Bilanggong isipan

0 33
Avatar for Mike305
4 years ago

Paano kung halos buong buhay mo nakagapos sa kwartong ito walang kausap walang kasama kundi yong kadena sa iyong paa,labas pasok sa pagamutan pero di ka pa din maintindihan naka kulong ang isipan nakagapos sa kahirapan.

Sampung taon na ang nakalipas ng bisitahin  sa ormoc leyte ang isang nakakadenang lalaki sa loob ng kuran ng baboy,teteng ang bansag sa kanya,sampung taon lamang si teteng ng igapos sya ng kanyang mga magulang,bayolente daw ito at nagwawala pagsinusumpong ng kanyang sakit,isang sakit sa pagiisip yung nawawala sa katinuan.

Makalipas ang sampung taon binalikan si teteng sa ormoc leyte halos walang nagbago ang lugar bakas pa rin ang kahirapan isang kahig isang tuka pa rin ang sakada ng tubuhan. Dito pa rin nakatira si teteng at ang kanyang pamilya.hinanap ang kural kung saan nakakulong si teteng pero isang tumpok nalang ng yero ang nakita dito.

Nasaan na si teteng?

Kundi hindi mo alam ang kanyang nakaraan hindi mo masasabi na may problema sya noon sa pag iisip halos wala nang bakas ang mapait nyang kahapon.

At doon na ito natutulog sa bahay kasama ang kanyang mga magulang.

Noong 2008 dinala si teteng sa ospital at ipinagamot mula noon unti unti ng bumalik sa katinuan ang kanyang pag iisip,unti unti rin nagbago ang pagtrato sa kanya ng kanyang pamilya hindi na mabangis na hayop kundi maamong nilalang na dapat alagaan.Ngayon si teteng na ang katulong ng kanyang ina sa gawaing bahay ang dating palaboy na kinatatakutan isa na ngayung kaibigan na maaasahan at ang kadena na dating gumapos sa kanya nangangalawang na sa alaala,30years old na si teteng ngayon halos kalahati ng buhay nya iginapos sa loob ng koral,ngayon lang nya nararamdaman ang kalayaan ng pagiging bata sana nga hindi pa huli ang lahat.

Pero kung si teteng malaya na sa kanyang kadena maraming kumunidad sa ormoc ang  nakagapos pa rin sa lumang kaisipan.

Kwento ni teteng sa di kalayuan mayroon isang babae daw na halos buong buhay nya nakakadena ang paa.

Sa baranggay sumangga ormoc leyte matatagpuan din ang isang babae na nakakadena din buong buhay nya.

Si alen ang pinakamatalino raw noon sa limang magkakapatid,matayog ang pangarap ni alen nagtrabaho  daw sa maynila sa murang edad  para makapag ipon pang kolehiyo pero nangyari ang isang mapait na karanasan kasama ang ilang kalalakihan,hindi malinaw ang dahilan kung ano ang nangyari sa maynila ang alam lang nila wala na ito sa katinuan,ng iuwi sa kanila,noong una tulala at hindi makausap  ng lumaon may naririnig na mga boses si alen bumubulong sa hangin parang may kausap at ng magtagal pa nagsimula na raw itong magpalaboy sa lansangan na parang taong grasa  napilitan ang kanyang mga magulang na ikadena si alen.

Nang mamatay ang kanilang mga magulang iniwan sa bunsong si juanito ang responsabilidad ang pagaalaga ng kanyang ate alen mag 50years old na ngayon si juanito,buong buhay nya inilaan sa pag aalaga sa kanyang kapatid hindi na nakapag asawa si juanito nakagapos na rin ang kanyang mundo.

Minsan daw iniisip ni juanito na kalagan na ng kadena ang kanyang ate,pakawalan na lang sya at hayaang gumala pero ng araw ding iyon nakumbensi si juanito na dalhin sa doctor ang kanyang ate alen at tanggalin ang kadena.

Pagkatapos ng mahigit apat napung taon sa unang pagkakataon makakalaya si lola sa kanyang tanikala,ito ang unang beses na makalalaya si lola alen mula sa kadenang mahigit apatnapung taon bumihag sa kanya.

Maya maya pa naglakad na si lola ayaw magpahawak at nagmamadali  at may kinakausap.katangian ng isang eskitsoprenia ang nakakarinig ng kung ano anong boses sa kanilang isip  gumagala at naglalakad lakad kung saan saan animoy pilit na tinatakasan ang mga boses sa isipan.

Ito ang unang beses na nakalabas si lola alen  mula sa kanyang kulungan,na syang naging selda ng matanda na makalipas ang mahigit apatnapung taon,ilang minuto nang naglalakad pero walang kapaguran si lola alen mabilis ang kilos at di mapakali para bang may hinahabol imbes na pigilan sinundan lang ang matanda at maya maya hindi na bumitaw sa pagkakahawak ng kamay ang matanda.

