Manaram

0 50
Avatar for Mike305
4 years ago

Ang pag silang ng sanggol ang marahil isa sa pinakamaligayang yugto sa isang babae pero taon taon daang libong ina ang namamatay dahil sa panganganak.

Sa isang bayan ng western samar hindi sa mga alagad ng medisina inaasa ang buhay ng ilang ina kundi sa kamay ng ilang matatandang babae na ang tanging edukasyon ay isang sinaunang tradisyon.

Sa brgy. Babaclayon,11 kilometro ang layo o isang oras na biyahe ng doctor o hospital wala silang doctor pero mayroon silang bahay na pinupuntahan ng lahat lalo na ang mga buntis para daw sya ang doctor nila isang 80 anyos na lola.

Mahigit 5 dekada ng nagpapaanak ng mga babaing buntis si lola.Ang pagiging manaram ay isang tradisyon na ipinapasa sa kada henerasyon hanggang ngayon ipinapagpatuloy pa rin ni lola nanieta ang itinuro ng kanyang mga ninuno.

Ngayong mayroon na tableta at mga medisina madaling sabihin na burado na ang ganitong paniniwala pero sa mga bayan tulad ng san jose de buan pinagkakatiwalaan pa rin ang mga manaram.

Noong 2005 naglunsad ang gobyerno na turuan ang mga manaram ng ligtas sa pagpapaanak isa si lola nanieta na nabigyan ng birthkit,katwiran ni lola nanieta sa 5 dekada nyang pagiging manaram wala pa daw namatay sa kanyang mga kamay pero hindi kumbinsedo ang gobyerno sa kanyang istilo.

Sa datus ng united nations sa buong mundo isang ina ang namamatay kada dalawang minuto,dito sa pilipinas 11 na babae ang namamatay araw araw dahil sa panganganak 4,500 kada taon ayon sa united nations.

Para mapilitan ang mga babae manganak sa mga health facility naglabas ang doh.alinsunod dito isang ordinansa ang inilabas sa bayan ng san jose de buan bawal na manganak sa kamay ng mga manaram.Multa P1,000 o 3 hanggang 30 diyas na pagkakakulong ang parusa sa mga manaram na mahuhuli na nagpapaanak at may mga kaukulang multa rin pati sa mismong mga ina.

Ang gusto ng gobyerno wala ng manganganak sa loob ng tahanan pero paano yung mga lugar na wala nang malapit na health center o ospital.

Ang midwife na si marife ang naitakda sa brgy gusa sa layo ng brgy. Na ito isang beses sa isang buwan lang nakakaakyat dito,labindalawang taon na si marife nagtatrabaho sa brgy.pero kahit ilang beses man nyang piliting bumaba sa centro ang mga tao para magpagamot hindi naman sila sumusunod.

Matarik at maputik ang daan paakyat ng brgy gusa ilang ilog putikan batuhan ang kanilang bubunuin at para marating ito,mahigit tatlong oras ang lakaran sa loob ng kagubatan.

Ang hirap obligahin ang mga tao pumunta sa bayan dahil sa sobrang layo ang lalakarin,buwan buwan ang pagbibigay ng gamot at pre natal check up ni midwife,kung gamot at bakuna lang ang pag uusapan nakikinig naman sila pero ibang usapan pagdating sa panganganak.

Wala isa sa mga babae sa brgy.gusa ang nanganganak sa center o sa ospital bigyan man sila ng gamot at payong medical lahat sila mas gusto pang manganak sa manaram.

Matyaga na kinausap ni marife ang mga nanay sa brgy.gusa pero pagkatapos makakuha ng gamot lahat sila dumiretso sa bahay ng isang matandang babae,isang manaram na naniniwala oa sa kapangyarihan ng orasyon ugat at halaman.

Si nanay luisa ang manaram sa brgy.gusa halos lahat ng sanggol sa kumunidad ay dumaan sa kanyang kamay hindi naman daw nya pinili ang maging manaram isa daw itong pangangailangan ng kumunidad na kanyang tinutugunan.

