Àt ng gabi,kamote,kamoteng kahoy, at iba Pa,pero may isang klasing rootcrops na makikita sa ibat ibang panig ng samar na ang pangalan nito ay "Talyan".
Tulad ng gabi maaring makati ang talyan kaya kailangang mabalatan ito ng mabuti,pagkatapos gigilingin ito.Kumpara sa gabi o ibang rootcrops mas mainam daw na gamitin ang talyan para sa binagol mas matagal itong mapanis.
Igigiling ang binalatang talyan at hahaluan ito ng hiniling na malagkit na bigas,margarine at vanilla hahaluin ito hanggang maging dough o masa,kaya po tinawag na binagol kasi ang lagayan nito ay bao ng niyog kung sa waray (bagol).
Ang mga itinaling binagul pakukuluan ito hanggang maluto,7-8 oras ang pagpapakulo nito.
Bago pa man sumiklab ang world war 2 nagsimula ang paggawa ng binagol sa dayami leyte.pero sa calbiga samar nanggagaling ang talyan na ginagamit nila hanggang taong 2020,naisipan ng mga taga calbiga na sila na rin ang gumawa ng binagol para higit na mapakinabangan ang sarili nilang produkto.
Makikita o mabibili yan sa parte ng western samar pwede yan pasalubong.