Ang mga bayang uhaw

0 37
Avatar for Mike305
4 years ago

Sa isang bansang napapaligiran Ng karagatan,Kung saan luntiang mga bundok,tinatahi Ng rumaragasang ilog.Mahirap isipin na may mga lugar sa pilipinas na uhaw sa tubig.May mga lugar sa luzon visayas at Mindanao na kailangan mo pang maghukay,mag igib,mandiri at magtiis kapalit Ng biyaya Ng tubig.

Isa sa pinakamalayong lugar sa baranggay lunasan sa Mindanao araw Gabi maririnig Ang hampas Ng maso at piko simula Ng pumasok Ang tag init nagsisimula Ng maghukay Ang mga Tao.

Hindi na bago sa pamilya Eva Ang maghukay para sa tubig Kung datiy Ang tatay nya Ang naghuhukay Ng tubig,ngayon Lolo na sya Ang anak namang si abrahim Ang pumalit sa kanya,halos 15feet na Ang lalim Ng hukay pero Wala pa ring tubig.Bayanihang istilo Ng mga taga baranngay muti pagod na daw sa kaka asa sa iba kaya nag sarili na Lang kusa,.

Minsan na daw nagbigay Ng pundo nagpatayo Ng water pump pero natyuan pa din Ito kalaunan simula Ng mag El niño.Sa di kalayuan may Isa pang balon pero di Naman Ito mainom Ang tubig dahil may Amoy.

Taon taon tuwing tag init ganun lagi Ang sitwasyon sa baranggay muti sa Mindanao at habang Wala pang solusyun Ang gobyerno sa problema,habang Wala pang biyaya Ang tigang na lupa,patuloy silang naghuhukay at magdadasal na Sana bukas lumuha na Ang kalangitan.

Jimalalud Negros Occidental

NASA pusod Ng kabundukan Ang pinaka dulo Ng baranggay jimalalud Negros Occidental,kaya mahirap isipin magkaroon Ng problema Ang lugar na Ito.Kung sa baranggay muti sa Mindanao ay isang balon Lang Ang pangarap Ng mga naghuhukay sà sitio lunasan sa visayas Hindi Lang Isa kundi limang balon Ang biyaya Ng lupa mapalad sa unang tingin pero Ng suriin madumi din.

Apat na taon na Ang balon na halos di na mapakinabangan dahil sa madumi,Ayon sa mga taga lunasan mayroon daw malinis na bukal Ang lugar pero Ng magkaroon Ng lindol nawala Ang tubig dahil dito napilitang maghukay Ang mga Tao.

Kung tubig pang hugas at pang laba Wala Sana silang problema pero ibang usapan Ang tubig inumin,sinubukan na silang tulungan Ng gobyerno nagpatayo Ng balon o water vessel pump sa ibang lugar pero pagdating ng tag init natuyuan ang balon ,kaya balik sa hukay Ang mga Tao.

Nagpunta ulit sa ikaapat at limang balon na hukay ganun din Ang kulay Ng tubig Pam paligo at pan laba lang.

Marami Ang source Ng tubig pero lahat Ng hukay na balon ay Hindi pwedeng inumin Ang tubig.

Gaano man kayaman Ang kalikasan lahat ay may hangganan at habang lumalaki Ang popolasyon paunti Ng paunti Ang tubig nanakukuha sa ilalim kaya ilang beses man silang maghukay walang saysay Kung sadyang said na Ang biyaya Ng lupa.

Para makatikim Ng malinis na tubig kailangan mag igib Ng mga taga lunasan sa kanilang sitio na malapit sa ilog at bukal walang bayad Ang pag iigib pagod at pawis Lang Ang puhunan mahigit isang oras Kasi Ang kanilang lakarin pasan Ang mga galon galing tubig inumin.

Madaling isipin na Ang mga nasa malayong lugar Lang Ang apektadong ganitong kalbaryo,pero Ang totoo Ang kalbaryo Ng mga taga sitio lunasan sa negros oriental ay Hindi malayo sa karanasan Ng maraming pilipino,katunayan mahigit tatlong milyong pamilyang pilipino ngayon Ang salat sa malinis na tubig inumin.

Bulacan sa luzon

Sa probinsya Bulacan sa luzon makikita Ang tatlong malalaking damno imbakan Ng tubig,Anggat,ipo,at bustos dam nanggagaling Ang tubig Ng buong metro Manila at irigasyon sa maraming lugar sa luzon.