Walang psychiatic ang bayan ng ormoc sa leyte wala ring libreng sychiatris na pwedeng tumingin sa mga pasyente tulad ni lola alen mayron private clinic pero sumisingil naman ng tatlong libong peso kada check up,ang pinakamalapit na psychiatric facility nasa tacloban pa tatlong oras na biyahe mula sa ormoc,sa loob ng sasakyan walang tigil sa pagsasalita si lola hindi sya maintindihan pero halo halong emosyon ang mababakas sa kanyang mukha saya at pananabik takot at pagkabalisa,palubog na ang araw ng marating ang eastern bisayas center sa tacloban agad namang inasikaso ng mga nurse at doctor ng evrmc.Ayon sa psychiatris na si dr.lorielai gemotiva ang trauma at matinding kalungkutan ay posibleng humantong sa eskitsoprea kung hindi ito maaagapan,kailanmay hindi raw solusyon ang pag gapos sa kadena dahil lalo lang daw matatakot at lalala ang hallucination ng pasyente sa halip binigyan pa ng doctor ng gamot pampakalma i ninjectionan din si lola alen ng anticosis medicine.Hindi alam kung kakayanin ito dalhin ni juanito buwan buwan sa ispital si lola, Pero sana ito ang simula ng paglaya mula sa nakagapos nyang mundo.

Sa pag aaral ng up college medicine isa sa bawat tatlong pilipino ang may mental health problem ibig sabihin posibleng umabot sa 28 million ang bilang ng pilipino na may sakit sa pag iisip,ang problema  nasa 700 bilang ng mga psychiatrist sa pilipinas lumalabas na dalawang doctor lang ang nakatalaga sa bawat 100,000 katao,sa mahihirap na probinsya tulad ng leyte na permi sinasalanta ng kalamidad mas mataas pa ang bilang.

Siyam (9)na taon ng nakakulong sa kwarto si rolito di nya tunay na pangalan,14 years old lang daw si rolito ng magsimula ang problema sa kanyang pag iisip,nagsimula sa mataas na lagnat nagkaroon ng paninigas ng katawan hanggang lumaon tumagal na sya sa lansangan at naging bayolente may pagkakataon na isang buwang nawala ang binata at ng kanilang mahanap halos mamatay na raw ito sa gutom.

Batid ni tatay rudy na mali ang pagkadena kay rolito pero mas delikado raw kung hahayaan nya ang anak na gumala sa marahas na mundo.Sinubukan ng pamilya na ipagamot si rolito,tatlong doctor na raw ang kanilang kinunsulta at buwan buwan aabot daw sa walong (8)libong peso ang kanilang gastusin sa mahal ng pagpapagamot hindi rin daw nila ito matustusan.

Kabilang ng mga sintomas ng iskitoprenia ang pagkabalisa hindi mapakali sa isang posisyon perming gumagalaw  at nagsasalita ng kung anu ano,epekto raw ito ng mga hallucination at naririnig na mga boses na bumabagabag sa kanilang isip.

Habang buhay ang gamutan sa mga taong may kondisyon sa pag iisip,di tulad ng ibang sakit hindi ito gagaling sa isang tableta lamang ang problema  lubhang napakamahal ng mga gamot paano ito kakayanin ng isang magsasakang baon sa utang.

Ito ang dahilan kung bakit ipinasa kamakailan ang mental health law o car e 11036 layunin nitong obligahin ang gobyerno na maglaan  ng pundo para sa libreng gamot at kunsultasyon na may problema sa pag iisip at magtayo ng mental health facility sa bawat kumunidad.

Sa evrmc sa tacloban libre ang gamot at konsultasyon,tulad ni teteng at lola alen, iskitoprenia din ang diagnosis ng doctor kay rolito para umepekti raw ang gamot kailangan araw araw inumin,ang gamot ay unang hakbang lang na tuluyang paggaling ang taong may problema sa pagiisip.

Higit sa lahat mas mahalaga ang tamang pagtrato at pagaalaga sa mga tulad nila mahirap at pang habang buhay itong kalbaryo,pero kung kinaya ni teteng na makalaya sa kadena dahil sa tulong ng mga doctor pang unawa ng kumunidad at pagsisikap ng kanyang ina,marahil may pag asa pang makalaya sa kanilang pagkagapos si lola alen at rolito.

Madaling husgahan ang mga magulang na kinakadena ang kanilang anak dala ng problema sa pagiisip,madaling sabihing mali ang kanilang ginagawa,pero matapos kung makausap ang pamilya ni teteng,lola alen at rolito alam kung hindi rin nila kagustuhan ang mga nangyari,walang magulang,kapatid o kaana  na nais igapos ng sarili nilang kadugo sa totoo lang ang problema sa pag iisip ay hindi lang kalmado ang maysakit kalmado din ang kapamilya at kumunidad na nakapaligid sa kanila hindi lang sina teteng lola alen at rolito ang bilanggo sa sitwasyong ito,ang kanilang mga kaanak nakagapos din ang mundo.

1
$ 0.16
$ 0.16 from @TheRandomRewarder
Avatar for Mike305
4 years ago

Comments