Kung may mga nabubuhay pang mga Higante sa mundo sila na marahil Ito!
Sa bigat na limang(5) tonelada,Ang pinakamalaking hayop sa balat Ng lupa,pero gaano man Ito malaki Isa sila sa pinaka Maamong nilang sa mundo.
Sagradong kultura Ng Thailand Ang mga elepante,itoy simbolo Ng katatagan at mahabang pagkakaibigan Ng kalikasan,pero iba na Ang image Ng Maamong mga Higante,kadalasan sila makikita sa kalsada at palabas na nagpapasan at nagbibigay Saya.
Pero tunay nga ba ang dala nilang ligaya?
Hindi na bago Ang mga tagpo sa mga tourist camp sa Thailand,mga hayop Ang pangunahing atraksyon sa lugar pero sa halip sa gubat,sa mga team park na sila naninirahan ngayon.Sa ngayon 50 thousand Ang total Ng popolasyon Ng mga elepante sa Thailand,pero karamihan sa mga elepante ay NASA mga zoo at park Kung saan ginagamit sila para sa mga Turismo.Mahigit 70 elepante Ang nakatira sa meza elephant camp,bawat Isa ay kabisado na Ang team para sa selfie Ng mga turista.
1976 itinayao Ang elephant camp at daang daan turista Ang nagtungo dito sa pagdaan Ng panahon nagbago Ang mga palabas Ng mga elepante.
Taong 1995 itinayao Ang save elephant foundation sa tulong Ng isang Americano.Nag Tayo sila Ng isang malaking sanctuaryo para sa mga elepante g nakakaranas Ng pang aabuso.Isang sanctuaryo na Malaya Ang maamong mga Higante sa kagubatan,walang kadena,walang kulungan,walang pader,walang harang,pero di tulad Ng mga elepante sa camp na sinasakyan.Sa sanctuaryo malayang nakakagala Ang mga naglalakihang nilalang sa mundo,maaari silang kapitan pero di pwedeng sakyan,maaari silang hawakan pero di pwede silang saktan.
Tulad Ng Maamong mga Higante na walang hangad Ang mga katutubo Kung di isang tadhanang Malaya at Payapa.
Noong aabot pa sa isang daang libong elepante na matatagpuan sa kagubatan Ng thailand pero sa pagdating Ng panahon at talamak na sa panghuhuli sa kanila,mahigit limang lino nalang Ang naiwang elepante sa buong Thailand Ang masaklap pa 3 libo sa bilang na Ito Ang nakakulong o nakakadena.
May mga elepante pa kayang nakakagala sa kagubatan?
Tulad Ng mga katutubong naghahanap Ng tahanan may pag asa pa kayang maibalik sila sa lupang nakagisnan?
Walumpung milyong taon nang nabubuhay Ang mga elepante sa mundo pero Ng dumating Ang mga Tao until unti na itong nauubos Ang lahi Ng Maamong mga Higante.Mula 26 milyon noon ngayon NASA 450 thousand nalang Ang naiwang,Ang Asian elephant na nooy milyon Ang bilang ngayon 50thousand nalang Ang naiwang.Karamihan sa kanila ay NASA kulungan at animal camp.Itinuturing na itong indangered species Ang Asian elephant.
Hindi man tuluyang makabalik sa lupang kinagisnan Ang mahalaga ay nakahanap sila Ng tanggap sa kanila,isang tahanan na walang pader o harang,isang tahanang Malaya,Payapa at ligtas.