Sa isang malayong sitio sa dulo ng saranggani tatlong bata ang matyaga na nag aantay ng kaldero.Ano kaya ang laman nito?ganun na lang ang kanilang pananabik.
Sa panahon ngayon pera na raw ang pinaka importanting bagay sa mundo diba!nga may kasabihan pera ang nagpapaikot sa mundo, pero alam mo ba kung saan gawa ang pera na iyong pinakaka ingatan lingid sa kaalaman ng marami isa sa pangunahing sangkap sa pera ay mula sa abaka.isang uri ng puno sa buong asya sa pilipinas lang makikita .
Sa sitio bande ang pakay nila isa sa pinaka malayo na sitio sa malapatan saranggani province,isa sa pangunahing hanapbuhay ng mga taga roon ang pagkuha ng abaka hindi biro ang biyahe patungo sa isa sa pinaka liblib na sitio ng saranggani,madilim mabato, mahigit oras ang tatahakin sadyang piniling umalis ng gabi para sa bundok na maabutan ang bukang liwayway.makalipas ang isang oras at ang isang ilog at isang maliit na kumunidad ang makikita.
Matarik ang daan paakyat sa sitio bande kaka unti palang ang nakakaakyat sa natatagong sitio ng mga tribong blaan.
Napapalibutan ng bundok ang maliit na sitio ng bande isa ito sa pinaka mahirap na lugar sa buong saranggani pero isa ring pinagmumulan ng sangkap ng pera ang abaka.
Abaka farmer ang karamihang hanapbuhay ng taga sitio,pero dahil seasonal ang pagaani ang abaka minsan sa isang taon lang sila may pera,pag minalas pa sa lupa isang platetong kamote ang makukuha at pag aagawan ng mga bata.
Pero minsan sa isang taon sa panahon ng anihan nakakatikim ng bagong pagkain ang mga bata.Ang hibla ng abaka ang isa sa pinaka matibay sa buong mundo sa buong asya sa pilipinas lang matatagpuan ang puno ng abaka.
Ang malalaking puno lang ng abaca Ang pwede pag kunan ng hibla dahil isa sa pinakamatibay na fiber sa buong mundo ang abaca,ginagamit ito di lamang para sa mga tali at tila kundi rin sa papel at pera na gaano man kanipis at ilang beses mabasa ay di agad agad ma pupunit pero kailangan ang matinding pwersa para makuha ang hibla ng abaka.
Karamihan ang nag aani sa sitio bande nagsimulang magtrabaho ng silay bata pa isa sa kanila si jerson na ilang taong gulang pa lang ay nag aani na ng mga abaka.P40 ang bintahan ng kada kilo ng abaka tatlong puno ng abaka ang kailangang putulin at iproseso para makakuha ka ng isang kilong hibla nito sa halagang P40 kada kilo kung tutuusin malaki ang kitaan sa pag aabaka yan ay kung maraming puno na pagkukunan ng hibla,noon daw marami pa ang mga puno ng abaka 3 beses sila nakakapag ani ng abaka sa isang taon, pero nagbago ang lahat ng ito,sa pag pasok ng mga melenyo kung kailan nagsimula ng makalbo ang bundok.
Matakaw sa tubig ang puno ng abaka kaya tumutubo lang ito sa malamig at madilim na lugar o malapit sa ilog kapag nakalbo ang bundok kapag naubos ang puno mauubos din ang lilim na kailangan ng mga abaka.
Kaya kung dati 3 beses nag aani ngayon isang beses na lang sa isang taon.isang libong peso kada taon 80 pesos kada buwan.
Sa bahay ni tusan isang bugkos ng abaka ang naka imbak,isang taon na nyang inipon na inaabangan ng mga bata ang pang isang taon ibibinta ng abaka isang taong naghihintay kada taon makatikim ng ulam at bigas pero para maibenta ang abaka kailangan itong ibaba sa paanan ng bundok anim na oras ang kalbaryong papasanin ni mang tusan ang naipong isang bugkos na abaka.
Alas dose ng tanghaling nagsimulang maglakad sa bundok para ibaba sa paanan ang abaka,matarik at madulas ang daraanang bundok bago marating ang sitio seran kung saan ibebenta ang abaka.
Kinabukasan matyagang naghintay ang tatlong magkakapatid sa tabi ng kaldero ito ang unang araw matapos ibenta ang abaka,alam na kung ano ang inaabangan ng mga bata,ito ang unang beses na nakatikim ng kanin ang mga anak ni mang tusan bawat butil kanilang ni nanamnam dahil bawat butil nito ay anim na oras na pinasan,dahil bawat butil nito ay bunga ng labis na pagmamahal at dahil aa susunod na bigas ay matitikman nila sa susunod na anihan.
Ang hirap ng sitwasyon kapag ang lugar mo ay malayo sa sibilisasyon,malayo ka sa lahat tulad ng mga hospital,paaralan at iba pero ano ang ating magagawa kung hanggang doon lang ang kaya ng ating isipan,ang iba nawawalan ng lakas ng loob para makipagsapalaran sa bayan ng dahil sa kakulangan ng edukasyon at wala na rin kompyansa sa sarili alam mo yung pakiramdam na para kang pinagdamutan ng mundo,na pinagkakaitan ng panahon na lahat ng gusto mo ay hindi mo magawa dahik ang unang pumapasok sa isip mo lagi ay kulang ka sa edukasyon kaya di mo maabot ang yong gusto,mahirap,pero kailangan natin lumaban sa hamon ng buhay ganun talaga ang buhay natin sa mundo kailangan natin lagi tayong nakaantabay sa mga nangyayari sa ating paligid upang lagi tayong handa,kung katahimikan ng kapaligiran ang paguusapan sa liblib ako titra walang polusyon na hangin na malalanghap,siguro na din ay kontento na sila sa ganung buhay doon na sila sanay kaya i respeto na rin natin ang kagustuhan nila.yun lang maraming salamat...