Maraming taga gusa ang namamatay o di man lang nakakakita ng doktor sa layo kasi nila sa ospital,manaram lang ang kanilang nalalapitan,walang bayad pag nanganganak sa manaram depende saiyo kung magbibigay ng tulong wala ring kailangang bilhing gamot dahil lahat ng kanilang medisina makikita sa kagubatan.

Pero higit sa mga ugat at halaman ang haplos at kalinga ni nanay luisa ang kanilang pinupuntahan,batid ng mga babae ng brgy.gusa bawal na ang manganak sa tahanan alam din ito ni nanay luisa pero sa kabila ng ordinansa patuloy ang pagpunta ng mga buntis sa bahay ni nanay luisa habang naghihilot ang manaram,patuloy naman ang oag kumbinsi ni widwife marife sa mga babae.

Isang 17 anyos na buntis ang lumapit na si angelica na gusto manganak sa ospital ang problema ng ipatawag ang asawa,sinubukan ni marife na kumbinsihin ang asawa nangako syang aalagaan si angelica bibigyan ng tirahan at tutulungan pinansyal at pagkain,gumawa ng kasulatan si midwife na che ne check up nya ito at binibigyan ng advice na manganak sa RHO kasi pag may mangyari sa kanya na manganak sa bahay na mau komplikasyon gaya ng mamatay wala na si midwife pananagutan,kaya kinukumbinsi nya ang mga babae na manganak sa ospital.

Patuloy pa rin ang pagtatalo ng mag asawa dahil gusto ng babae na manganak sa ospital dahil ayaw nya na may mangyari sa kanya tulad ng may isa syang nasaksihan na namatay sa panganganak na di na ito umabot sa ospital.

Pero ng dumating ang manaram biglang nagbago ang desisyon ng asawa,pinayuhan kasi ng manaram na doon sa ospital manganak ang asawa at dahil kabuwanan na rin nya. At doon pumayag ang asawa kaya ang ginawa ng manaram ay nangako ito na sasamahan si angelica sa pag baba ng bayan at di nya ito iniwan.

Kinabukasan lakas loob na bumaba sa bundok si angelica kasama ang kanyang asawa batid nilang delikado ang kanilang gagawin pero kampante sila basta kasama si nanay luisa.

Kabuwanan ni angelica masilan ang kanyang pag bubuntis,pero dahil sa pangakong mas ligtas sya kung manganak sa centro sinuong nya ang maputik at matarik na bundok.Makalipas ang apat na oras narating din ni angelica ang dulo ng kalbaryo,dumiretso si angelica sa rural health unit ng bayan usang midwife ang nag aasikaso sa buntis pero makalipas ang ilang minutong pagtatanong hindi raw nila kakayaning paanakin si angelica mas mainam daw na dalhin sya sa mas mainam na tunay na ospital.

Ang pinaka malapit ospital ay matatagpuan pa sa catbalogan samar tatlong oras ang layo nito kung sasakay ka ng bus,pagkatapos maglakad ng apat na oras sa bundok di pa pala tapos ang kanyang problema,habang sinusuri ang kanyang mag ina kinuha naman ng asawa ang ipinangakong tulong ng gobyerno.

Sa piling ng manaram kung saan pakiramdam ni angelica mas tunay syang maaalagaan,walang ina ang mag bubuwis ng buhay,habang nagbibigay buhay ang mapa doktor,mudwife,manaram lahat tayo gusto iligtas ang buhay ng ina at sanggol.

Magkaiba man sa paniniwala,magkakampi tayo sa iisang panata.Makalipas ang usang linggo pilit na pinaanak si donnabelle ni nanay luisa pero nagkaroon ito ng komplikasyon kaya nag desisyon ang manaram na dalhin si donnabelle sa health center at makalipas ang ilang oras ligtas na naisilang ang isang malusog na sanggol.

Walang maling layunin na isulong ng gobyerno ang panganganak sa ospital pero lahat ng layunin dapat may ka akibat na solusyon.

Paano sila pipiliting bumaba sa bayan kung wala naman malapit na ospital o ligtas na madadaanan.

Paano mo sila pagbabawalang pumunta sa manaram kung wala naman silang ibang malalapitan.

1
$ 0.00
Avatar for Mike305
4 years ago

Comments