God's Little Paradise

0 22
Avatar for Mike305
3 years ago

Kahit pa nababalutan Ng misteryo bastat may naghihintay na paraiso pupuntahan Ito.Katulad Ng probinsya Ng Ito na may mga kwento man Ng hiwaga Hindi maikakaila Ang ganda nito.

Tara na!at samahan ninyo akong maglakbay patungo sa Bohol.

Binansagang "God's Little Paradise"Ang probinsyang Ito dahil sa mga mala paraisong lugar na pwedeng puntahan Ng nakararami.

Nahihiwagaan na ba kayo Kung saan Ito?

Itoy matatagpuan sa probinsya Ng Bohol,sigurado marami na Ang nakarating dito,pero Kung akala nyo na kabisadong kabisado nyo na Ang lahat na mapapasyalan rito Tara samahan nyo ako.

Dalawang(2)oras simula tagbilaran bago marating Ang bayan Ng "Anda Bohol"na Isa sa pinaka magandang beach sa Bohol Ang "Quinale Beach"Ito ay may dalawang(2)kilometro ang haba nito pero Ang buhangin ay pinung pink at puting puti.

Sagana Ang bayan Ng "Anda" sa mga "cave pool"humigit kumulang sampung kweba mayroon ang bayan Ng Anda pero tatlo(3)lang Ang bukas para sa mga turista!Ang mga kwebang Ito ay,Cateres cave,combento cave at cabagnow cave.

Pero Ang mas madalas puntahan Ng mga turista ay Ang cabagnow cave,bago marating Ang lugar ay kinakailangan mong sumakay Ng habal habal Mula sa poblacion sa halagang P30.00.

Kung tingnan sa malayo akala mo may hukay lang sa lupa pero wag nagpadala sa nakikita lang Ng mata Lalo pat Ang tunay nitong ganda ay matutunghayan sa malapitan.May halo itong tubig tabang na Mula sa bundok at alat Mula sa dagat.

Kapag maganda Ang panahon di umano kumikislap Ang tubig sa sobrang linaw,may lalim itong 10-18 depende Kung high tide o low tide Ang dagat at 20-25 Ang taas Naman Ang lulundagan Mula sa bukana Ng kweba mayroon hagdan pabalik para makatulong ka Ng paulit ulit.

At Ito Naman Ang combento cave na mala crystal Ang tubig.

At Ito Naman po Ang Cateres cave Anda Bohol.

Sana magustuhan nyo mga kà readcash Ang artikulong Ito maraming salamat.

3
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Avatar for Mike305
3 years ago

Comments