Natatandaan ko pa noong una akong makaharap sa isang mabangis na buwaya,natatandaan ko oa ang magkahalong takot at pamamangha sa nilalang na ito,ito ang nagdala sa akin para libutin ang ibat ibang probinsya ng palawan,isabella,davao at agusan sa paghahanap sa mailap at mabangis na buwaya.
Pero ano nga ba ang kilos àt gawi ng isang buwaya!totoo nga na halimaw at kalaban ng tao o tulad lang ng nilalang sa mundo na natatakot at nasasaktan at naghahanap lang ng tahimik at payapa na tahanan.
Sa sukat na walong libong ektarya sa surigao matatagpuan ang pulutong na malawak na bakawan sa buong pilipinas dito rin naninirahan ang uri ng buwaya na sinasabing pinakamalaki sa mundo ang crocodylus phorosis o salt water crocodile,mailap at bihirang magpakita ang mga buwaya ng surigao, pero noong 2016 natagpuan ng mga mangingisda ang isang patay na buwaya sa bakawan,ang haba nito 14 feet o labing apat na talampakan.Mula noong ilang beses ng lumapit at nagpakita sa kumunidad ang mga buwaya pero di tulad ng ibang kumunidad na takot agad ang nananaig batid ng mga mangingisda ng surigao na ang buwaya ay may karapatan din sa ating tahanan.
May daming uri ng buwaya na matatagpuan sa pilipinas ang crocodilus mindurensis o Philippine crocodile sa buong mundo tanging sa pilipinas lang matatagpuan ang crocodilus mindurensis.Sa bayan ng pilar sa isla ng surigao matatagpuan ang Philippine crocodile pero para makita mo ang buwayang ito kailangan sa kadiliman ng gabi na isagawa ang iyong paghahanap.Bangkang di sagwan ang gamit namin ng gabing iyon,babubulabog daw kasi ng bangkang di makinang di motor,tahimik ang buong lawa halos wala kang marinig maliban nalang sa paminsan minsang pagtalon ng isda sa tubig at mga kaluskus sa talahiban.
Malalim ang gabi tanging sinag ng buwan at ilaw lang ng aming mga flashlight ang aming makikita sa mga ganitong tahimik na gabi ang pinakamataas na posibilidad na makakita ng mailap na philippine crocodile.
Dahil mata lang ng buwaya ang nakalitaw sa tubig mahirap itong matantsa kung gaano ito kalaki ang crocodilus mindurensis ang aming nakita,pero isang bagay ang kapansin pansin tila hindi agresibo ang buwaya na aming nakita sa malapitan kusa pa itong umalis ng masyado na kaming malapit, nagpatuloy kaming nagiikot sa lawa,at maya maya pa may nakita nanaman kaming isa pang buwaya mas maliit pa ito kumpara sa una naming nakita at tulad ng nauna hindi rin agresibo ang buwaya, ito ang dahilan kung bakit hindi takot sa buwaya ang ibang mangingisdasa bahagi ito ng surigao.
Ayon sa mga sayantipiko bagamat may kakayahang mangagat ay makapatay ng tao ang mga buwaya hindi likas sa kanila ang kumain ng tao at karaniwang isang beses isang araw lang sila kumain pagbusog na hindi na sila mang aatake maliban kung silay natatakot o nasasaktan