Bago ito winasak ng digmaan ang bayan ng marawi ang isa sa pinakamagandang syudad sa mindanao,bawat sinulid sa kanyang makulay na kultura ay hinabi sa loob ng mahabang panahon,kulturang pilit na binubuhay mula sa abo ng kahapon.
Bago pa dumating ang mga kastila may mayaman ng sibilisasyon ang bayan ng maranao isa sila sa pinaka magaling sa larangan ng pag hahabi para sa atin marahil parang pangkaraniwang tila lamang ito. Pero ang totoo mahigit isang buwan hinabi ito Ng mga kababaihan ng marawi, at itong landap na ito ay simbolo ng kanilang pagkatao simbolo ng kanilang lahi.
Si kalina basmana ng baranggay una marantao ang unang pinakamatandang manghahabi sa edad na pitumput pito nasa kanyang mga kamay ang sinulid ng nakaraan. Oker ang tawag sa ginagawa ni kalima isa sa pinakamahirap at pinaka komplikadong paraan ng paghahabi depende sa desinyo aabot sa P3000-5000 pesos ang halaga ng isang malong na may oker at burda.
Sa tradisyon ng mga maranao pinapasa lamang sa pinakamatandang anak na babae ang kaalamang ito.dahil panganay na babae lamang ang nagmamana ng kanilang tradisyon napakahalaga ng papel ng mga babae sa kultura ng maranao.
Landap o oker ang ginagawa ng mga kababaihan sa maranao ang hinahabi,ang espesyal dito sa pag hahabi may mga kahulugan sa bawat isa sa mga pattern,ung kulay dilaw ang simbolo nito ay loyalty, ang puti ay ibig sabihin pagkakaisa at ang pinaka akma sa lahat na ipinag darasal ng mga taga marawi ay ang kulay berde na ang ibig sabihin ay kapayapaan.
Ang problema sa pagdaan ng panahon unti unting pinatay ang gobernisasyon ang unang kultura at ng dumating ang giyera lalo silang naubusan ng pag asa.May 23,2017 naging bangungot ang panaginip na abo ang kanilang mga pinaghihirapan ninakaw ang pinakaiingatang kapayapaan,makalipas ang halos dalawang taon matagal nang tapos ang giyera payapa na raw ang siyudad pero karamihan sa mga residente ng marawi pinagbabawalan pa rin makauwi.
Pagdating sa baranggay taguduban makikita ang isang mosque, tapos na ang digmaan pero hindi pa tapos ang pagluluksa,kung ang tahanan ni allah nilapastangan paano pa kaya ang sarili nilang tahanan?
Higit sa mga gusali at ari arian mas malalim ang ninakaw sa kanila ng digmaan,nakaligtas man sa gulo hindi rin sila nakaligtas sa pagyurak ng kanilang pagkatao dahil nasira ang mga eskwelahan sa marawi napilitan ang iba na mag aral sa ibang lugar.
Likas na madasalin ang mga maranao kaya ganun nalang ang pagpapahalaga sa kanilang mga mosque tadtad man ng bala at bomba pilit nilang binuhay sa isipan ang dating ganda ng mosque.
Ang isa sa pinakamaganda at pinakama kasaysayan sa mindanao nawasak sa loob ng limang buwang bakbakan,ang alaala ng marangyang tahanan ng mga maranao ay sadyang alaala nalang,bakas sa mga dingding ang sidhi ng bakbakan sa marawi,nakatayo sa burol ang maliit na mosque na makikita naman ang lawak ng pinsala ng buong paligid nito.
Kung pwede lang daw mabuhay sa alaala matagal na daw ginawa ng mga taga marawi pero ang mapait na katutuhanan winasak na ng dahas ang bukas ng nakaraan ,kung gaano man kasakit ang dinanas nila ng giyera pilit na bumabangon ang mga maranao para sa kanilang pamilya at ang kultura ng paghahabi na minsan naging simbolo ng kanilang dignidad pilit na binubuhay ng susunod na hinirasyon.Nang matapos ang giyera nagtipon tipon ang mga babae maghahabi para bumuo ng isang grupo na layuning ipalaganap ang kultura ng paghahabi sa marawi at ipakilala ito sa buong mundo.
Pero higit sa pagbibigay ng kabuhay ang mga babae sa maranao mas malaking ambag ang paghahabi ay ang kakayahan nitong iangat ang dignidad ng kanilang lahi at kahit papano nakakatulong sa paghilom ng nakaraan.
At kung dati sa mga panganay na anak lang ipinapasa ang tradisyon ngayon ipinapasa na ito sa mga gustong matuto.
Umaasa ang kababaihan ng marawi nasa tulong ng sinaunang tradisyon makapaghahabi silang muli ng kanilang pangarap.
Winasak man ng digmaan ang kanilang tahanan hindi mawawasak ang tibay ng damdamin ng mga taga marawi ,ang mayamang kultura na hinabi ng mahabang panahon patuloy na nabubuhay sa puso ng bawat maranao kung nais nating tunay na bumagon ang marawi hindi lang sa pagpapatayo ng gusali ang sulosyon kundi pagtatagoyud ng mga sinaunang tradisyon.Hindi lang pagpapatigil sa karahasan kundi respito sa relihiyon,kultura at kasaysayan dahil kailangan mong matuto sa nakaraan at pahalagahan ang iyong kinagisnan para maka sulong sa iyong kinabukasan.