Mga kwentong bayan sangkot Ang isang kilalang personalidad at kumakalat noon subalit Hindi pa Rin Ito napapatunayang totoo hanggang ngayon.
Pagdating sa mga kwentong katatakutan Hindi lang multo at sirena Ang bumibida dito nariyan din Ang mga kulto,kidnapper na Ang target ay internal organs at syempre Hindi Rin mawawala Ang mga kwento Ng mga matatanda sa mga nawawalang mga Bata,dinukot raw upang maging alay sa tuwing may itatayong mga gusali o infrastraktura.
Sa mga kwentong bayan Ito raw ay Wala Ng mas lamang pa sa kaugnayan rito Ang San Juanico Bridge.
Ang San Juanico Bridge ay mas kilala dahil Ito Ang pinaka mahabang tulay sa pilipinas na nag cross over the body of water at makikita Ito na may nabubuo na letrang L at S na Ang ibig sabihin ay Leyte at Samar .
Tinawag din itong San Juanico Bridge dahil tinatawid nito Ang San Juanico strait na Ang pinakamakipot na strait sa buong pilipinas.
Balikan natin Ang mga misteryo na nangyari sa tulay.
Maraming mga kwentong bayan na si Imelda Marcos Ang person in charge rito Ng ipapatayo na Ang tulay sya ay komunsulta sa isang manghuhula at sinabi umano Ito na Hindi matapos Ang tulay Kung Hindi mag aalay Ng dugo Ng mga Bata.
Noong panahon iyon nagkataon Naman na nagkawalaan Ang mga Bata sa Samar at Leyte at natigil lamang daw Ito Ng matapos na Ang konstraksyon sa tulay.
Mayroon demonic ritwal na ginawa umano Kung saan ginagawa Ang pag alay Ng dugo Ng mga Bata na pawang mga batang lansangan.Ang rason Kung bakit Bata Ang kadalasan alay dahil malinis pa Ang kanilang mga puso at matapos daw di umano kunin Ang dugo Ng mga Ito ay itinatapon umano Ito sa tubig at sa iba pang bersyon para daw walang ebidensya ay buong katawan Ng Bata Ang inihahalo sa mga semento ginagawang sekretong sangkap di umano Ang mga katawan nito upang maging matibay daw Ang tulay.
Mga kahindik hindik na mga pangyayaring Ito ay nasilayan Ng diwata Ng tubig.Kalat sa Samar at Leyte Ang mga kwentong Ito na sa bawat ilog o bundok ay may bantay na diwata.Sa kasong Ito Ang diwata sa tulay ay nagalit di umano Kay Imelda kaya Naman isinumpa nya ito,.Nagkaroon di umano Ng kaliskis Ang binti nito kaya lagi daw ito nakasuot Ng mahabang Saya at bistida at madalas daw Ito maligo upang mabawasan Ang malansang Amoy na nanggagaling rito.
Dahil matagumpay Na naitayo Ang tulay naging inspirasyon Ito Ng iba pang mga gusaling ginagawa bagay na lalong nag pasidhi sa pagkalat ng kwento.Sa paglipas Ng panahon unti unting nabubura Ang mga kwento at may gumawa na Ng artikulo tungkol sa tulay na magpapaliwanag na itoy gawa gawa lamang Ng mga kalaban Ng mga Marcos o kaya Naman ay panakot sa mga batang matitigas Ang ulo upang Hindi na Ito pagala gala sa kalye.
Katunayan Hindi lang Naman Ang San Juanico Bridge Ang may ganitong conspiracy halos lahat Ng tulay o gusali ay mayron mga urbanong mga alamat Likas sa ating mga pilipino Ang maniwala sa mga ganitong kwento Lalo pa Kung mga kaibigan o kapamilya Ang maghatid sa atin.
Kaya Ang noon ay panakot lang na mga kwento para sa mga Bata ay dadalhin nila Ito hanggang sa kanilang pagtanda.Kaya isang paalala sa lahat sadyang mapaniwalain Ang mga Bata kaya Naman kailangan natin pag ingatan Ang ating mga kinikwento natin sa kanila dahil dadalhin nila Ito sa kanilang pagtanda at isasalin nila Ito sa kanilang mga anak sa hinaharap.
Salamat!!!!!
ganun ba talaga yun? sa edad ko na ito ngayon ko lang nalaman yang ganyang kwento sa san juanico bridge,,, pero tama po kayo magiingat po tayo sa pagkkwento lalo ma sa mga bata na madaling maniwala lalo nat may live at active person pa na involve sa kwento,,, pwde po itong maging kaso sa panahon natin ngayon,,,