Ang sugarol

0 12
Avatar for Mike305
3 years ago

Sa isang eskineta sa bagong silang caloocan,Hindi tilaok Ng Manok Ang gumigising sa mga taga rito kundi kalansing Ng bulilyo,malutong na balasa Ng baraha at tunog Ng baryang bumabagsak sa lupa.

Sa lugar na Ito 24/7 Ang bingo,block buster Ang sugal sa kada kanto.tulad ni nanay Liza 44 yrs old Ang Suki Ng bingguhan ,maaga pa Lang nakaupo na sa Kanto tila ba sugal Ang kanyang almusal,walang permanenteng si nanay Liza,umaasa Lang sa pa minsang minsang raket at sa perang padala Ng asawang NASA probinsya.Ito Ang ginagamit nyang puhunan para sa sugal at katwiran nya pinapalago Lang Naman nya ang pera nya.Pinahihintulutan Ng baranggay Ang bingo dahil pa barya barya Lang Naman daw Ang Taya rito.

Sa unang tingin Ani mo'y laru laro Lang Ang bingo pero Ang baryang tayaan nakakapanghinayang kalaunan.Kasama ni nanay Liza Ang dalawa nyang anak sa binguhan,lumipas Ang ilang oras NASA binguhan pa Rin so nanay Liza at biglang nawala Ang dalawang Bata sa TABI ni nanay Liza.

Bigla ata nabaliktad Ang mundo,Bata na Ang nagtatrabaho habang Ang Ina naglaro.Umalis si Charlie Ang Ang kapatid nya para mangalakal at may maipambili Ng pagkain.Tanghali na natapos mag bingo Ang mga sugarol at nag handa na Ng tanghalian si nanay Liza para sa kanyang mga anak at Doon Lang nya napagtanto na Wala Ang kanyang mga anak at Ng Hindi nya makita Ang mga Ito bumalik sya sa bingguhan,Ang Hindi Alam ni nanay Liza habang abala sya sa pagsusugal Ang kanyang mga anak ay abala din sa paghahanap Ng kalakal.

Ala una na Ng hapon Ng magkita Ang mag iina,sa kabila Ng pagsusugal malambing pa Rin si nanay Liza sa kanyang mga anak,sa loob Ng maliit na barong barong kahit papano masama Ng mga Bata Ang yakap Ng pamilya.kina hapunan nag lakad nanaman si nanay Liza para mangutang,nangutang siya Ng P80.00 Doon sa pinagbibintahan Ng kalakal Ng kanyang anak at nabigyan Naman ito.para puhunan nya sa pagsusugal.

Pinapayagan Ng baranggay Ang sugal kapag may lamay para Naman daw may libangan Ang nakikiramay,pero sa kaso Ng mga sugarol Hindi pakikiramay Ang ipinunta kundi pagkakataon na makataya.

Maagang napasabak sa tongits si nanay Liza P200 Ang puhunan nya Mula sa padala Ng kanyang asawa at delihinsya.Makalipas Ang isang oras tumayo si nanay Liza at lumipat Ng ibang lamayan.Habang palipat lipat si nanay Liza Ang kanyang mga anak ay palipat lipat din Naman sa mga tindahang humihingi Ng limos.

Sa pamilyang nabubuhay sa isang kahig isang tuka Mabilis na tumatanda Ang mga Bata,Hindi ako magtataka sa pagdating Ng panahon matututunan din nilang maghanapbuhay sa piling Ng mga patay.

Iba iba Ang laro sa lamayan mayroon tongits,pusoy,at lucky 9,sa bawat lamesa may maliit na platito o garapon na makikita sa gilid Ng lalagyan,Ito Ang ring o porsyento na ibinibigay Ng mga manlalaro sa patay Ito Rin Ang dahilan Kung bakit pinahihintulutan Ng namatayan Ang pagsusugal sa kanilang mga lamay dahil kahit papano may nakukuha silang kapalit.

Madaling husgahan Ang mga sugarol tulad ni nanay Liza pero sa taong laging Tali sa mundo isusugal kahit na ano para sa pagkakataong makatikim Ng panalo.

Maraming maraming salamat Sana magustuhan nyo Ito at Sana may makuha parin kayo Ng kunting aral.

1
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Avatar for Mike305
3 years ago

Comments