat ako sa dyos na maylikha sa ating lahat dahil akoy malakas at matatag sa paggabay nya sa akin akoy dito pa Rin may malusog na pangangatawan maraming salamat ama Kung makapangyarihan sa patnubay at gabay na iyong binibigay sa akin sa aking araw araw na buhay.
Bata pa lang ako nangarap ako na makatapos Ng pag aaral para di katulad sa iba,pero nabigo ako dahil Hindi sapat Ang pera na mayron Ang pamilya ko.Nagpatuloy pa Rin akong nangarap,pangarap na makarating sa maynila para makahanap Ng trabaho.
Ang batayan noon na kapag ikaw ay nakatapos Ng pag aaral ay makakakuha ka Ng magandang trabaho,Mali ako!Hindi Rin pala!marami din pala tambay nanakatapos Ng pag aaral.kaya Sabi ko sasarili ko mas sweetie pa Rin pala ako kahit Hindi tapos sa pag aaral may trabaho.
Maraming nagdaan na araw buwan at panahon kahit anong kayod ko ay Wala pa ring pagbabago sa aking buhay parang sa isip ko,kaya ko pa ba!nagpatuloy parin ako kahit nadapa ka na tumayo ka pa Rin at ipagpatuloy Ang buhay,paulit ulit nalang nangyayari Wala pa ring pagbabago.
Nakahanap ako Ng medyo magandang trabaho sa Makati,isang restorante na Ang pangalan noon ay (topgrill na ngayon ay music 11)na,nagumpisa na Naman akong nangarap,dyan sa trabaho ko nag umpisa ako mangulikta Ng mga kwalipikadong dokumento para makuha ako Ng pasaporte para makaalis ako Ng bansa.
Nang akoy nakakuha na Ng pasaporte bago ako lumabas sa (DFA)Ang Sabi ko sa aking pasaporte kailangan makaalis ako Ng bansa bago ka Wala Ng bisa, pagkatapos Ng tatlong rain may tawag ako galing sa ibang bansa na Kung gusto ko daw bang umalis o magtrabaho Hindi ako nag dalawang isip na tanggapin,tinanggap.ang alok na trabaho.kaya tuloy pa din Ang aking pangarap Naman sa aking pamilya.
Ngayung paalis na ako Wala akong ediya na Ang bansang pupuntahan ko ay naka ban pala kinabahan ako nagtago tago sa (w,c) hanggang sa Hindi ako naka Ali's pero tuloy pa Rin hanggang sa nakaalis ako,maraming beses ako nabigo bago ko narating Ang aking patutunguhan Ng dahil sa aking pag pupursige salamat sa diyos dahil ginabayan ako sa daan hanggang sa makarating ako sa bansa na aking patutunguhan.
Wag mawalan Ng pag asa Kung nadapa ka man bumangon ka para sa mga minimithi mo sa buhay ipagpatuloy Ang buhay hanggang makamit mo Ito,kabiguan ay Hindi simbolo Ng paghinto Ng iyong buhay.
Para sa akin ang pagkamit sa pangarap ay hindi lang sa dahil nakatapos ka, maraming iba dyan na sipag at tsaga lang ang pinuhunan para makamit nila ang kanilng mga pangarap. Determinasyon na abotin ang mga nais nya makamit sa buhay at hindi aya pumayag na dun na lang sya sa kung anu anu sya. Isa pa para sakin importante ang ugali parati. Mayaman ka nga pangit nama ugali mo dba. Kaya lahat ng itataas sana ay wag lalaki ang ulo bagkos maging ihemplo sila sa mga batang nangangarap kgaya nila.