Asul na bukal

0 29
Avatar for Mike305
4 years ago

Hello magandang umaga mga ka readcash Isa na namang lugar Ang ating pupuntahan kaya Tara na samahan nyo ako! Magtungo sa Cebu!

Ang bukal na Ito ay matatagpuan sa tuburan cebu city,asul Ang kulay Ng tubig at matatagpuan sa gitna Ng kakahuyan.

Ang bukal ay isang malaking butas na mala swimming pool sa gitna Ng kakahuyan na may malamig na tubig malalim at napakaganda,libre Ang maligo pwede mag dive,pwedeng umakyat sa puno o umakyat sa platform para mag swing Ang taas nito ay aabot sa 12feet kaya ay ligtas Ang mag dive dito.

Ayon pa sa mga kwento mayroon daw lihim sa pusod Ng bukal na may naninirahan daw na mala halimaw na isda na Kung tawagin ay kugtong na Kung gutom daw Ito ay kakainin sila.

Ang tawag nila sa bukal na Ito noong panahon ay "Kugtungan"na Ang ibig sabihin ay "dulo Ng ilog"Sa takot Ng mga residents sa kugtong kahit kwento lang Ang lahat,taon taon parin sila nag sasagawa Ng ritwal,na pasasalamat na walang nangyayaring masama sa buong taon.Kalaunan Ang Kugtungan ay tinawag na "sinungkulan" na ngayon ay binansagang "Blue Hole"Ng tuburan cebu!

Pero gaano ba kalalim Ang bukal na Ito?Mayroon nga bang nakatirang kugtong?

Para malaman Ng lahat Ng residents Ng lugar ay may mga divers na sumisid sa bukal para alamin Kung mayroon nga ba nakatira sa bukal na kanilang kinatatakutan.

Nakumpirma Ito Ng mga divers na walang nakatira sa ilalim Ng bukal bagkus Ang Nakita nila sa ilalim ay mga basura na kailangang tanggapin Ang mga Ito.

Tinatayang humigit kulang sa 6na metro Ang lalim nito at nakita din nila Ang bukal na pinagmulang Ng tubig at sinabi Rin sa kanila na Hindi mangamba sa mga naririnig na mga kwento dahil walang kugtong sa bukal.

Ang tanong kaya ba nila Ang pagdagsa Ng mga turista!

Ang Sabi nila ay Basta raw pangalagaan Ng mga turista Ang kanilang bukal ay tanggapin din sila Ng may bukal sa kalooban.

Maraming salamat at Sana magustuhan nito milk Ang artikulo na Ito....

2
$ 0.00
Avatar for Mike305
4 years ago

Comments