Ibahin nyo raw Ang mga pasyalan sa lalawigan Ng Abra makapigil hininga sa sobrang ganda nito.
Hello,Akoy muling nagbabalik para maghatid ulit Ng mga lugar na pwede puntahan na Hindi nyo kailangang manghinayang sa pera na inyong binitawang Tara na!samahan nyo muli ako patungo sa malaparaisong lugar na kamangha mangha.
Ito Ang perpektong talon na puntahan Kung kailan maulan para itong hagdan palayan na kinurba Ng kalikasan.ito ay Ang kaparkan falls.
Malinaw at malamig Ang tubig at pwede pa daw itong inumin dahil sa sobrang linaw nito.
Ang malamig na tubig Mula sa bukal ay nanggagaling sa taas Ng bundok na dumadaloy sa mga puting bato na niyayakap Ng mga ugat Ng puno Ng balete at tinatayang daang taon na Ang ganda.Ito Ang ipinagmamalaki Ng kaparkan sa Abra Ang "Kaparkan falls o kaparkan spring terraces.
May taas itong 175 metro at lawak na 30metro habang pababa Ng pababa mistula na man itong pataas Ang level Ng tubig sa mga water basin.
Pero bago ka muna makarating kailangan mo makipag ugnayan sa tourism office.
Mabago at maputik Ang daan Maya kailangan lagyan Ng bakal ang mga gulong Ng sasakyan para makatawid ka papunta sa kaparkan falls.
Pagdating sa sitio kaparkan 30minutos pa Ang kailangang lakarin para marating Ang lugar pero lahat Naman Ng pagod ay sulit pag iyong nasilayan Ang lugar.
Hanggang 3-4 na oras lang pwede maligo sa talon para di na daw abutin Ng dilim sa daan kalimitang ginagawa Ang pag tatravel sa tag araw,pero Ang mga pasyalan sa Abra tuwing tag Ulan Ito ginagawa Lalo pa raw itong umaariba sa Ganda Ng lugar pag tag Ulan.