Ito lang ang kayang isulat ni petra lukingan sa edad na 90 si lola petra ang pinakamatandang preso sa womens correctional,ang kanyang kaso pulsification of public ducuments.
Hindi marunong sumulat at bumasa si lola petra tinuruan lang daw sya tuwing sasapit ang election sa pagsulat ng kanyang pangalan.
Mahina sakitin halos di na makalakad dahil sa sobrang katandaan pero kailangan nyang magtiis sa masikip at mainit na piitan,si lola petra isa lamang sa mga preso na ating makikilala sa pamumuhay sa loob ng womens correctional .
Mahigit isang daang preso sa dorm 12 womens correctional diti nakakulong ang mga matatanda maysakit na bilanggo.dahil sa dami ng bilanggo minsan daw kailangang paghatian ng dalawa ang isang kama tatlong taon na dito si lola petra mismong kamag anak ng matanda ang nag demanda sa kanya, away sa lupa ang pinagmulan ng kaso pero ang pinakamasakit para kay lola isa sa mga testigo ang kanyang pinakamamahal na apo.nakakaawa ang matanda dahil pinapirma sya ng isang dokumento na hindi nya kayang basahin ang nilalaman nito kundi ang sarili lang nyang pangalan ang alam nitong basahin.
Ayon sa patakaran ng board of pardon saint parol kapag umabot na sa 80 taong gulang maari na na syang isama sa listahan ng posibleng mabigyan ng pansamantalang kalayaan pero sa kaso ni lola tumutol sa parol ang kanyang mga complainant kaya hindi nakalaya ang matanda.
Nagmamakaawa ang matanda mapalaya sa sya dahil nahihirapan na sya sa loob ng correctional at dahil marami na din syang nararamdaman lalo na ang kanyang likod.
5 o clock ng umaga ang buhay ng mga babae sa correctional ng sisimula sa pagdarasal.
Si lola rose naman ay maypilay sa likod kaya inaalalayan na lang sya sa pagtayo at tunong zamboanga si mary rose mendoza at isa sya sa pinakamahinang preso sa dorm 12.
67 taong gulang lang si lola rose pero hindi na sya makalakad at makakita ng malinaw malumanay ang kanyang boses at maganda ang kanyang mga mata pero tila ba blanko ang kanyang tingin.Labing isang taon ng nakakulong si lola rose ang kaso illegal recruitment ang parusa reclotion perpetua o habang buhay na pagkakakulong,Kwento nya isa syang singer sa japan,hindi makakalimutan ni supt.fanny manduque ang unang araw na dumating sa correctional si lola rose masayahin daw ito at mahilig umawit,mga ilan taon sya sa pagkakakulong nag simula ng lumabo ang mga mata nito at ng hina na at minsan na rin na operahan sa mata ang matandang si lola rose at luminaw naman ang paningin nya at pagkatapos nag kasakit na ito at hindi nasundan pa kaya unti unti na itong lumalabo.
Dw numero ang gawain sa kulungan may oras para sa dasal,pag igib, pagkain,pinapayagan ang mga preso gumala sa loob ng maximum security compound,pero si lola rose halos 24 oras sa kanyang kama sa loob ng maraming taon ang madilim na sulok ang kanyang mundo ang pinaka masakit sa lahat sa mahigit sampung taong pagkakakulong ni minsan hindi sya binisita ng kanyang kamag anak ito ang dahilang kung bakit pumayag ang womens correctional na ipakita ang mukha ni lola sa tabloid sa pag asa na may kamag anak na makakakilala sa kanya.
Mahirap mabuhay sa kulungan lalong mahirap kung ang preso ay matanda at walang nag aalaga.
Tubong kalinga si lola petra kaya minsan sa isang taon lang sya bisitahin ng kanyang mga kaanak dahil walang pamilya ang kapwa preso nya sa dorm 12 ang nagkukusang mag alaga kay lola.
