LSI

0 23
Avatar for Mike305
4 years ago


Sa unang tingin madaling isiping pulubi o batang lansangan si ibrahim pero ang totoo high school graduate ang binata at mag tutuloy na sana ng kolehiyo kung hindi sya natukso ng maynila.
Baong sampung libong peso mula kotabato lumipad pa puntang maynila,pebrero ng dumating sya sa maynila at nakahanap naman agad sya ng trabaho ang di nya alam may pandemya palang darating.
Gamit ang natitirang pera bumili ng ticket si ibrahim pauwi ng probinsya ang problema ilang beses na kansela ang biyahe dahil sa lockdown hindi na rin sya makabalik sa dati nyang tinirhan dahil umalis sya sa bahay hindi pa lockdown tapos babalik sya lockdown na di na sya pinabalik at na exposed na rin sya sa labas kaya natakot ang may ari ng bahay na patuluyin sya ulit at napadpad sya kung saan saan.
Isa lamang si ibrahim sa mahigit limampung Lsi o local stranded individual na nakatira sa labas ng libingan ng mga bayani kung saan  matatagpuan ang isa sa mga isolation facility ng gobyerno  hindi na sila pinayagan makapasok sa loob  ng pasilidad puno na raw kasi ito,kaya sa kalsada nalang sila naninirahan umaasang mapapansin ng pamahalaan.
Dahil sa pandemya ng covid19 walang ibang hangad ang mga libo libong pilipino tulad ni ibrahim kundi makauwi sa kanikanilang mga probinsya.Nangako ang gobyerno na tutulung sila sa pag papauwi sa pamamagitan ng kanilang hatid tulong program pero di nila kinaya ang dagsa ng tao.
Nagtayo ng quarantine at isolation facility ang gobyerno para sa mga lsi pero hindi ito sapat sa dami ng gustong makauwi kaya may mga napilitan nalang manirahan sa kalsada.
Mag iisang buwan na sa labas ng mga bayani ang 60 years old na si flora palaba ang tumatayong na naynanayan ng grupo dating negosyante ng damit hindi inakala ni nanay flora na sa kalsada nalang sya mauuwi.tulad nila ibrahim at nanay flora umasa rin si mary grace sa pangako ng gobyerno  na libring biyahe pauwi ng probinsya mas swerte si mary grace dahil nakapasok agad sya sa isolation facility sa ccp complex ang problema palaging nakakansela ang biyahe patungong dumaguete kaya inabutan na sya ng kabuwanan sa isolation facility.
Ito ung quarantine facilities dito sa ccp complex kung saan currently mayroon silang134 LSI nagpagawa rin ang gobyerno ng 120 units na ganito ang itsura,bawat isang pamilya ilalagay nila sa ganitong unit saloob mayron sariling banyo paliguan at toilet tapos may aircon at regular silang hinahatiran ng pagkain at tapos kung mayroon silang pangangailangan na medical binibigyan din sila ng tulong at tsaka sa kanilang personal protected equipment.
Ayon sa hatid tulong program gustuhin man nilang maihatid lahat ng lsi hindi pa raw handa ang karamihang probinsya na tumanggap ng mga galing maynila kaya walang magawa ang mga tulad ni mary grace kundi ang maghintay.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan at si ibrahim at nanay flora at ang kanilang barong barong na tulda sa gilid ng kalsada.
Dinala si yousef buenavedis sa lugar ni nanay flora sa labas ng libingan ng mga bayani na sya rin ang incharge sa mga nagpapauwi.nangako si mr.buenavedis na tutulungan nya sila nanay flora at ibrahim,sana nga totoo ang kanyang pangako!
Kinabukasan may dalawang barko ang Philippine coastguard at ang bfar na maglalayag patungong  mindanao isasakay dito ang limandaang LSI  na ilang buwan ng nag iintay upang makabalik na ng probinsya sakay ng mga military track animoy mga refuge o biktima ng giyera sa sakuna ang kanilang itsura  pagod na pagod gusto nalang makauwi,ilang buwan nilang hinintay ang araw na ito at araw na makakatakas na sila sa syudad na minsan nilang pinangarap at inasam tatlong araw maglalayag ang barko bago sila makarating sa kanilang destinasyon.Binalikan ang kalsada sa labas ng libingan ng mga bayani at nalungkot ng makita na naroon pa rin ang mga tulda pero ng silipin sila sa loob nag iimpake na sila kasi pwede na daw silang makauwi sa kanilang mga probinsya sabi ng incharge na nagpapauwi na si yousef lingid sa kaalaman kasama pala na sasakay ng barko ang mga kasamahan ni nanay flora tinupad nga ni yousef buenavides ang kanyang pangako,ng mga oras na yun kasalukuyan na palang nililinis ang mga isolation facility sa ccp  hinahanda para sa mga bagong bisita ang grupo ni ibrahim at nanay flora sa labas ng libingan ng mga bayani dalidaling nag impake ang grupo mula ngayon dina sila matutulog sa malamig na simento hindi mapigilan ang iba na maiyak sa loob kasi ng isang buwan naging pamilya na ang turing nila sa isat isa.
Pagdating ng alas singko ng hapon sinundo na sila ng sasakyan ng gobyerno patungo sa bago nilang tirahan bawat isa sa kanila binigyan ng kanya kanyang kwarto,magkakahiwalay mas komportable at mas ligtas kompara sa dati nilang tahanan sa gilid ng kalsada.
Nagtungo sila sa maynila bitbit ang kanilang mga pangarap, pangarap na trabaho pera at pagbabago i angat ang buhay sa kahirapan kahit pa iwang ang pamilyang pinanggalingan  pero binago ng pandemya ang lahat ng ito hindi matiyak kung kailang sila lahat makakauwi o kung may mauuwian pa silang buhay sa nilisang probinsya.pero sa panahon kung kailan kalusugan ang nakataya tahanan at pamilya ang pinakamahalaga,mga ilang araw ay nakauwi na rin sa wakas si ibrahim sa cotabato.
Hindi man nakamit ang inaasam na buhay  sa maynila sana sa kanyang pag uwi ang magsilbing bagong simula ng kanyang mga pangarap.
Kamakailan nakauwi na rin sa misamiz si nanay flora,noong august 26 naman nakabalik na si mary grace sa dumaguete at nakatakdang manganak sa September 7.

1
$ 0.11
$ 0.11 from @TheRandomRewarder
Avatar for Mike305
4 years ago

Comments