Silang mga musmos ang tinuturing na pag asa ng tribung matigsalug ng davao city,ika anim na henerasyon ng katutubo na ang kasaysayan at kultura ay naka tali na sa ilog.
Sa kanilang munting mga balikat naka pasan ang responsabilidad na iangat ang antas ng buhay ng kanilang tribu at batid man o hindi ang bawat yapak man nila ngayon kunting hakbang tungo sa inaasam na magandang kinabukasan.
Malayo sa kabihasnan ang kumunidad ng mga matig sa lungsod sa davao city.Dati daw kasi nasa tabing ilog sila nakatira ngayon sa bundok na.
Mula sa marilog district sa davao city dalawang sakay ng habal habal,malubak kasi ang daan at makikitid na tawiran,para marating ang tulay mag umpisa naman maglakad paakyat sa sitio nyotawas kung saan nakatira ang mga datu o pinuno ng tribu matig sa bundok.
Kwento ni titser rowel na unirary member ng matigsulog trival council sadyang mahirap ang buhay ng mga katutubo sa bundok at iisa lang ang kanilang pag asa.
Sa ibaba ng bundok dito sa davao river sila nag uumpisa sa paglalakbay ng mga bata sa matigsalug papasok ay iskwelahan.Naglalakad sila ng di bababa ng limang oras kada araw para lang makapasok.
Tuloy tuloy ang mga kalalakihan sa pagpapatawid sa mga bata lalo na pag malakas ang agos ng tubig karamihan sa kanila mga tatay ng mga bata na naiiwan din sa tabing ilog na matatapos din patawirin ang ibang mga bata.
Pagdating sa kabilang ilog nagbibihis ang mga bata at para maglakad ng napakahabang lakaran patungo sa eskwelahan halos 50 bata ang sabay sabay na naglalakad araw araw.
Pero kahit mahirap ang daan batid mo ang pag pupursige at pagtutulungan ng mga magulang at mga bata kapag kailangan sabay sabay silang magpapahinga.Apat na bundok isang ilog ang lalakbayin ng mga bata mulabsa kabilang bahay,kaya ganun nalang ang pagod ng mga estudyante.
Mahirap ang buhay ng isang pamilya kung saan pagsasaka ang tanging ikinabubuhay.Kasabay nito na wag kakalimutan ang kanilang kultura kaya linggo kasama ang mga bata sa ritwal ng pag aalay.pinasusuot din sa kanila ang tradisyunal na kasuotan ng matig salog di man nila maintindihan pa sila pala ang pinagdarasal at kahilinganng basbas sa mga ninuno ipinapakita rin sa mga bata ang mga sayaw at kanta ng kanilang mga ninuno hango sa aktong pagtatanim sa bukid,hindi pa sila kasali sa ritwal pero kailangan nila manuod at makinig ng mabuti dahil balang araw sila rin ang mangangasiwa rito.
Hindi pa marahil batid ng mga bata ng matigsalog ang kahalagahan ng araw araw nilang kalbaryo ang pagpasok ng eskwelahan lingid sa kaalaman nila na pasan nila ang responsabilidad na iahon sa kahirapan ang kanilang komunidad,Ang malinaw lang sa kanila tapos na ang unang araw ng iskwelahan at bukas uulitin nila ang masalimuot na biyahe tungo sa magandang kinabukasan.