Madalas syang nakatingin sa malayo naghihintay na makauwi sa yakap ng kanyang mga anak at apo,araw araw syang bigo sa paghihintay pero iba ang araw na ito.unang beses nakaita simula ng nakulong sya binisita sya ng kanyang kamag anak at apo sa piling ng kanyang mga apo sandaling lumaya sa lungkot ang matanda.
Dahil wala syang pamilya nagkusa ang isang preso sa dorm 12 na alagaan ang matanda halos tatlong taon ng inaalagaan ni liberty si lola rose.linggo linggo naman nag aambag ng peso ang mga preso para kay lola rose pambili ng alcohol at iba pang mga pangangailangan ng matanda.ang kalinga na hindi maalagaan ng sariling kadugo kapwa preso nalang ang pumupuno.
Alas 7 ng umaga inilalabas ng selda ang mga matatanda sa labas ng dorm 12 para mag pa araw,mayroon anak si lola rose na ang pangalan nito ay si loue, sampung taon na itong hindi nakikita simula ng makulong sya at umaasa na dadalawin sya nito.
Sa record section hinanap ang record sa huling bumisita kay lola rose at may nakita nmang address dito at sinubukang hanapin ito ngunit bigo naman ang pag hahanap dito dahil ng pinuntahan ang address ng nakalagay sa record section ay hindi naman nagbukas ng pinto ang may ari ng bahay nito.
Pagbalik ng correctional may ginagawang medical mission ang public attornys office,limang peso kada araw ang budget ng gobyerno para sa gamot ng kada isang preso kulang na kulang ito kaya sa mga ganitong medical mission na lamang umaasa ang mga bilanggo.
Ayon sa doctor simpleng arteritis lamang ang sakit ni lola rose pero dahil hindi ito naagapan i pa therapy habang buhay na hindi makakalakad si lola rose.
Sunod naman na pina suri si lola petra diabetis ang pangunahing sakit ng matanda ito ang dahilang kung bakit mahina na ang kanyang paningin at bakit hindi gumagaling ang kanyang mga sugat, pagkatapos suriin si lola petra dumaan muna ito sa kapilya ng correctional at nagdasal,pero sa oras ng pagkasakit at pagkabigo sa kanya lang sila humuhugot ng lakas noong araw ding iyon may libreng tawag station na itinayo ang womens correctional,every monday,friday and saturday may ibinibigay na special service ang correctional para sa mga preso,binibigyan ng chance ang mga inmates na matawagan ang mga kaanak o mga mahal sa buhay.
Nang makuha ang number ng apo ni lola petra tinawagan ito at umaasa na sumagot ito at nakausap nga ito at nagmamakaawa ang matanda na makalabas na ito, at ng hingi ng sorry ang matanda sa apo at ng makausap ulit ang apo umiiyak ang apo nito at sinabi na hindi naman daw sya ang nagpakulong sa kanya.Sa unang pagkakataon mula ng makulong si lola petra nakausap nyang muli ang pinakamamahal nyang apo ipinaliwanag ng apo na hindi nya kagustuhan ang nangyari kay lola petra at tulad ng matanda dito lang rin sya ng pagkakataon.
Sa mga sandaling iyon di man napalaya sa pihitan si lola petra kahit papanoy napalaya sya sa lungkot at sama ng loob.Habang ginamot ni lola petra ang sugat ng pangungulila na natili sa kanyang kama si lola rose mag isa bigo man mahanap ang nag iisa nyang anak pero sabi nga nila pag nagsara ng pinto ang tadhana may nagbubukas na bintana alam natin na napupunuan ang pangungulila ng matanda dahil sa kapwa nya preso sa dorm 12 dahil sa pagtutulungan nito at sa biyaya ng malasakit napapalaya nila ang isat isa.ang dorm 12 ang pinakamahirap na kulungan dahil doon naipon ang mga walang dalaw at matatanda at walang bumibisitang pamilya at walang makain na maayos pero dahil sa pagbibigayan at pagmamalasakit sa isat isa sila ang pinakamayaman na dorm.
At sana mapulutan ito ng aral sa mga makakabasa na may mga magulang na malayo at may mga bigat sa kanilang mga puso na dinadala nila at mapatawad ang mga ito.
0
38