Kung NASA Bulacan Ang malalaking dam karapat Lang isipin na walang problema sa tubig Ang mga taga rito pero uso pa Rin Ang piso kahit may mga nakakabit na grupo sa bawat bahay sa baranggay lambskin marilao Bulacan.Ang tubig Kasi na dumadaloy sa grupo ay marumi.

Mahigit isang libong pamilya Ang nakatira sa bargy.lambakin at lahat sila pare pareho Ang problema sa madaling salita double Ang binabayaran Ng tubig Ang mga taga rito P750 sa mineral water at dagdag na P225 Ng pandilig at panlinis Ng kubeta.

Dating malinis Ang ilog Ng marilao pero dahil sa dami Ng pabrika sanpaligid nito at kawalan Ng desiplina Ng mga Tao Isa na itong pinakamaruming ilog sa buong mundo.

Pero totoo nga ba na sa ilog nanggagaling Ang tubig na tumutulo sa kanilang mga grupo?

Simula 2007 hanggang sa kasalukuyan perming NASA top 10 Ng listahan Ang pinaka maruming ilog sa mundo,Ang ilog Ng marilao Bulacan.Ayon sa mga pag aaral dalawang klasing basura Ang makikita rito,Ang nakalalasong kimikal I toxic waste Mula sa mga pabrika sa paligid Ng ilog at Ang mga basura Mula sa kabahayan Ng mga Tao.

Totoo nga Kay na Ang ilog na puno Ng basura Ang sya ring pinagkukunan Ng maraming bahay sa Bulacan?

Ang pumping station Ng marwadis Ang syang nag susulat Ng tubig sa marilao.Ang pumping station ay makikita sa gilid Ng ilog.

Ayon sa marwadis dati raw sa malalaking hukay Lang sila kinukuha Ng tubig pero Ng dumami Ang popolasyon sa Bulacan kumunti Ang suplay Ng ground water napilitang silang lumuha Ng tubig Mula sa shallow well at surface water.

Paliwanag Ng marwadis kasalanan umano Ng mga illegal connection o mga nagnanakaw Ng tubig kaya nagiging marumi Ang tubig sa grupo para malaman Kung itoy totoo sinuri Ang tubig sa mga bahay sa subdivision ganun din madumi Ang tumutulo sa grupo,pero tulad Ng tubig sa mga mahirap na kumunidad tila may problems din sa gripo,gamit din Ang isang puting tila,sinuri Ang tubig Kung gaano ka Rumi Ang tubig sa gripo,isang minuto Lang na suriin Ang tubig madumi pa Rin.Kahit pampaligo Ng mga Bata ay mineral water Ang gamit mabuti na raw gumastos Ng malaki kaysa mag Sisi at magkasakit.

Aminado Ang marwadis may pagkakataong madumi Ang tubig na lumalabas sa kanilang mga tubo pero hinahanapan na daw Ito Ng solusyon.habang Wala pa daw solusyon tiis Muna sa mataas na bayaran sa mineral water Ang taga marilao Ang mga mahirap na kumunidad Naman balik sa estilo Ng paghuhukay.

Taong 2010 kinabitan Ng mga gripo Ang kabahayan akala nila biyaya Ito Kasi after all Nagkaroon ka ng running Water pero Hindi nila Alam na Ang lalabas sa gripo nilabay madumi at masang sang na tubig ngayon dahil Hindi nila mainom Ang tubig balik sila sa pag huhukay Ng balon at mag iigib Ng tubig sa poso.

Ang tanong hanggang kailan magtatagal Ang posong Ito Lalo pat mahigit isang libong pamilya Ang umaasa sa iisang hukay.

Karapatan Ng bawat Tao Ang malinis na tubig inumin pero Ang realidad mahigit tatlong milyong pilipino Ang salat sa tubig pangarap Ng mga taga muti Ang magkaroon Ng tubig sa kanilang hinihukay na balon,sa sitio lunasan may balon pero Hindi Naman malinis Ang tubig gripo sa bawat bahay Ang matagal na panaginip isang panaginip na matagal Ng natupad sa mga tahanan sa marilao Bulacan pero Kung marumi Naman Ang lumalabas na tubig sa gripo sa marilao halos Wala Rin silang inangat sa mga naghuhukay sà Mindanao.

May hangganan Ang lahat Ng yaman hanggat Hindi natututo Ng Tao Ang pangalagaan Ang biyaya Ng kalikasan hanggat kulang sa suporta Ng gobyerno sa kalayuan patuloy tayong maghuhukay,magiigib at magtiis,magdasal na Sana bukas umiyak na Ang kalangitan......

1
$ 0.00
Avatar for Mike305
4 years ago

Comments