Cobra Hunters

0 37
Avatar for Mike305
4 years ago


Ang tahanan ng tao ay tahanan din ng hayop.
Dahil dito matagal ng may tunggalian ang dalawang nilalang,sa malalawak na palayan at tubuhan sa don carlos bukidnon araw araw ang patayan,dito kasi naninirahan ang isang uri ng ahas na pinaniniwalaang may matinding kamandag, pero hindi tao kundi ahas ang namamatay sa tunggaliang ito.
Sampung taong nanghuhuli ng cobra ang grupo ni daniel di tunay nyang pangalan,peste kung ituring ng mga magsasaka ang mga ahas sa palayan.
Nagsimulang naghukay sila daniel hinukay ang mga butas sa gilid ng pilapil di alintana ang mga panganib na posibleng may gumagapang na ahas sa damuhan kung dati ahas ang pumapasok sa tahanan ng tao ngayon tao na ang pilit na nanghihimasok ayon sa mga cobra hunters bukod sa venum o kamandag nakukuha sa tuklaw ng ahas,may katangian din daw ang naturang cobra na dumura ng kamandag,marami na daw silang nakitang mga tao at malalaking hayop na naparalisa o namatay sa tuklaw ng naturang ahas.
Ang habitat ng naturang cobra ay mga dump places ay madidilim,malalamig at malapit sa sapa o tilapia ang kinakain nila ay ang maliit na palaka o mga daga,dating magsasaka sa sub urban ang grupi ni daniel matagal na silang nanghuhuli ng cobra,nagpatuloy ang grupo sa paghuhukay sinuyod ang buong palayan ultimo maliliit at batang cobra hindi nakaligtas sa kanilang panghuhuli,sa puntong iyon naging malinaw sa akin na hindi na natatakot sa tuklaw o galit sa ahas ang naguudyok sa mga lalaking ito kundi ang pangako ng pera,sa loob ng tatlong oras pitong cobra ang nakuha ng grupo.
Agad itong dinala sa kabayanan para ibenta sa tahanan ng isang lalaki na kilala sa bansag na jhun cobra nakakalat lang sa loob ng kanilang bahay ang mga sako na naglalaman ng mga cobra,sampu ang laman ng bawat saku,anak ng magsasaka si mang jhun kayat hindi na bago para sa kanya ang makakita ng cobra,sa malapitan namangha ako sa tingkad ng balat ng naturang cobra sa buong mundo sa pilipinas lamang matatagpuan ang ganitong klasi ng ahas partikular sa bisayas at mindanao.
Mabangis at nakakatakot sa unang tingin ang cobra pero kalaunan napansin kung hindi naman pala agad umaatake ang mga hayop na ito,maliban na lang kung silay biglang lalapitan at sasaktan Kabisado ni jhun cobra kung saan matatagpuan ang kamandag ng ahas pero hindi daw kamandag ang habol nya rito kundi ang kanilang dugo,sa puntong iyon napansin kung madami ang mga taong nagkumpulan sa bahay ni mang jhun cobra nandito sila hindi maki isyuso kundi para uminom ng dugo.
Si jhun muklo ay isang manggagamot sa davao del sur na gumagamit ng dugo ng ahas sa kanyang mga pasyente,dati taga kolekta  lang ng ahas si mang jhun cobra pero ngayon sya na mismo ang nanggagamot ayon kay jhun cobra sa pamamagitan ng hole ay maipapasa raw sa cobra ang mga sintomas ng sakit ng isang pasyente, matapos haplusin ng tatlong beses ang cobra pinatulo naman ang dugo nito sa isang baso at ng maubos na ang dugo binalatan ng bawat isa para makita ang laman loob.
Diabetes,arthritis,plema,at sakit sa katawan ibat iba man ang sakit isa lang daw ang gamot"dugo ng cobra"kaya ng oras na para inumin ang dugo ng cobra bata man o matanda walang pagaatubiling inubos ang dugo na hinaluan ng apdo pati mga musmos na bata hindi nakaligtas sa kakaibang paniniwala.
Pero ayon sa mga sayantipiko wala pang pagaaral na makakapagpatunay na nakakagaling ang dugo ng ahas katunayan imbes na makagaling baka raw delikado pa ito sa tao.Pero ilang beses pang magbabala ang mga doktor at sayantipiko ukol sa pag inom ng dugo ng ahas tuloy parin ang ilan sa pagpunta sa bahay ni mang jhun cobra tulad nalang ni mang diosdado trihano na halos linggo linggo nagpapagamot.
Pati mga tauhan ni diosdado hinikayat na rin na uminom ng dugo ng cobra.300 to 500 pesos ang bayad sa kada ahas na kakatayin linggo linggo mahigit dalawampung pasyente ang nagpapagamot sa kanya kaya ganun nalang karami ang hinuhuli nilang cobra sa palayan.Ahas na marahil ang pinakakatakutang hayop sa buong mundo,mabangis,makamandag,masama ganito palagi ilarawan ang ahas pero taliwas sa mga nakasanayang paniniwala hindi umaatake ng kusa ang ahas sa halip sila nga ang kalmado,tahimik at madaling matakot sa tao.
Bukod sa pa doon dumudura din ng kamandag ang ahas na ito para hindi makalapit sa kanya ang tao ang kamandag ng cobra ang dahilan kung bakit sila kinakatakutan at kinakamuhian,pero ayon sa mga sayantipiko marami sa mga ahas na matatagpuan sa pilipinas na wala naman kamandag.
Tulad ng ibang mga cobra sa pilipinas kabilang ang mga nahasamarinsis na mga nanganganib ng maubos dahil sa pagkasira ng kanilang tahanan at sobrang panghuhuli sa ilalim ng animal welfare act wildlife resources conservation and protection act ipinagbabawal ang panghuhuli,pagbebenta at pagpatay ng wildlife animals tulad ng ahas pero sa kabila nito tuloy pa rin sila daniel at jhun cobra sa panghuhuli at pagpatay ng mga ito.Nang matapos ang panggagamot nanghinayang ako sa dami ng patay na ahas na naiwan sa gilid.Gaano man katindi ang kamandag walang kalaban laban ang cobra sa kamay ng mga taong ito,mapapaisip ka na lang kung,
Sino nga ba ang tunay na mabangis!
May dahilan kung bakit nilikha ang ahas sa mundong ito,may dahilan kung bakit sila naninirahan sa mga tubuhan at palayan hindi para maging peste at perwesyo sa tao at lalong hindi para patayin para sa ating paggaling.
Labag sa batas ang panghuhuli at pagpatay ng anumang uri ng ahas pero hanggat nanananaig ang lumang pamahiin tuloy ang tao sa pagpatay sa mga ahas na ito.
Ang mundo ng tao at mundo ng hayop ay iisa wala ni isa ang maghahari pantay ang karapatan nating mabuhay,maliit man o malaki makamandag man o hindi.

1
$ 0.00
Avatar for Mike305
4 years ago

Comments