Kung Ang trip Ng marami ay kalmadong dagat Ang Ilan Naman mas gusto Yung maalon mas ma drama Ang event katulad Ng nasa "Cortes surigao del sur.
Ang laswitan Lagoon ay matatagpuan sa Cortes surigao del sur,pero bago mo marating Ang laswitan ay kinakailangan mong bumiyahe Ng mahigit 3 kilometro.Ang daan ay maputik patungo sa lagoon kaya Ang mga dumarayo Ang ginagamit nilang transportasyon ay Ang habal habal para madaling makatawid sa maputik na daan.
Pagkatapos Ng 45 minutos na paglalakbay bubungad Ang lagusan papunta sa lagoon.Kailangang baba Ng hagdan na may 💯 baitang na hahakbangin.Ang Intrance fee ay P20.00 lang.
Ang Laswitan lagoon ay Hindi muna kailangan Ng maaraw para mag enjoy,Ito Rin Ang pinakaiingatan na Likas na yaman Ng Cortes,katunayan mas may thrill kapag medyo nag susungit Ang panahon.
Ang mga turista ay laging nakaabang sa mga naglalakihang Alon na para bang iniluluwa Ng mga limestone sa sobrang taas Ng Alon na nagmistulang water falls.
Ang taas Ng limestone ay humigit kumulang 30-40 feet at Ang taas Ng tubig kapag masama Ang panahon ay umaabot sa 60feet Ang taas lagpas limestone.
Ang Laswitan lagoon ay NASA parte Ng pacific ocean na Ang hanging salita ay " Laswit" na Ang ibig sabihin ay malakas Ang talsik Ng tubig.
Ayon sa mga kwento na Ang mga heganting bato Ng Laswitan lagoon ay nagsisilbing taguan Ng mga pilipino noong panahon Ng mga hapon.Bago pa madiskubre Ng mga biyahero ang lugar ay na pa ka simple lang ginagawa lang itong itong tambayan noon at piknikan lang noong araw.