Sa bawat buhay na dumadaan sa ating panahon,sa bawat araw na dinaranas natin,sa bawat oras,minuto o Segundo na tinatamasa natin,Hindi natin maiwasan na Hindi Tayo nakasalamuha Ng taong mapagpanggap,manloloko, tsismosa o tsismoso sa ating buhay.
Saan pwede tayong pumunta na Wala tayong maririnig,makikita o makakasalamuhang mga diskriminasyon.
Sa bawat pag gising sa umaga Wala Kang maririnig o makikita na magandang bulungan o tinginan na may mga kajulugan sa ating mga kapitbahay kundi Ang tadtarin sa libak Ang sinumang Makita sa daan mahirap mamuhay sa mundo na may mga taong Makati Ang sila sa ating paligid.
Mga diskriminasyon na walang makakapantay,diskriminasyon walang kamatayan Lalo na Kung ikaw ay isang estranghero.Bakit pag dating sa bansa natin buong pusong tinatanggap natin Ang mga dayuhan sa ating bansa.Bakit pag tayo Ang mga dayuhan sa bansa nila ay hirap Tayo pakibagayan nila.Hindi pantay Ang tingin Ng bawat Tao sa isat Isa,lahat Naman Tayo ay mga dayuhan o estranghero sa mundo na ating ginagalawan.
Ano ba Ang papel o halaga mo bilang isang Tao sa mundong Ito!Bakit nakakaranas Tayo Ng mga diskriminasyon sa ibang Tao.
Ang hirap Ng buhay na may mga Tao tayong kailangang iwasan,mga taong Hindi karapatdapat na pagkatiwalaan,mga taong Hindi marunong makuntento sa iyong pinagpaguran,mga taong walang ginawa kundi Ang magreklamo at e diskriminasyon Ang iyong mga ginawa,kailangan bang danasin natin Ang ganitong sitwasyon?
Ang determinasyon mong matupad Ang iyong mga minimithi upang makamit Ang tagumpay na hinahangad ay bumabagal Ang pag usad dahil mawawala ka Ng pag asa o nahihiya Kang ipakita dahil sa naranasang diskriminasyon at nawawalan ka Ng kompyansa sa sarili dahil sa sinasabi nila.
Dapat po bang pakinggan Ang sinasabi nila?
Ang hirap maglakad Kung Ang daan ay puno Ng tinik,hirap maglayag sa karagatan Kung Ang iyong bangka ay di sapat para sumulong sa hanging habagat,ganyan din Ang buhay napakahirap makisama o mamuhay Ng Payapa.
Hindi lang buhay Ng Tao Ang nakakaranas Ng ganito kahit obligasyon Ng bawat Isa o mga gawain,ano Mang gawain na iyong matapos Ng maayos ay di parin sapat na nagawa mo Ito sa tamang oras, bagkus ay uulitin pa din gawin iyon Kasi minadali mo Ang iyong ginawa Hindi maintindihan Ang mga ganung klasing Tao.Maraming katanungan na walang sapat na kasagutan,kasagutan upang malaman Ang kulang Kung bakit may mga taong di marunong tumanggap Ng katutuhanan o Mali.
Nakakapagod man minsan Ang mamuhay Ng ganito pero kailangan nating lumaban sa mga pagsubok o suliranin na ating nararanasan,ipagpatuloy Ang buhay na walang inaapakan,pantay na karapatan, pantay na pamumuhay,pantay Ng pagtingin sa bawat Isa Ang ating kailangan.
Wag magtakda Ng oras o panahon sa mga taong negatibo sa buhay,maglaan ka Ng oras sa iyong pamilya at sa iyong sarili,isulong Ang buhay na kompyansa at ipakita sa iba Kung gaano ka mahalaga sa iba na may tiwala saiyo.ipakita na Hindi ka karapat dapat sa diskriminasyon na ibinabato sa iyo.Hindi diskriminasyon Ang pwedeng sumira sa iyo para abutin Ang mga minimithi o hinahangad sa buhay.
Maraming salamat!!!!!!!!!